Chapter 16

8 0 0
                                    

Nanatili akong tulala at hindi makapag salita. Anong klaseng nilalang ba to at napaka palad dahil sa kagwapuhang taglay?

"Miss?"

Natauhan naman ako dahil nakakahiya naman ang ginawa ko. Shems seah umayos ka!

"Oh. Sorry rin at thankyou! Pero okay lang ako hehe sige uuna nako baka hinahanap nako ng kuya ko."

Napakamot siya sa kanyang batok.

"Eh pwede ba na ihatid kita. Nakokonsensya kasi ako, ako narin bahala magpaliwanag sa kuya mo. Tska kahit ako nalang gumamot sa inyo sa bahay niyo"

Dirediretso niyang sabi. Shems kahit boses ang gwapo! Anak siguro to ng Godess!

Naiisip mo seah!

"Ah sure ka? Pero ayos lang talaga na ako nalang baka nakakaabala ako sayo."

Umiling siya.

"Hindi tutal kasalanan ko rin. Hindi kasi kita napansin dahil walang ilaw ang bike ko. Kaya hayaan mo akong gawin yon"

Tumango nalang tuloy ako. Sabay kaming naglakad nalang dahil pareho kaming iika ika sa nangyari.

Kaagad naman kami nakarating sa tapat ng bahay namin dahil medyo malapit na pala ako samin.

"Tara pasok ka"

Ngumiti naman siya at tumango.

Dumiretso na kami papasok yung mga bike namin ay iniwan namin sa may garahe.

Nakita ko si kuyang nakaupo sa may couch habang nagttype sa laptop niya. Business man na business man ang datingan naks!

"Kuya"

Napatingin naman siya sakin at saglit lang rin dahil sa likod ko siya nagtagal.

"Who are you?"

Hala ayan na nga ba ang sinasabi ko. Susungitan siya ni kuya! Knowing kuya napaka protective sakin niyan.

"Oh sorry. I'm Rhys Joseph Cruiz"

"Cruiz? Kaano ano mo ang may ari ng cruiz ship lines?"

Kaagad na napakamot sa batok yung lalaking nakabanggaan ko.

"Family ko po ang may ari non."

Napa big-O si kuya parang ganito OoO, Well may kaya kami pero hindi kami kasing yaman netong lalaking to na may ari ng ship lines.

"Maupo ka"

Agad na sabi ni kuya napailing ako dahil inutusan pa niya si manang na kumuha ng meryenda.

"At paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?"

"Ah nagkabanggan po kasi kami kaya ayon pareho po kaming bumagsak pero siya po kasi nagkasugat habang ako po ay sumakit lang ang bewang at braso pero tolerable naman po yung pain."

"Hala seah patingin"

Lumapit sakin si kuya at nakita niya ang sugat ko. Tinawag niya ang isa naming katulong at humingi ng first aid kit.

"Pasensya kana may pagka clumsy din kasi ang kapatid ko nato"

"Ah hindi po kasalanan ko rin naman po kasi hindi ko siya nakita kasi madilim po. Balak ko po sana ay ako na ang gagamot sa kaniya bilang paghingi narin ng pasensya"

"Hindi mo na kailangan gawin yon dahil ako na ang gagawa. Tska ayos lang dahil hindi mo naman sadya"

Tumango ako sa sinabi ni kuya.

"Ay oo. Hindi mo naman sadya eh, sorry rin. Tska kain ka nalang dito at pahinga saglit bago ka umuwi."

Ngumiti naman siya sakin.

"Oh I forgot. I'm Queenery Haseah Evidente"

Nakipagshake hands siya sakin at tumango.

"Nice to meet you."

Ngumiti na rin ako sa kanya. Gosh ang gwapong nilalang pareho sila ni hideo na gwapo pero iba ang awra neto.

Sabay kaming kumain ng meryenda sa sala habanag gimagamot naman ni kuya ang mga sugat ko.

"Sure ka ba na wala ng masakit sayo?"

Tumango ako kay kuya.

"Eh ikaw Mr. Cruiz?"

"RJ nalang po. Wala naman po nakapagpahinga naman po ako kaya okay napo ako."

"Mabuti naman kung ganon"

Nag ngitian silang dalawa.

"I'll see you around then, I have to go in my room na. I have business to care of. Seah ikaw na bahala sa bisita natin okay?"

"Okay kuya."

Tumango siya at umakyat na.

Medyo naging awkward pero kinapalan ko na ang muka ko.

"Hindi kaba hinahanap sa inyo?"

"Actually baka siguro? Pero knowing my parents alam nilang tatawag naman ako kung nawawala ako"

Tumawa siya ng bahagya kaya napatawa narin ako.

"Bali bago ka lang dito?"

"Yeah papunta sana akong casa de plaza kaso nakabanggaan kita"

"Aw sorry hahaha"

"No its okay. Well am, friends?"

"Uy sure hahaha i can tour you around here sa village if free ka"

Lumiwanag ang mga mata niya or assuming lang ako?

"Woaah really? Ofcourse i am free. Next week pa naman ako busy"

"Same hahaha well bukas itotour kita. Hapon para medyo makulimlim"

"Sure sunduin kita"

"Bike ba?"

"Yep mas okay yon kasi exercise narin"

Tumango ako habang pareho kaming natatawa dahil para kaming timang.

Patuloy kaming nagusap hanggang sa nagpaalam na siya.

"Salamat seah. Your my first friend here sa village and ang epic lang ng first encounter natin"

Tae iba ngumiti may dimples!

"Ah no worries hahahaha see you tomorrow?"

"Yeah see you tomorrow! I have to go, bye"

Kumaway siya bago sumakay sa bike at umalis.

Pinagmasdan ko lang ang daang tinahak niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

A Sky Full of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon