KBANG (Chapter 80)

38 3 0
                                    

(STAND)
***

CHRIS

I pulled my self together and tried to speak.

"W-what do you mean?"

"Hindi pa rin ba malinaw sa 'yo ang lahat Chris? Hindi ikaw ang ama ng batang nasa tiyan ni Kara!" halos masuntok na niya ang lamisahang nasa harapan namin dahil sa inis. Sa halip na sabayan ang inis niya, I remained as calm as possible. "She lied to everyone para makuha ka niya, at alam mo kung ano 'yong masakit para sa 'kin? Iyong ibang tao ang kikilalaning ama ng anak ko habang ako, wala lang para sa kaniya!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa gulat.

Magkakahalong emosyon...

Iyon ang naramdaman ko pagkarinig na pagkarinig ko ng mga katagang 'yon mula kay Alfred.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa nalaman ko. Pero hindi ko maiwasang matakot sa kalagayan ng batang nasa tiyan ni Kara sa oras na malaman niyang alam ko na ang lahat.

Kahit pa nalaman kong hindi sa 'kin ang batang 'yon, inosente pa rin siya sa lahat ng mga nangyari at hindi niya deserve na madamay sa lahat ng mga 'to.

Pero sa totoo lang, I'm still stoned because of shock. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, pakiramdam ko ilang saglit lang mawawalan na ako ng ulirat.

"Chris, masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Kara. Dahil do'n nakagawa ako ng bagay na maaring makasira sa pangalan at pagkatao ko. And here I am now, nangyari na nga. Sobra akong nagsisisi dahil nagpadala ako sa mga emosyon ko. Alam kong hindi ka maniniwala sa 'kin kapag sinabi kong minahal ko nga ang ate mo, pero 'yon ang totoo. I took her kindness for granted. Nambabae ako habang kami, at alam kong nasaktan ko siya kaya—"

"Shut up" tinignan ko siya ng matalim. "Wag ka nang magsalita pa ng kung ano-ano dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko masapak kita. Wag kang magpaawa sa 'kin ngayon dahil kahit na ano pang sabihin mo hinding-hindi ko iaatras ang kaso mo" I gritted my teeth.

"Una ang ate ko, pangalawa ang babaeng mahal ko. Ano bang kademonyohan ang nasa utak mo't palagi mo na lang sinasaktan ang mga importanteng babae sa buhay ko ha?!" hindi ko na napigilan pang magtaas ng boses.

Pakiramdam ko, lahat ng mga dugo sa katawan ko ay umakyat na sa mukha ko. I was so much overwhelmed by all of the informations to the point na hindi ko alam kung mako-kontrol ko pa ang sarili ko.

S-shy monster ko...

Napaniwala ako sa isang kasinungalingan dahilan para masaktan kita at maipagtulakan palayo. Everything has been messed up. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maayos ang lahat ng mga gusot na 'to ng walang nasasaktan.

"Chief, ibalik niyo na siya sa selda niya" naglakad papalapit ang isang police officer para kunin siya. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka diyan Alfred, at hinding-hindi ka naakakalabas pa" tumayo ako.

Akmang maglalakad na ako palayo ng bigla niya akong tinawag.

"Oo Chris, kahit na mabulok ako sa kulungang 'to okay lang sa 'kin because this is what I deserve. Pero sana wag niyo akong tanggalan ng karapatan para makilala ang anak ko" napalingon ako sa kaniya. Nakayuko siya habang tahimik na umiiyak. Nakaposas patalikod ang mga kamay niya.

Ibang-iba siya sa arogante at walang sinasantong Alfred na kilala ko. He looks misserable, at hindi ko mapigilang maawa sa kaniya.

"And one more thing" makahulugan siyang tumingin sa 'kin. "Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang totoong pagmamahal, at kay Natalia ko lang naramdaman 'yon. Napakatanga ko para isuko siya ng ganoon-ganoon na lang para sa isang baliw na katulad ni Kara. Nagsisisi ako dahil binulag ako ng pagnanasa 'ko" ngumisi ako.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon