CHAPTER 29

56 4 0
                                    

Magdamag ko pinag isipan ang lahat, kahit simula nung maghiwalay kami ni Dylan ay pinag iisipan ko na ito. Kagabi lang talaga natuon ang pansin ko sa pag iisip at pag dedesisyon. Ilang linggo nalang ay manganganak na ako, hindi pwedeng palaging bahala na ang isasagot ko sa kanila kapag tinatanong nila ako sa mga bagay bagay.

"Sigurado kana ba dito Elle? Buo na ang desisyon mo?" Tanong sakin ni Jess na nasa passenger's seat at si Jerald naman ang nasa driver's seat. Nakisuyo lang ako sa kanila dahil ayoko ng mag drive kinakabahan na rin ako.

"Wala ng bawian to Elle ha? At pakiingatan ang sarili mo at si Baby." Sabi naman ni Jerald.

Actually kinakabahan talaga ako, sobrang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko alam kung kakayanin ko. Andito kami ngayon sa paraking ng condo ni Dylan. Nakapagdesisyon na ako na harapin  siya.

"Basta dito lang kayo okay? Tatawag ako kapag kailangan ko ng back up." Sabi ko sa kanila. Tumango naman si Elle habang hawak ang kamay ko. Halata sa kanya ang kaba para sa gagawin ko.

"You'll do good Elle." Jerald smile and patted my head.

Lumabas na ako ng kotse at tinahak ang elevator. Totoong walang kasalanan si Dylan, kung hindi pa ako matatauhan sa pangaral ng mga taong naka paligid sakin at sa kwento ni Hazel ay hindi pa siguro ako matatauhan. Tama si Hazel, parehas namin kailangan ang isa't isa pero mas kailangan ako ni Dylan ngayon. Alam kong sobrang sakit ng nararanasan nya, ang iwan namin siya ng magiging anak nya at ang mawala ang magulang nya. Maging ako ay hindi ko alam paano ang gagawin ko.

Nasa tapat na ako ng pinto nya at nagsimulang magdoorbell. Naka limang doorbell na ako pero walang sumasagot. Sinubukan kong pindutin ang password nya, at bigla itong bumukas. Hindi nya parin bi abago ang password nya. Yun ay ang anniversary namin nung mag couple pa kami.

Pagbukas ko ng pinto ay puro alak sa sofa. Ang kalat. Bukas yung TV pero walang tao. Inayos ko muna ang mga kalat sa sala, okay na rin to para matagtag ako. Kumuha ako ng garbage bag sa kusina at nakita kong ang daming hugasin sa lababo. Dylan anong nangyari sayo? Nagsimula ako pulutin lahat ng bote ng alak at mga basura. Pinatay ko yung TV at nag mop ako sa sala. Hinugasan ko yung mga hugasan sa lababo, pag tingin ko sa ref ay wala ng ka stock stock. Talagang nakuha ko pang maglinis kaysa kausapin sya? Naaalibadbaran kasi ako kapag makalat, ang sakit sa mata tignan. Kumuha ako ng panyo at pinunasan yung pawis ko. Nung matapos akong maglinis ay pumasok ako sa kwarto. Nakita kong nakaupo si Dylan sa may kama at nakayulo. Ang dilim ng awra nya. Paano ko sisimulan?

"D-Dylan." Agad siyang napalingon sa akin. Ang gulo ng buhok nya, humaba na rin ang bigote at buhok at namumula parin ang mata nya. Halatang napabayaan nya ang sarili nya.

"Dylan." Hindi siya kumikibo, nilapitan mo siya. Tumabi ako sa kanya. Nakayuko lang sya.

"Elle, bakit kapa nagpunta dito?" Matigas na sabi nya. Nasaktan ako sa sinabi nya.

"Totoo nga yung sinabi mo. Na buti nalang at hindi ka nagpakasal sakin. Tignan mo kung gaano kagulo ng buhay ko ngayon." Naiyak ako sa sinabi nya.

"Wala na akong mukhang ihaharap sayo Elle, sa inyo ni Baby. Pasensya kana." Naiyak lang ako habang tinitignan sya.

"Hindi yan ang pinunta ko Dylan." Sabi mo sa kanya.

"Ganito pala masaktan, ganito pala yung naramdaman mo nung mga panahon na yon. Ang laki kong gago pasensya na Elle. Sorry kung hindi ko na maibabalik yung dating tayo." Nakita kong may tumulong luha sa mata nya.

"Dylan, alam ko na ang lahat. Nag usap na kami ni Hazel, pinagsabihan na rin ako nila Mama at Papa. Dylan, ako ang may kasalanan bakit ka nagkaganito." Hinawakan ko yung dalawang pisngi nya at pilit na iharap sa mukha ko.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon