"sigurado ka'ba na si ashton yon?"
hanggang ngayon tulala lang akong nakaupo habang pinapanood kong kumain si Raine, kain ng kain amp
"hindi ako pwedeng magkamali sa boses nya" siguradong sabi ko
"nakita mo ba mukha nya?"
"ayun nga, nung pagbagsak ko kasi hanggang sa pagtayo tinitignan ko ung braso ko kasi napangtukod ko, nung nagsalita naman sya, hindi talaga ako nakagalaw" pag papaliwanag ko sakanya ng ngyare kanina
"eh malay mo kaboses lang nya yon, may ganon talaga, oh baka naman habang naglalakad ka e nagdeday dream kananaman, kaya akala mo kaboses nya."
"hindi ko alam, pwedeng sya yon o hindi"
hanggang ngayon hindi pa den mawala sa isip ko ung lalaking nakabangga ko kanina
si ashton kaya yon? o nagiimagine nanaman ako?
halos buong araw ako tulala, hanggang sa makauwi ako tulala lang ako maggagabi na ng nakauwi ako sa bahay, wala namang sinabi si mama hinayaan lang ako dumiretso sa kwarto
naligo muna ako bago lumabas ng kwarto para tulungan si mama maghain ng pagkain
"ma anong ulam natin?" tanong ko sakanya pag pasok ko sa kusina
"Nagluto ako ng adobo, tawagin mo na mga kapatid mo"
"adobong baboy yan ma?"
"Oo dalian mo na"
dali dali naman akong nagpunta sa kwarto ng mga kapatid ko, nakahiwalay lang kami ni kuya ng kwarto at magkakasama na sila mama sa isang kwarto, ayaw pumayag ni mama na humilay sya ng kwarto e
dumaan muna ako sa kwarto nila ella para tawagin
"hoy mga panget kain na daw dalian nyo galit na si mama cellphone daw kayo ng cellphone" katok ko sa pintuan nila
"ate eto na baba na kami"
"sige sabihin ko ayaw nyo pa" pangaasar kopa
"Ate paepal ka sabi nga baba naa" sigaw ng kapatid ko
HAHAHA wala lang trip ko lang silang asarin kasi ang papanget nila HAHAHAHA
dumaan muna ako sa kwarto ni kuya bago dumiretso sa sariling kwarto
"hoy bakla, baba na daw kakain na, tawag ka na ni mama" tawag ko sakanya
"sige pababa na"
tinatok ko lang ng malakas ung pinto nya bago ako dumiretso sa kwarto ko, chinarge ko muna ung cellphone ko bago ako bumaba para kumain
pagbaba ko nasa baba na lahat ng mga kapatid ko, nagaasaran, HAHAHA nakakatuwa kahit gaano kami minsan hindi nagkakasundo, pagdating ng hapunan kailangan sabay sabay pa din kaming kakain, kahit minsan galit si mama samin, hindi pwedeng may mauunang kakain, dapat sabay sabay
"oh anong ngyare sa lakad mo?" tanong sakin ni mama
"okay lang naman ma, nagikot ikot lang kami ni Raine" masayang sabi ko sakanya
hindi ko na sinabi sakanya ung tungkol sa lalaking nakabangga ko, kilala ni mama si ashton kasi lagi kong kinukwento sa kanila HAHAHA
"hoy panget" tawag sakin ng kuya ko
"oh baket bakla?"
"nahanapan na pala kita ng jersey tuloy un ah? bawal magback-out" sabi sakin ni kuya
"oo sige, kuya pwede ba sumama si Raine? para may kasama naman ako magcheer sayo"
ang boring naman kasi kung ako lang mag-isa para naman akong tangang sumisigaw pag nakashoot sya diba HAHAHA
"oo sige sama mo, sure na yan ah?, malaking school kalaban namin kailangan manalo kami" natatawa nyang sabi
"saan ba yan anak?" tanong ni mama
"hindi pa namin alam ma" ngiting sagot lang ni kuya
"Ano bang meron bat kailangan ko pang sumama?" tanong ko sakanya
"basta, magintay ka nalang, matutuwa ka pag sumama ka" nakangiting sabi ng baklang to
ayaw pa sabihin amp, hinayaan ko nalang lumipas ung sinabi nya ang masaya kaming kumain, paborito ko pa naman ang adobo, napuno ng asaran at tawanan ang hapag namin HAHAHA masaya basta masaya sila.
/isaxx/

YOU ARE READING
Finally
Fanfictionpano kung ung taong iniidolo mo ay magkagusto sayo?? finally Lord eto na ba yon?