AVISALA MEISTE MEMEN AT ORNIA

439 3 1
                                    

SA NAKARAAN

HERA ANDAL

AVRIA'S PROVERBS

Kasalukuyang pinaghahanap ng aking mga kawal ang mga pashneang diwata at humingi na din ako ng tulong sa ibang kaharian ng Etheria nang saganon ay mas madali ang paghahanap sa kanila sapagkat nais ko na maubos ang kanilang lahi.

ANDORA:Hara Avria paano kung may plano ang mga diwata laban sa inyo?

AVRIA:Kahit subukan man nila ay madadaig pa rin ang mga diwata sapagkat mas lamang tayo ng kapangyarihan.

ANDORA:Huwag muna tayong pasisiguro Hara sapagkat nabalitaan ko na mag makapangyarihan silang mga kaanib.

AVRIA:Kahit may kapangyarihan pa sila ay hindi nila ako mahihigitan.

ADAMYA

Kasulukuyang nagpapahinga ang lahat maliban sa mga mahuhusay na mga mandirigmang diwata sapagkat nagbabantay sila sa paligid kung sakaling may mga kalabang sasalakay sa kanilang kuta.

Habang nagbabantay sina Danaya at Aquil sa paligid sa hindi kalayuan ay nakita na nila ang mga kalaban na papalapit na sa kanila.

DANAYA:Mga vedalje!

Nang walang agam agam ay sinugod sila ng mga kawal Etherian saka nilabanan naman nila ito gamit ang kanilang mga sandata at kapangyarihan tamang tama ang dating ni Evades gumamit agad siya ng kapangyarihan kaya napaslang ang karamihan sa mga ito tapos ng kanilang laban ay agad nilang naisipan na maghanap ng panibagong kuta habang naglalakbay ang mga diwata sa kagubatan ng Adamya ay may kalaban na humarang sa kanila.

ALENA:Kakampi ka rin ba ni Avria?!

ANIMUS:Tama saan kayo pupunta,akala niyo ba na makakaalis kayo dito ng buhay?!

AGATHA:Tanakresha!pwede bang pabayaan niyo na kami napaslang niyo na nga ang karamihan sa amin ano pa bang gusto niyo?!

ANIMUS:Paano kung sasabihin ko na nais ko kayong mapaslang!,mga kawal!

MINEA:Hinding hindi mo kami mapapaslang sapagkat hindi ko kayo pahintulan!

ANIMUS:Mga kawal sugurin sila at paslangin!

Kagaya ng inaasahan ay napapalaban na naman sila kahit na merong kapangyarihan sina Cassiopea at mga Sangre ay hindi nila sila kinaya dahil nga sa marami ang mga Etherian at siyam lang sila at nakita nang magkapatid na Cassiopea at Agatha na hawak na ni Animus ang kanilang Ama at Yna gamit ang kanyang natatanging lakas ay sinakal niya sila Ornia at Memen kaya dali-dali  nag-ivictus ang kambal patungo sa kanilang kinaroroonan.

Ginamitan ng kapangyarihan ni Cassiopea at Agatha si Animus kaya nabitawan niya sina Memen at Ornia kahit dalawa na sial ni Agatha na nakipaglaban kay Animus nahirapan pa rin sila dahil sa sobrang lakas ng Etherian.

Sugurin na sana ni Agatha si Animus gamit ang Alexis ngunit bago pa siya maka-atake ay naihagis na siya ng kanilang pinsan sa kabilang sulok at nawalan siya ng malay kaya agad  siyang dinaluhan ni Cassiopea. Nang magkamalay na sina Ornia at Memen sila naman ang nakipaglaban kay Animus ngunit hindi nila ito kinaya at bago pa matulungan nila Alena ang magulang ng kambal ay napaslang na ang mga ito ng kanilang pinsan.

Sa sobrang galit ni Mata ay nagpakawala siya kapangyarihan kaya nagsiliparan ang nasa paligid at umalis ang mga kalaban.

CASSIOPEA:AMA!YNA!(Sabi ko habang tumatangis nilapitan naman si ni Alena at pinakalma)

ALENA:Taha na mabuti pang magtungo na tayo sa ating bagong kuta.

Tumango naman si Cassiopea ng ilang beses at nag-ivictus sila kasama ang bangkay ng kanila mga magulang at ang iba nilang kasamahan patungo sa Timog.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon