PROLOGUE

15 0 0
                                    


"La, ituloy niyo na po yung kwento niyo nung nakaraan." pangungulit ng apo kong si Cali. "Ano pong sunod na nangyari dun?" tanong pa nito.

Mataman ko siyang tiningnan at ngumiti rin "Gusto mo ba talagang malaman apo?"

"Opo! Opo!" halos pasigaw na sagot niya dahil sa kagustuhang ituloy ko ang sinasabi kwento ko noong nakaraang araw.

"Oh sya sige. Ituloy natin" sagot ko sa kanyang matawa tawa. Pumunta kami sa may balkonahe ng aming bahay dahil madalas doon kami tumatambay kasama ang aking mga apo kapag nagpapakwento sila sa akin.

Umupo sila isa isa at halatang gustong gusto ng makinig sa aking ibabahagi. Napangiti ako dahil sa mga ito. Napaka cute na mga bata.

"Palaging nag aaway ang dalaga at ang binata." panimula ko. "Tuwang tuwa ang binata na asarin ang dalaga dahil napakasungit nito".

"Tapos po La?" madlaing tanong ng isa ko pang apo na si Ethan.

"Hanggang sa nasanay na rin ang dalaga na inaasar siya ng binata palagi. Pero kahit ganun, hatid sundo siya ng binata sa eskwelahan. Kahit pa ayaw sumabay ng dalaga sa binata." tuloy ko. "Ipinagdadala palagi ng pagkain ang dalaga ng binata pero hindi ito tinatanggap ng dalaga dahil ayaw niya talaga sa binata." dagdag ko pa.

"Ay sobrang sungit nga nung dalaga. Kung ako yun, nako jowa ko na siya agad." maarteng komento ni Samantha. Isa ko pang apo.

"Mahina naman pala yung binata. Di niya mapaamo yung dalaga. Kung ako yun, wala pang isang araw, syota ko na kaagad." mayabang namang sagot ni Ryan.

"Yuck. Palibhasa nag iipon ka lang ng babae mo. Jowa ng jowa." barumbadong sagot ni Sam.

"Kesa naman sayo walang jowa. Di ka kasi jowable." asar ni Ryan pabalik.

"La tingnan niyo nga po si Ryan. Nakakaasar talaga." sumbong nito na halatang naiinis na sa pinsan.

Bahagya akong napatawa dahil hindi ko maintindihan ang kanilang pinagtatalunan. "Apo ano ba yung jowable?" tanong ko sa kanila para maintindihan ko naman kung bakit bwisit na bwisit itong si Samantha sa sinabi ni Ryan.

"Lola pati po ba naman kayo?!" natawa ang mga pinsan nito dahil sa kanyang reaksyon.

"Gusto ko lang malaman apo. Di kasi ako makarelate eh." malumanay na sabi ko sa kanya ng may ngiti.

"So ganto po yan La. Ang meaning po ng jowable ay girlfriend or boyfriend material. Parang ka jowa jowa po ganun." paliwanag ni Cali. "Kaya po walang jowa si Ate Sam kasi ang taray taray niya." sabay tawa, pang aasar din nito sa Ate Sam niya.

"Arghhh! Pare parehas kayo nako. Sinasabi ko sa inyo!" pikon na sagot ni Sam.

"Tumigil na kayo. Di na naituloy ni Lola yung kwento dahil dyan sa pagtatalo niyo." inis na sabi ni Ethan. "La tuloy ang kwento!" sabik na dugtong nito.

Napatawa ako sa kanilang pagtatalo. Ang sarap nga namang maging bata. "Sige apo. At ayun na nga, laging nireregaluhan ng binata pero wala, di pa rin talaga tanggapin ng dalaga. Hanggang sa may gaganapin silang kasiyahan sa eskwelahan. Tinanong ng binata ang dalaga kung pwede siyang makapareha nito." dire diretsong kwento ko.

"Ano pong sagot ng dalaga?" si Cali.

"Tinanggihan niya yun panigurado." siguradong sagot ni Ryan.

"Pano mo naman nasabi? pabarang salita ni Sam.

"Ayan na naman ang aso't pusa." singit ni Ethan.

Napatingin kami sa labas ng gate ng may bumusina at pumaradang sasakyan sa tapat nito. Hudyat na nadito na si Ate at ang kanyang mga anak.

"Ayan tuloy di na natapos yung kwento. Awayan ng awayan. Parehas namang may mali." saad ni Ethan.

"Pano mo naman nasabi aber?" pataray namang sagot ni Sam.

"Ikaw Ate Sam napakataray at napakadaldal mo kaya wala kang boyfriend. Si Kuya Ryan naman napakayabang kaya di matagalan ng babae. Masyadong mahangin." pula naman ni Ethan sa dalawa.

Saktong dating naman ni Rosy, ang aking pamangkin. Dumiretso siya dito sa amin sa balkonahe. Anak niya si Sam at si Ethan.

"Anong pinagkakaguluhan niyo rito? Ano tong naririnig rinig kong boyfriend boyfriend ha? Samantha?" taas kilay nito sa kanyang anak. "Bawal muna yang boyfriend boyfriend. Mag aral muna." dagdag pa nito.

"Hayaan mo na yang anak mo Rosy. Malaki na yan. Dalaga na ang anak mo." si Ate Linda.

"Ate kamusta ka? Namiss kita ate. Pagod ka ba galing sa biyahe?" yakap ko rito. Galing siyang Maynila dahil nagpagamot siya roon at ngayon na lamang ulit nakauwi kaya namiss ko siya ng sobra.

"Maayos ako. Ikaw ang kamusta?" ngumiti lamang ako sa kanya.

"Oh sya Ma, Tita, aalis na ho kami ng mga bata at nag hihintay na po si Eric sa sasakyan." sabi ni Rosy.

"La tuloy niyo po kwento niyo tungkol dun sa binata at dalaga. Ano po palang naging sagot ng dalaga sa tanong ng binata sa kanya? pahabol ni Ethan.

"Next time na lang Ethan. Hayaan niyo na magpahinga ang mga lola niyo." pagkumbinsi nito sa mga bata.

"Sige La. Next time po ah." sabi nila.

"Sige mga apo. Itutuloy natin sa susunod. Paninigurado ko sa kanila.

Nagpaalam na sila at naiwan na lamang kami ng Ate Linda ko.

"Bunso naaalala mo pa rin ba hanggang ngayon?" tanong ni Ate Linda. Mataman ko siyang tiningnan.

Binalot kami ng katahimikan.

Kalaunay nasagot ko ang tanong niya at bumuntong hininga.

"Hindi ko naman siya nakalimutan."

____________________

♥️♥️♥️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon