"Capella!"
"El, gising! May sunog!"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sigaw ni Tanya.
"Sunog!?" luminga ako sa paligid kong may nag aapoy ba.
"HAHAHAHAHAHA" walang tigil si Tanya sa tawa. Wala naman pala kasing sunog! Walang hiya tong babae.
"Shut up, Tanya!" naiirita kong sabi sa kanya at humiga ulit sa kama. Ang bigat ng katawan ko para bumangon. Maaga pa naman para sa klase.
"Hoy, El. Hindi mo sinabi sakin na si Rigel pala ang kasama mo sa Baguio ha!" habang hinahampas ang balikat ko.
"Stop it, Tanya! I'm sleepy pa" sabi ko at pumikit ulit pero iton si Tanya ang kulit kulit.
"Pasalubong ko" she said using her cute tone.
Bumangon nalang ako at nag inat ng katawan. Ang kulit talaga parang bata.
Kinuha ko ang sampung paper bags malapit sa mga maleta na dala ko kahapon. Binigay ko sa sa kanya ang limang paper bags na may laman na bags, clothes and footwears.
Oo ganyan ka dami ang binili ko kaya hindi na pumayag si Rigel sa native bag.
"OMG, girl! I like this. Alam mo talaga ang mga gusto ko" she giggled bago inisa isang suotin ang mga damit.
"Of course, I know you" sabi ko at dumiretso sa banyo para maligo.
"Thank you, Capella" sigaw mula sa labas ng banyo.
Pagkatapos kong maligo I did my morning skin care bago lumabas ng nakatapis ng tuwalya.
Naka school uniform ako dahil Monday ngayon. Nag apply na din ako ng pulbo at liptint saka nag spray ng perfume.
Nang makalabas ako sa kwarto nakita kong nakahanda na ang breakfast namin ni Tanya. Naka uniform na din. By the way, yung uniform namin is blue skirt na above the knee inserted with long sleeve white polo at my coat na may logo ng school.
"Let's eat" masayang aya ni Tanya sakin. Umupo na ako sa harap niya at nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato.
"I want to party later" sabi niya habang kumakain kami.
"Yah I need to release my stress" pagsang ayon ko kay Tanya.
"Excited na ako mamaya. Ano kaya susuotin ko?" sabi niya at pumalakpak. Ano ka bata? When you're happy and you know it, clap your your hands. Yun ba yun?
"Me too" sabi ko at nag isip din ng susuotin mamaya.
Nang makarating na kami sa campus hindi namin nakita ang Mercedes Benz ni Rigel. Naglalakad kami ngayon ni Tanya sa hallway papunta sa room.
May biglang bamangga sa kin na babae kaya nahulog ang hawak niya na papel. Pinulot ko yun at ibibigay sana sa babae pero tumakbo ito.
"Anong nangyari dun?" tanong ko kay Tanya. Nag kibit balikat lang siya habang naka cross yung kanyang arm.
Tinignan ko ang papel na nahulog ng babae may letter itong naka print.
'M'
M? baka project ito nung babae o ano. Naglakad na kami ulit ni Tanya. May bigla na namang bumangga sakin. Isang nerd na babae, may nahulog yung papel hindi niya yun pinulot at agad lang itong tumakbo.
Kaya ako na ang pumulot sa papel. Pag tingin ko may letter na naman.
'Y'
Y? kanina M? ano ito project nila?
Apat na babae ang sunod sunod na bumangga sakin mabuti nalang hindi ako natumba. May nahulog na namang apat na papel mula sa apat na babaeng bumangga sakin. Katulad nung nerd, hindi nila ito pinulot at agad lang tumakbo palayo. Ako na naman ang pumulot.
Sasakit ata yung likod ko nito. Ang tanga kasi nila at tatamad pang pumulot. Tinignan ko ang nakalagay sa apat na papel.
"Ang tanga diba, Tanya?" nilingon si Tanya sa gilid ko pero wala na siya. Nasaan na ba yun?
'S'
'T'
'A'
'R'Yun ang letter na nakalagay. Anim na na papel ang hawak ko ngayon. Baka hindi ko namalayan na nauna na si Tanya.
Nang malapit na ako sa room may bigla ng paputok ng confetti sa magkabilang gilid ko.
Bakit ang lalaki ng pieces ng confetti yung mga papel. Natakpan tuloy ang mata ko kaya hindi ko maaninag ang lalaki sa aking harapan.
Tinanggal ko ang confetti na nasa mata ko. Nakita kong si Rigel yung kaharap ko ngayon.
Naramdaman ko na naman ang paruparu sa aking kaloob looban.
Tumingin siya sa papel na hawak ko kaya tinignan ko rin ito. Ngayon ko lang napagtanto na kung babasahin ito ay..
"My Star?" basa ko.
Inangat ko ang aking tingin kay Rigel. Nakatitig lang siya sakin habang may ngiti sa labi.
"My Star" ulit niya sa sinabi ko at humawak sa aking bewang. I smiled at him at pinulupot ang aking kamay sa leeg niya.
"First day of courting you, my star" sabi niya sabay halik sa noo ko. I know I'm blushing kahit hindi ko nakikita.
"Speechless?" he giggled kaya hinampas ko sa braso then I chuckled. Yung totoo? Speechless talaga ako. I don't know what to say.
"I need to go baka ma late ka. See you later?" sabi niya, bago umalis humalik muna siya 'king pisngi.
"Hoy, El. Parating na si dragon" sabi ni Tamya habang niyuyugyug ako.
I think mahal ko na talaga siya?
Sa wakas natapos na buong klase namin ni Tanya. I texted Rigel na pupunta kami mamaya sa bgc. Hindi ko na hinintay na mag reply siya dahil baka may try out sila sa basketball.
Nang maka uwi na kami sa condo ko kumain muna kami para matagal malasing mamaya. Pagkatapos, nag shower agad at nagbihis.
I'm wearing white tube at high waisted denim short skirt partnered with 3 inch heels while Tanya's wearing black see through top at black skirt partnered with her signature heels.
Sasakyan ko ang dinala namin papunta sa bgc. Pagdating namin ang dami ng tao. May iba rin na lasing na habang sumasayaw sa dance floor.
Umakyat kami sa second floor dahil doon ang ni reserved ni Tanya. Nagsimula na kaming mag order. I ordered signature cocktail para samin ni Tanya.
Tumingin ako sa entrance at nakitang may lalaking kakapasok lang. Si Rigel. I raised my right hand para makita niya ako. Agad naman niya nakita at lumapit sakin.
"I'm sorry natagalan ako" sabi niya at humalik sa labi ko.
"It's okay, drink" sabi ko at binigyan siya ng baso na may lamang cocktail.
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
Non-FictionPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars