Chapter 3 "The Phub"

17 11 1
                                    

Elegant and high quality experience. Mahal pero masarap. Lahat halos ng gusto mo nandidito na. Ito ang dahilan kung bakit madaming tao ang gustong magpamember dito dahil bukod sa mga masasarap na foods and accommodation ay highly protected pa ang lahat. And isa ako sa mga stockholders ng sikat na restobar na ito. The Phub.

Mula sa labas ay nagsusumigaw na ang ganda at karangyaan ng gusali. May mga guard din na nakakalat sa paligid upang masigurado ang kaligtasan ng lahat. Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat mismo ng glass double door. Kaagad naman na may lumapit na boy at pinagbuksan ako ng pintuan ng driver's seat. Bumaba naman ako at iniabot sa kanya ang susi. Alam na nya ang dapat gawin. Sila na din ang bahalang magpark ng kotse sa parking. And... Ohh, I lied about the finger print car thingy...

Kilala na ako ng mga staff dito kaya naman dire- diretso lang akong pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng madaming tingin dahil sa suot ko. Naalala kong hindi pa nga pala ako nagpapalit ng damit. Well, as if naman na may pakialam ako di,ba?

The Phub is beautiful inside and out. Kung magara na sa labas, doble pa ang sa loob. White and gold ang motif ng design ng buong gusali. Nandito sa ground floor ang restaurant na may mga masasarap na pagkain at sa ikalawang palapag naman ang bar na may magagaling na mga bartender. Lastly, ay ang third floor na may mga rooms ng mga stockholders and business partner , malaking living room, chill and relaxing area at office ng owner. Now I know kung saan ako matutulog ngayong gabi.

Hindi ako nagugutom kaya naman, sa elevator ako dumiretso. Pinindot ko ang 3 floor kung saan mayroon akong sariling kwarto. May hagdanan naman, tinatamad lang talaga akong maglakad. A few seconds later, bumukas na ang pinto. Walang tao. Minsan lang kasi napunta dito ang mga kapwa ko shareholders.

Six digits code ang security lock ng mga rooms dito sa taas. Plus, the finger print. And as I expected, magulo pa din ang ayos ng loob ng kwarto ko. Noong last na punta ko dito, nalasing ako. So, tapon there, basura here, at damit everywhere. Walang mga maids na tagalinis ng mga rooms dito dahil lahat kami, nag iingat. Mahirap na...baka may tumira sa akin ng palihim. Kaya naman, no choice ako ngayon kundi ang maglinis.

I have my clothes and armory here. Kumpleto na nga. Its like my own kind of office. From personal things to laptop, set of computer, guns, knife and so on. Masarap mag trabaho dito dahil sound proof ang mga kwarto and no hidden cameras. Kung may gagawin kang kababalaghan, safe na safe ka dito. Ang problems nga lang, more on sa investigation and outfield ako kaya minsan lang akong pumunta dito. Pero ngayon, siguro naman mapapadalas na ako dito. I need to help Emily and burn that demon, Manuel to hell.

Tumagal ng kalahating oras ang paglilinis ko. Lahat ng sulok at maging mga ilailalim ay binusisi ko pa. Ganyan dapat ang naglilinis. Hindi yong kapag pinagwalis ka ng nanay mo, gitna lang ng sahig ang nalalapatan ng walis. With dabog pa. Don't worry, gawain ko din yon noong bata pa. Sa halip na dakutin ang dumi, sisipain pa sa ilalim ng lamesa, upuan, kabinet o kama. Sarap bumalik sa pagkabata.

Naligo ako pagkatapos kong maglinis. Pinagpawisan ako dahil pinatay ko sandali ang aircon. I was wearing maong short and loose t-shirt. Malaking damit na naka tock- in ang harapan sa short. Then my black converse shoes. Pupunta sana ako sa bar sa baba kaya lang, tinatamad ako. Magpapahatid nalang ako dito ng maiinom.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa relaxing area na nandito din sa floor na to. May apat na long sofa dito. Dalawa sa gitna at tig isa sa kaliwa at kanan na nakaharap sa glass wall na overlooking view ng city sa baba. Tanaw mula dito ang kagandahan ng buong bayan dahil nakatayo sa mataas na lugar ang Phub.

Whiskey ang ipinahatid ko. Plano ko dapat magsolo pero may mga yabag na papalapit akong nadidinig. Tumigil ito sa may likod ko. Nakaupo na ako kaya naman hindi ko alam kung sino iyon.

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon