Chapter 3

10 5 0
                                    

Nasa site ako ngayon para tingnan ang progress ng ginagawang building namin. In all fairness, malaki na ng progress at tuloy-tuloy na ang pagtatrabaho.

“Mango Leo, wala na bang kulang? Okay na ba tayo sa mga materials ?”

“Okay na po lahat ma’am pero maiba lang ako ma’am, may boyfriend na po ba kayo?” Ang chismoso naman nitong si Mang Leo pero kahit ako di ko din alam bat wala akong boyfriend.

“Hindi ko din alam Mango Leo eh. Hindi lang siguro ako kagusto-gusto pero masaya naman na po ako sa buhay ko ngayon eh.” Hindi ko alam kung masaya talaga ako. Miss na miss ko na ang pamilya ko tapos lahat ng batchmates namin ni Gab, may mga boyfriend na at mga asawa. Napag-iiwanan na ako, kulang masyado ang buhay ko ngayon.

“Nako ma’am! Para niyo na akong tatay, sa lahat ng proyekto niyo, naroon ako. Ang tagal na ng pinagsamahan natin kaya payong tatay lang, get a life Engr. Di ka na po bumabata, kelangan niyo na pong mag-settle. Malay niyo, nasa tabi-tabi lang po ang makakasama niyo. Baka yang taong naglalakad papunta sa atin ang forever niyo Engr. Balik na po ako dun Engr.”

Napakasarap pakinggan ang mga ganyang payo, nakakamiss sila mama at papa pero sinong naglalakad ang sinasabi ni Mang Leo?

“Hi Engr. Garcia”

“Ay palaka! Bat ka ba nandito? “ Biglang sumusulpot eh, parang kabute. Ano na naman ba ang ginagawa nito dito?

“Oh, Mr.Hernandez? What brings you here?”

“I missed you Athena, that’s why I’m here” Miss lang pala niya ako eh, wait what?! Miss niya ako?! Ano na naman bang kagaguhan to?!

“Kung naghahanap ka ng kalandian Mr. Hernandez, nagkakamali ka ng pinuntahan tsaka ayoko tawaging relationship wrecker.”

Nakakinis tong lalaking to! Ginagawa akong laruan. Tsaka, first name basis na pala kami ngayon?

“No Athena. Me and Natalie are just arranged. My family wants her to be my wife but I don’t want her. Una kitang nakita, nakuha mo na agad ang atensyon ko. Just give me a chance Athena.” Ano bang pinagsasabi nitong taong tao? Lasing ba to?

“Alam mo ako, wag mo akong pinagloloko Zachary. Sabog ka ba?”

“Athena please. Trust me in this.”

“Zachary, di mo pa ako kilala. Malay mo baliw ako? Malay mo psycho ako? Wala pang isang linggo nang tayo ay magkakilala. Ano ka ba. My answer would be no Zachary. Umuwi ka na. Excuse me.”

Umalis na ako pero narinig ko pang tinawag niya ako, nang di ko tiningnan, narinig ko na ang sasakyan niyang paalis na.

Pabalik na ako sa office ngayon kasi may kukunin pa akong gamit kay Gab. Inaya ko na rin pa lang mag dinner si Gab. Buti na lang talaga ako at meron si Gab sa tabi ko. Di ako iniiwan kahit ano pang pagkatao ko.

“Gab, tara na!”

“Kotse ko na lang gamitin natin Athena. Hassle pag dalawa pa ang dadalhin natin.”

Napakaswerte ng magiging girlfriend ni Gab. He is very considerate and thoughtful. Wala ka ng hahanapin pang iba.

Nakarating na kami sa pagkakainan namin at nakaorder na rin kami. Hinihintay na lang namin ang order namin.

“Athena, may problem aka ba?” Anong pinagsasabi nitong Gab?

“Wala naman Gab. Gusto lang kitang ilibre. Minsan na nga lang akong manlibre eh, babarahin pa.”

“Tina, I know you. We’ve been together since bata pa tayo. No need to lie to me. Care to share, no judgements, promise.” Kilala na nga talaga ako ni  Gab. Wala namang mali sa mag-share diba?

“Ganito kasi yun Gab, si Zachary, bigla-biglang nagconfess sa akin. Sabi niya, gusto niya raw ako. Ganito na ba ako na babae Gab? Oo, crush ko siya pero pagsabi niya na may girlfriend siya, umalis ako kaagad. Ayokong makagulo sa kanila. Di ko na alam.”

Malapit na akong maiyak sa pinagsasabi ko kay Gab. Alam kong maiintindihan niya ako. Sa lahat ng tao, siya ang pianka-nakakintindi sa akin.

“Gago pala tong si Zachary eh! Anong akala niya sayo? Laruan? Athena Claire, don’t you dare cry because of that guy. I’ll change your schedule. Kung kinakailangan mong pumuta sa site, sasamahan kita. Wag mo ng isipin yun. Kumain na lang tayo para makapagpahinga ka na.”

“Salamat Gab.”

Nakauwi kami ng maayos ni Gab. Hinatid niya pa ako sa office para kunin ang sasakyan ko tapos, sinabayan niya pa talaga ako na makauwi sa bahay.

Napakabait ng kaibigan kong iyon. Di ko talaga alam ang gagawin ko kung wala siya.
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Zachary hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing.

How Can I Forget? (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon