Chapter 4

18 7 0
                                    


Araw na ng Linggo, kaninang umaga nagpunta ako dun sa simbahan at nagdasal, nagpasalamat dahil sa wakas bukas 18 na ako. At umabot ako sa ganung edad.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Tapos na rin ako kumain at inaayos ko na rin ang higaan ko para matulog. Lumapit ako dun sa salamin. Tiningnan ko yung repleksiyon ko dun.

Devonne, you're too plain to be liked. And you're too boring to be loved.

I know masyado ko na naman pinapababa ang sarili ko. Wag na kasi umasa Devonne. Kinuha ko na yung diary ko at sinulat dun yung mga nangyari sa akin. Dalawang notebooks na rin ang nagamit ko kaka-doodle ng name niya at pagsusulat ng tula para sa kaniya. Na alam ko naman hindi niya mababasa.

Ibinalik ko na ulit iyon sa drawer ko nang makita ko ang isang kahon.

Dug.dug.dug.
Dug.dug.dug.

Kinuha ko iyon at binuksan. Napangiti ako nang makita ko ang laman nito. Mga letters at drawing ko para sana kay sir Jericault. Nakatago din doon ang ilang regalo ko para sa kaniya nung nakaraang pasko, Valentine's day, at nung birthday niya.

Ewan ko ba kung bakit pa ako bumibili ng mga ganito at gumagawa ng mga sulat na ito. Na alam ko naman na hindi ko rin naman ibibigay. Para siguro sa iba, sayang to. Pero para sakin hindi yun sayang. Ang labo ko noh? Hindi ko rin alam kung kailan ko ba maibibigay to sa kaniya. Baka matakot lang siya. Baka isipin niyang ganun na ako ka desperate sa kaniya. Ayoko ng ganun.

Ibinalik ko nalang lahat ng iyon sa drawer at ni-lock ito. Self, hanggang kailan ka pa ba maghihintay? Hanggang kailan ka aasa na baka isang araw ay mapansin ka niya.

Umamin na lang kaya ako?

Eww! Yuck. >_<

Kadiri naman ng mga naiisip ko. Parang wala akong ipinagkaiba dun sa ibang students na taga hanga niya. Makatulog na nga lang, bukas may pasok na at birthday ko na.

This is it!

Hello sunshine!
Good morning! ^_^

Ang saya ko at sa wakas 18 na ako!!
"Anak, uwi ka mamayang lunch. Isama mo si Kenzou at Alexis. Magluluto ako ng paborito mong kaldereta. Magce-celebrate tayo."
Sabi ni mama habang palabas pa lang ako ng bahay para pumasok na sa school.

"Hindi lang po ako sure ma, baka po kasi magkaroon kami ng quiz mamaya eh. Pero sasabihin ko po sa kanila."
Tumango naman si mama bilang tugon. Napangiti ako at yumakap sa kaniya.

" Salamat ma,"

Tumingin naman sa akin si mama at hinawakan ang kamay ko.

" Pasensya na anak, ito lang kinaya ni mama. Happy birthday."

Nagulat ako ng may ibigay siyang isang kwintas sa akin. Maganda iyon. Maliit ang pendant nito na isang crucifix. Kulay ginto ito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Proof of my HeartbeatWhere stories live. Discover now