Nandito ako ngayon sa isang fan meet kasama ang aking kaibigan na si Denzille.
"Jes omyghad ma kakausap ko na ng harapan si Vincent wahh" sigaw ni Denzille sa akin. Jusq bat ko ba kasi toh sinamahan
"Zil pwede ba tumahimik ka na dyan. Oo alam ko makakausap mo siya hindi mo na kailangan sabihin sakin" seryosong saad ko rito
"Ito naman masyadong seryoso eh. Hindi ka ba excited na makausap si Vincent Dela Fuente. Jes---rill artista yun artista ibig sabihin sikat siya gosh bat ka ganyan ka hindi mo siya hinahangaan tampo na ako sayo" kunwaring pagtatampo nito
"Tigilan mo ako Zil. Sinama sama mo ako dito without knowing na wala naman akong hilig sa mga ganto" saad ko
"Malay ko ba na wala ka pa lang hilig sa ganito. Ayaw kasi ako samahan ni Denzel eh kaya ikaw na lang sinama ko. Sayang naman kasi yung ticket eh" napailing na lang ako rito
Maya maya ay nag simula na ang isa isang paglapit kay Vincent na yon na artista hay basta siya. Nang turn na ni Denzille ay tuwang tuwa ang babaita at inalog alog pa ako bago lumapit don. Jusq bat ba kasi ako pimayag na sumama rito eh wala naman akong makukuha ng pera dito. Kung nagtrabaho na lang sana ako may kita pa.
Nang turn ko na ay bored akong lumapit don at umupo sa harap niya.
"Hindi kita kilala at wala akong pake sayo kaya aalis na ako dahil sinama lang naman ako ng kaibigan kong baliw na baliw sayo kaya ciao" aalis na sana ako ng biglang may humawak sa pulusuhan ko
"J-jesrill?" mahinang anang ng lalaki. Nagtaka naman ako kung bakit alam niya ang pangalan ko
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko" nagtatakang tanong ko rito. Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung kilala ko ba siya or hindi
"Sumama ka sakin at sasabihin ko kung paano ko nalaman ang pangalan mo" nagulat ako ng bigla akong hilahin nito palabas. Narinig ko pa ang mga sigaw ng mga fans. Maging ang boses ni Denzille ay narinig ko rin
Nang makapunta kami sa isang park ay doon pa lang niya ako binitawan.
"Teka teka bat mo ba ako hinila papunta rito" tanong ko
"Jesrill wala ka bang naalala" bakas ang lungkot sa boses nito. Bat naman kaya
"Ah Vincent right. Sorry ha pero hindi talaga kita kilala. Your face looks familiar on me but hindi ko alam kung saan kita nakita. Siguro nagkasalubong na tayo sa daan kaya pamilyar ka. Yun lang yon" pahayag ko at nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mata niya. Palaisipan pa rin sa akin bat may lungkot sa kanyang mata
"Sige aalis na ako at babalikan ko pa ang kaibigan ko. Hindi ko na tatanungin kung saan mo nalaman ang pangalan ko sige Ciao" tumalikod na ako at lumakad paalis. Pero napahinto ako bigla ng may isigaw ang lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin
"Riri!" napalingon ako bigla rito at tinitigan ko ang lalaki na nagtataka kung bakit niya alam yon. Hindi kaya siya si----
"Tama ka ako toh si Cece ang childhood friend mo" nakangiting pahayag nito at lumapit sa akin
Hindi ko alam kung bat ako naluha bigla. Siguro na mimiss ko na ang childhood friend ko na umalis na lang ng biglaan.
Nang bigla niya akong yakapin ay doon na bumuhos ang luha ko ng bonggang bongga.
"Shhh wag ka na umiyak nandito na uli ang Cece mo" pag-alo nito sa akin. Nang makarecover ako sa pag-iyak ko ay pinalo palo ko ito
"Ah aray Riri naman" pagiwas nito sa mga hampas ko pero nahampas ko pa rin siya.
"Bat ka ba kasi umalis ng biglaan. Alam mo bang sobrang na lungkot ako non" hampas ko pa rin sakanya. Pero this time nahawakan niya ang dalawa kong kamay kaya napigilan niya na ang mga hampas ko
"Nagkasakit kasi ang Lolo ko sa Canada kaya pumunta kami roon at doon na nanirahan. Sorry Kung hindi ako nakapagpaalam biglaan kasi ang pag-alis namin" pag hingi nito ng tawa sa akin
"Kamusta na ang Lolo mo" tanong ko rito
"Wala na siya. Namatay siya dahil hindi na kinaya ng katawan niya ang sakit dahil matanda na rin si Lolo" malungkot na balita nito
"Ah sorry at condolence na rin" saad ko
"Salamat. Napatawad mo na ba ako Riri" tanong nito
"Oo na. May dahilan naman pala ang pag-alis mo ih. Pinapatawad na kita Cece" natawa pa ako ng binanggit ko ang nickname niya. Ano kaya magiging reaction ng mga fans niya kapag nalaman nila ang nickname ng idol nila Puahahaha.
"Dahil napatawad mo na ako ililibre kita ngayon. Saan mo gusto pumunta" tanong nito at inakbayan ako
"Hoy baliw ka ba aalis ka ng hindi pa tapos nag fan meet mo. Loko bumalik ka roon at aantayin na lang kita matapos tsaka mo ako ilibre" at piningot ko ito sa tenga
"Ahrayy oo na po babalik na ako at tatapusin ang trabaho ko soon to be misis ko" napalo ko tuloy siya dahil sa sinabi niya walangya talaga kahit kailan
Bumalik na kami sa fan meet at tinapos ni Vincent ang kanyang trabaho. Ang saya ko ngayon dahil nakita ko uli ang aking childhood friend na hindi ko nakita ng matagal na panahon. Nagpapasalamat ako kay Denzille dahil sinama niya ako rito. Buti na lang talaga tumangi si Denzel na samahan ang kanyang baliw na Kambal.