Hindi ako lumabas ng kwarto kinaumagahan. Iyak lang ako ng iyak.Sinikap kong makatulog aa gabing iyon kahit pa ang isip ay nakay Yvo. Hindi manlang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Pero kung nabigyan nga ano naman ang sasabihin ko.
Aamin ako?
Ilang beses kong pinag-isipan ang gagawin. Pagod na at sawa sa mga nalalaman at hindi maipaliwanag ang galit. Paano nga ba nagagawa to ni Daddy? Hindi lang siya, halos lahat sila. Hindi ko na alam kung sino iyong nasa side ko dahil wala naman talagang nagsabi ng kung ano ang totoo.
Nakipagkita ako kay Seiko, humingi ako ng tulong. Gusto kong makausap si Yvo, alam kong galit din siya at naguguluhan sa mga nangyayari. kaya ng pumayag si Keb na isama si Yvo sa pagkikitaan nila ni Seiko ay medyo nabuhayan ako ng loob.
"Selena you can't tell him. Ano ka ba! Di ba bilin sayo wag mo silang pangunahan? Kung ganyan lang din hindi na kita dadalhin don. I'll tell Keb! Sasabihin ko iyong plano mo."
Hindi ako kumibo. wala siyang alam sa nangyayari kaya niya lang nasasabi, Di na nakipagtalo si Seiko siguro inisip niyang titigil din ako at titigil nga. Hindi ngayon pero kailangan masabi ko kay Yvo bago sila umalis ni Kara sa sinasabing honeymoon.
Alas dos ng hapon ng makarating kami sa isang bar sa BGC. Naabutan namin ang dalawang nag-iinom. Maaga pa para sa alak pero hindi ko rin sila masisi dahil kahit ako ay gustong maglasing.
Nag-angat ng tingin si Yvo pagkatapos sumimsim sa hawak na baso. Hindi niya talaga inaasahan na magkikita kami, ang mapupungay niyang mata ay lalong nakadagdag pagod sa hitsura niya ngayon. Hindi man sabihin ay alam kong pareho kaming nahihirapan at naguguluhan.
"What are you doing here?"Matigas niyang tanong. Hindi nagustuhan ang pagkikita namin.
Napakagat ako ng labi, naiwan akong nakatayo samantalang si Seiko ay naunang umupo sa harap ng dalawa. Eto na nga ba ang sinasabi ko, hindi ko rin naman alam ang sasabihin pero nagpumilit pa ako.
"Yes Princess. We need to talk!" Paghamon niya sa akin.
Keb sighed. Nag-aalala pero ng tumango ako ay wala siyang nagawa. Niyaya niya si Seiko na umalis at kumuha ng maiinom at makakain kahit na ang totoo ay hinayaan niya kaming mag-usap.
Nanginig ang tuhod ko ng magkaharap kami sa upuan. Dahil sa nahinaan ng loob, nagsalin ako ng Jimbeam sa shot glass at nilagok iyon.
Ramdam na ramdam ko ang pag-init sa aking lalamunan kaya napapikit ako ngunit mas mainit ang pakiramdam ko dahil sa takot at kaba ngayon.
"So it's true? You and Kara....""Hindi ko madugtungan. humina agad ang boses ko.
Lalo pa ng tumango siya. "At kayo ni Sirius? What a game." Di ko na napigilan ang sarili, nag-unahang tumulo ang aking mga luha. Gustong magpaliwanag ngunit di alam kung papaano. Takot akong magkamali, kahit papaano ay umaasa pa ako kay Kuya Sirius na maayos niya ang lahat ayon sa kagustuhan niyang paraan.
Kinuha niya ang cellphone at my hinanap. Nang matagpuan ay agad niyang inilapag sa harapan ko, lahat ng litratong kasama ko ang mga pinsan ko ngunit hindi sabay-sabay.
Mayroong nasa ibang bansa kami kasama ko si Keb na gumagala sa isang mall. Si Kuya Reg na nakaakbay sa akin habang nakasuot ako ng maiksing shorts at sleeveless na damit hanggang sa napunta na kay Kuya Sirius.
"Niloko mo ba ako nong gabing may nangyari sa atin---? Hindi niya pa natapos ang sasabihin ng malakas na sampal na ang natanggap galing sa akin. Lalo pa akong naiyak!
"Ganon ka dumi ang tingin mo sa akin?" Bulyaw ko.
"Bakit hindi ba totoo? Pagkatapos mong magpagamit sa akin ay malalaman kong kayo ni Sirius de la Merced? Pinag-aralan mo lang ba kung sino ang may mas marami ang pera sa amin ha? Tumigil ka na! Tama si Kara nilason mo ang utak ko. Ikaw tong totoo na masama at hindi siya."
Napatayo ako agad sa inuupuan ng makita si Kuya Sirius, nagpunas ako ng luha at lalapit sana sa kanya ngunit agad niyang napatamaan si Yvo sa mukha.
"Anong sabi mo? Totoong may nangyari sa inyo?" Napahawak na ako sa kamay ni Kuya. Sinubukan ko siyang hilain pero hindi ko magawa dahil malakas ang katawan niya.
Ngumisi lang si Yvo. lalong nandilim ang paningin ng kapatid ko mabuti nalang at dumating si Keb napigilan niya agad si Kuya. Halos kaladkarin na ako ni Kuya papalabas sa bar na yon' at pagkarating namin sa condo ay agad niya akong hinarap, halos saktan sa galit.
"Paano kung nabuntis ka? Ha!! o buntis ka!!? He shouted. Parang kulog ang pinakawalan niya. rinig sa buong unit. Umiiyak parin ako, hindi na natigil.
"Are you insane? Nababaliw kana talaga! Kilala mo ba siya?Marami namang lalaki Selena eh. But not him! Hindi siya pwede! Kuha mo?"
Tumakbo ako papasok sa kwarto, nakailang suntok si Kuya sa pader habang nagmumura. Hindi ko magawang sumagot dahil narin magulo ang utak koAyoko na! Final na! Hindi na ako magtatrabaho sa DLM at babalik ako sa America!
Bantay sirado ang unit ng gabing iyon. Sinigurado ni Kuya Sirius na hindi ako makalabas. Agad na pinatawag ang doktor sa hindi ko alam na dahilan,ngunit nabunutan din ako ng tinik ng marinig na nagpaalam iyon ng hindi ako natignan.
Kalat na kalat sa balita ang pangalan ko at ang pagiging malandi ko. Kung hindi kabet ay ang pagiging babae ng mga De la Merced. Wala na talaga akong lakas ng loob na magpakita sa trabaho ngayon kaya hindi na talaga ako pumasok.
Ilang tawag ang natanggap ko kay Honey, kinuwento niya sa akin ang buong usapan sa opisina kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Nang rumehistro naman sa cellphone ko ang number ni Lucy ay di na ako nagdalawang isip. Inaasahan kong tatawanan ako at susuportahan ang madla sa pagiging malandi ko pero hindi nangyari iyon. Pinaalam niyang may papapirmahan siya para sa trabaho kaya dito konsiya pinapunta sa bahay ni Kuya Sirius.
Hindi rin naman magtataga at malalaman din nila ang katotohan, ano pa ang silbi ng pagtago ko.
"Dito ia nakatira? Totoo ang tsismis?" Nakakapanibago si Lucy ngayon, sanay akong laitin niya at awayin pero ngayon may tono ng pag-aalala.
"Look Princess. Alam kong hindi maganda ang relasyon natin pero maniwala ka, hindi ako naniniwala. Kahit sabihin kong nakikipagharutan ka sa mga boss natin ay alam kong di ka masamang tao. Never mo nga akong pinatulan sa pang-iinsulto ko eh. Sorry tlaga." Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian.
"Wala iyon sa akin."
Inihatid ko sa labas si Lucy ng mamataas si Kara na papalapit sa amin. Nagbago agad ang reaksyon ni Lucy, kinabahan!!
"Ma'am Kara..." Nautal niyang bati. " May pinapirmahan lang po ako.." Halatang takot sa babaeng to.
"Bakit? Hindi mo ba alam na sinibak ko na siya sa pwesto? Oh baka naman pati ikaw may ginagawang kalandian dito sa condo ng kuya ko."
Nanlaki ang mata ni Lucy sa sinabi. Oo mukhang maharot siya, mahilig sa sexy na damit pero hindi siya ganon ka papansin tulad ng ibang babae na nadadaanan kung saan para mapansin ng lalaki. Kaya hindi ko magawang patulan si Lucy dahil alm kong may tinatago siyang kabaitan, sadyang natakpan lang ng pagka maarte niya.
"Sige na Lucy. Bumalik ka na sa trabaho." Nataranta siyang umalis.
Wala akong panahon sa babaeng to. Sisiguraduhin kong matatapos ang kaligayahan niya bago ako bumalik sa Amerika. Aang tatalikuran ko siya ng hinigit niya ako sa braso. "Ang kapal ng mukha mo para diyang tumira.."
"Wala akong panahon sayo. Umalis ka kung ayaw mong ipakaladkad kita. Matagal na akong nagtitimpi sayo. Uubusin mo ba talaga ang pasensya ko?"
Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas aking bibig. Natawa pa talaga siya. "Kita mo nga naman, ilang araw palang ang i-publiko niyo ang relasyon ni Kuya Sirius umaakto ka ng ganyan. Bakit naman sila sayo maniniwala. Bakit ka nila susundin??"
Ngumisi ako. Yung ngising nabaliw siya sa inis.
"Ialis niyo siya dito. Huwag hayaang makapasok sa loob." Pagkasabi ko noon ay agad na hinarang ng mga gwardiya ang pintuan.
Galit na galit si Kara sa nangyari pero wala siyang nagawa kundi ang manatili sa kinayatayuan.
--------
Hello everyone! Sa lahat na nag request ng book 3 ng I Wanna Be Your Woman, please support ang story ng anak ni Klea and Callix.
Kung napapansin ninyo ay nandito na siya sa story. ☺️ Thank you guys. Keep safe and Godbless us all.