CHAPTER 19- THE ONE BEHIND THE MASK

14 0 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Calix habang nanatiling hawak nito ang kamay ko at naglalakad kami ngayon sa gitna ng madilim na daan.

"We need to hide. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha yung tape" saad niya sabay takbo kaya napatakbo din ako dahil hawak niya yung kamay ko.

"Eh kung ibigay nalang kaya natin sa mga pulis?" Tanong ko dito kaya napatigil siya bigla and it end up na nabunggo ako sa likod niya.

"Can't you get it? Hindi lalaki yung organisasyon nila kung wala silang back-up sa mga pulis. Malamang sa malamang ay marami yung mga member nila sa sindikato lalo na yung mga sagapal na mga pulis" saad pa niya kaya napanguso nalang ako.

"Don't easily give your trust to anyone, Hyacinth. Hindi lahat ng bagay puso yung pinapairal, you need this too" saad niya sabay turo sa ulo ko kaya siniko ko siya at napairap nalang.

"Pero ang tigas talaga ng ulo. I told you to hide pero ano ang ginawa mo? Lumabas ka pa!" bulyaw niya sa akin habang naglalakad na kami ngayon ng sabay kaya tinignan ko siya ng masama.

"Syempre naman. Hindi naman ako yung klaseng tao na hahayaan nalang mapahamak yung tao dahil sa akin. Kung hindi ko nga ginawa yun ay malang pinaglalamayan ka na" saad ko at agad na niya akong inakbayan.

"Okay fine. I appreciate it. At least nag-aalala ka sa akin" saad niya kaya inalis ko yung braso niya pero sadyang malakas talaga siya kaysa sa akin.

"Crush mo talaga ako" saad pa niya kaya siniko ko siya sa tagiliran dahilan ng pagkalayo niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo" saad ko pero tumawa lang siya.

"Muntik na nga tayong mamatay tapos ang landi landi mo pa" saad ko. Natawa na din ako ng marealize ko yung sinabi ko. Hayst, baliw.



Tumigil kami ni Calix sa isang kanto at lumayo ito ng kunti sa akin. Mukhang may tatawagan siya.

Few minutes ay may naanigan akong kotse kaya napalapit ako kay Calix dahil nangangamba ako na baka yun yung mga men in black.

"Are you okay?" Bungad ni Even sa akin ng makalabas siya sa sasakyan kaya napangiti nalang ako. Si Even lang pala. Mabuti nalang talaga at hindi siya umuwi sa bahay at baka na damay pa siya sa gulo.

"Yes I am" saad ko. Agad naman akong pinagbuksan ni Even ng pinto ng kotse at sa passenger seat niya ako pinaupo habang sa likod naman si Calix.

"Why they are chasing you?" Tanong ni Even. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Calix.

"Because of the tape" saad nito kaya natawa si Even. "What? Para yun lang? I will buy them a lot of tape---" hindi na natapos ni Even ang sasabihin niya dahil agad na nagsalita si Calix.

"I think you forgot the meaning of common sense" sarkastikong saad ni Calix kaya nakita ko ang pagka-inis ni Even sa kanya at agad na ipinara yung kotse sa gilid.

"Get out" matigas na ani ni Even kaya nagpagitna na ako sa kanilang dalawa. "Ano ba kayo?! Tumigil nga kayo! Gosh! This is not the right to fight! Nanganganib ang buhay ko dito, so take it seriously. Magkaayos kayo" saad ko sa kanilang dalawa at tanging 'tss' lang yung sinagot nila at agad nang nagmaneho si Even.


"We're already in, Hyacinth. Hindi namin hahayaan na mapahamak ka" saad ni Calix kaya napangiti ako. "He's right. at masanay ka na din sa bangayan namin. We totally hate each other" saad naman ni Even kaya natawa nalang ako sa kanila.


Pumasok yung sasakyan ni Even sa isang napakalaking bahay. I think, this is a subdivision at sobrang ganda talaga kahit na gabi na.

"Wow ang ganda dito" bulaslas ko ng makapasok na kami sa bahay na yun.


THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon