Lumipat na kami sa condo ni Dylan, andon din si Mama para tulungan kami. Nagpapaturo si Dylan kay Mama ng mga dapat nyang gawin kapag nanganak na ako. Natutuwa ako kay Dylan kasi bumalik na yung Dylan na kilala ko, nag tatrabaho na ulit siya, tatlo na silang nagpapatakbo ng business nila. Mas natuon ang pansin ni Dylan sa akin dahil gusto nya daw bumawi sa mga buwan na nawala sya.
"Ma, ito po ba ang susunod na lulutuin?" Tanong ni Dylan dahil nag aaral sya magluto ng Sinigang na Salmon. Na mimiss nya daw kasi at gusto nyang matutunan.
"Oo anak at pagkumulo na ay ilagay mo ang pampaasim." Nakatingin lang ako sa kanila.
Mamaya ay dito mag didinner and apat kong kaibigan, kapag sinabi kong apat na kaibigan ay sina Lors, Jess, Jerald, at James iyon. Simula nung mag bati kami ay palagi na silang nandito. Ang Mama naman ni Dylan ay nasa US para makabinding ang mga kapatid nya dahil naboboring daw sya sa bahay, kapag daw ako ay nanganak ay sabihan ko kaagad sya ng makauwi agad.
"Love gusto ko yung maasim ha?" Request ko sa kanya.
"Copy madam." Kinindatan pa ako ng loko. Nagpatuloy na sya sa pagluluto. Maya maya pa ay umating na yung apat, syepre hindi mawawala ang alak. Tong mga to talaga, alak na ang ginawang libangan.
"Hi Tita hiramin po muna namin si Elle." Sabi ni Lors, nag mano sila lahat kay Mama.
"Bonding time nyo yan, ako'y magpapahinga na. Elle huwag masyadong magpuyat ha?" Paalala naman ni Mama sa akin.
"Opo ma. Goodnight." Pumasok na si Mama sa isang kwarto. Kanina pa kasi siya kilos ng kilos kaya siguro ay napagod din.
"Anong nakain mo Kuya at nagluluto ka." Tanong ni James habang nilalagay sa freezer ang mga beer na nabili nila.
"Ipinagluto ko ang mag ina ko, hindi to para sa inyo." Mataray nyang sagot.
Nagsimula na kaming kumain, infairness sa luto ni Dylan at masarap sya. Madami akong nakain, hindi ko alam kung gutom lang ako o sadyang matakaw ako.
"Kuya, sina Mrs. Thompson and thre other corporate accounts ay bumalik na sa Around the world. Humingi ng sorry si Mrs. Thompson for beeing unprofessional ang sabi ko ay ikaw nalang ang kausapin nya. May departure sila sa Europe for next next month 123 pax." Sabi ni James. Flexible naman sila, open din sila sa mga business nila kaya lahat mg business nila ay hinahawakan nila. Mas okay daw yung ganon hind yung isang forte lang naka focus.
"That's good. I will talk to here tomorrow." Nakangiti nyang sabi.
"Ayan siguro yung kay Hazel, baka ngayon nalang itinuloy." Dagdag naman ni Jerald. Wala na kaming balita kay Hazel, at kung ano man ang transaction nya sa company ay hanggang doon nalang yon. Hindi kami galit sa kanya, pero hindi rin naman kami ganon ka close. Okay na ako sa ganito.
"And one good news, I closed the deal with Mr. Claudio." Napa wow ako, iyon kasi ay isa sa mga nililigawan ng ibang kalaban nila. Nice one James.
"Wow! So pwede na pala kita hayaan mag manage? Magpapaka daddy muna ako sa baby ko?" Biro naman nya at tumawa kami.
"Pwede naman pero wala kang income okay lang ba sayo?" Paghahamon naman ni James.
"Aba marunong kana sa ganyan ah? Baka bukas makalawa ikaw na ang pinakamaraming ipon sa atin." Hindi ako magtataka. Magaling mag hawak ng pera si James.
"Bilisan nyo na para makpag inom pa tayo." Singit naman ni Jess.
"Easy there Jess, gustong gusto mo naman ako agad masolo. Nakakahiya sa kanila napaghahalataan ka." Pinalo ni Jess ang braso ni Jerald, palagi kasi silang nag aasaran.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...