CHAPTER 18- THE TAPE

12 0 0
                                    

"Congratulations!" Saad ni Shekiah sabay yakap sa akin kaya pilit akong ngumiti. "Hindi naman ako nanalo" natatawa kong saad kaya ngumiti siya.

"I know, pero para sa akin the best ka!" Saad niya kaya napangiti ako ng malapad.

Iniwan ko na muna siya sa stage at agad akong pumasok sa cr para maghilamos. Napatigil nalang ako ng pumasok din si Neathanya sa Cr at kasama yung mommy niya na nagulat na makita ako.

"Oh hi, you're Hyacinth right?" Saad ni Neathanya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumango nalang habang pinupunasan ko yung mukha ko gamit ang bimpo.

"Its nice to meet you again Hyacinth" dinig kong saad naman ni Wilma na siyang mommy ni Neathanya, ang kabit ni papa.

Hindi ko yun pinansin at agad na niligpit ang gamit ko. "Neathanya, She's the one I've been telling you, the daughter of your father" dinig kong saad nito kaya napatigil ako.

"From other woman" dugtong pa nito kaya masama akong tumingin sa kanya. "How could you to say that?! Ang kapal naman ng mukha mo! Kasal sila, kaya kung may kabit man dito ay ikaw yun!" galit kong saad kaya agad akong sinabunutan ni Wilma.

Hindi din ako nagpatalo sa kanya at sinabunutan siya. Ang kapal ng mukha niya na sabihin iyun. Siya ng yung sumira sa pamilya naman.


Ramdam ko yung sakit sa pagkakasabunot niya sa akin hanggang sa may pumagitna na sa amin habang may umawat naman sa likod ko kaya ng maghiwalay na kami ay nakita kong si Calix iyun.

Dito ko lang din napansin na madami na palang nanonood sa amin at napatigil ang tingin ko sa lalaking na sa harap ko ngayon. Si papa.

"Honey, siya yung nag-umpisa ng gulo. Nananahimik lang kami ng anak mo ng sumugod siya" ani nito kaya napakagat ako ng labi habang nakatingin pa rin ng diritso kay papa.

Grabe! Iniba pa niya yung kwento.

"How could you Hyacinth?! Hanggang ngayon ay sakit sa ulo ka parin! Katulad ka lang ng mama mo, walang kwenta!" sigaw nito sa harap ko kaya napakuyom ako ng kamao at agad nalang tumalikod.

"Wala kang kwentang ama" bulong ko at unti-unting nagsilabasan ang luha ko sa mata kaya napatakbo ako papaalis doon. Nadinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Shekiah pero hindi ko na yun pinansin at umalis nalang.

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong nilockan ang pinto ng kwarto ko at agad na lumundag sa kama.

Patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko sa mata at nanunumbalik naman sa alaala ko ang lahat.

He never changed. Ganun pa din ang trato niya sa akin. Eversince ng nagka-isip ako ay wala na talaga kaming good relationship ni papa.

He always shouted at me and doesn't treat me right. Pinapalo niya pa nga ako kaya si mama lang yung natatanging kakampi ko.

Noon paman, Napansin ko na hindi din magkasundo si mama at papa. They always fighting lalo na't kapag unuuwi ng lasing si papa. I also witness how he hurt my mother. Mentally and physically.

Hindi ko alam ang lahat na nangyayari sa kanila and what's the reason kung bakit sila ganun. I'm scared. Takot akong malaman ang katotohanan that's why I never asked.

Sa sobrang pagkaduwag ko ay hinayaan ko lang na umalis si mama papuntang Cebu to visit her family ng hindi ako kasama. After that, nalaman ko nalang about the tragic accident.

Lumubog yung barkong sinasakyan ni mama and only one has survived. Yung bata.

I was 12 years old that time and hind ko inakala na sa ganitong kamurang edad ay magigising na ako sa realidad.







THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon