Christmas Hope

5 0 0
                                    

"The word of the Lord; thanks be to God."
"Please all be seated."

"Ma, cr lang ako ha?"
"Osige. Bilisan mo ha."

Woo. Buti nakalabas din. Kanina pa ko naghihikab sa loob ng simbahan. Nakakahiya na sa mga katabi namin. Sabi kasi ni mama agahan daw namin gumising kasi puno ang parking ngayon dito sa simbahan kasi pasko ngayon. Kaya ayon, bangag pa ko.

Pumunta na muna ko sa Cr. Sinagot ang tawag ni mother nature, nag ayos, nanalamin. Mamaya na ko babalik sa loob, lalo lang akong aantukin e. Sorry po Lord, birthday niyo nag siskip ako ng mass. ✌️
Dun muna ko sa mga benches, good thing konti lang tao puro nasa loob ng simbahan. Makakaidlip ako. Hehe.

Napatitig ako sa simbahan. We used to go here together, magkasama kaming nagsisimba dito "noon". Hay. It's been 4 months, at mag pa hanggang ngayon affected pa rin ako. Kamusta na kaya siya? May iba na kaya? Nag aaral kaya siya ng ayos?

"Aya stop! Kalimutan mo na siya. Iniwan ka niya diba?"

Utak ko. Nagsasalita na naman mag isa. Pero oo nga tama naman ang magaling kong utak diba readers? Pag iniwan ka ng tao, dapat kalimutan na. Alam mo namang masasaktan ka, ginagawa mo pa din. Inaalala mo padin.

"Mommy! Daddy! Kuya! Waaaa."

May batang naiyak? Ay malamang narinig ko diba? Ay wait, this little girl looks familiar.

"Bata?"

Lumingon yung batang babae. At anak ng strawberry farm! Kapatid to ni Dale! My oh-so-good-ex-boyfriend. At kung nandito ang kapatid niya. Malamang nandito din si ex! Naku!

"Dana? Why are you crying? Where's Tita?"
"Ate? Ate Aya! I'm with Kuya Dale. Sabi ko mag si cr lang ako. Pag labas ko wala na siya."
"Hala. Stop crying na. I'm sure your Kuya is already looking for you na."

Pinatabi ko siya sakin. Pinatahan ko muna.

"Ate Aya, why are you not visiting us anymore?"

Gago talaga si Dale. Hindi pa sinasabi dito sa bata. Pano ko i eexplain to?

"Ah. Ano kasi Dana. Busy na si Ate e. Dami na ginagawa sa school."
"Oh. I really miss you na Ate. Dalaw ka sa house pag hindi ka na busy. I'm sure Kuya misses you too."

Wow. Sana nga namimiss niya ko. Kasi ako namimi-
"Aya!"
Oh. Okay brain. I'll stop na. Sorry ha.

"Dana, nagugutom ka?"
"Ah, eh. Yes po Ate. Kaso po I don't have any money with me."
"No. It's okay. Sagot ko. So tara? What do you want to eat?"
"Yehey! I want pizza and chicken po Ate!"
"Okay then! Kakain tayo!"

We went to the nearest food parlor here. Umorder muna ko ng pinagtuturo ng batang to, at syempre ako. Hindi pa nga din pala ko nakain no. After umorder, syempre pupunta ko sa table namin ni Danna. At, galit galit muna.

"Wow Ate Im so full na. Thank you for the food!"
"No worries Danna. Anything for you."
"Ate? Let's go back na. Baka Kuya is so worried na."
"Ha? Ay oo nga no. Sorry baby. Nagutom si Ate e. Tara."

Hindi pa din tapos ang mass nung bumalik kami. So, umupo muna kami sa bench na inupuan namin ni Danna kanina.

"Ate, alam mo ba yung wallpaper ni Kuya sa phone niya, yung picture niyo pading dalawa."
"Eh?"
"Yes Ate. Kaya nga po Im very sure na namimiss ka niya e."

Iiwan iwan niya ko. Tapos gaganyan siya? Ay nako Daliyo!

"Danna? Danna!"
"Kuya Dale!"

Shit. Ohmydhduhfhfurkso. Nandyan siya! Lilingon ba ko? E kung tumakbo na lang kaya ko? Hala!

"San ka ba nagpunta baby? Kanina pa kita hinahanap. Bumili lang ako sandali, tapos pagbalik ko wala kana sa cr."
"Paglabas ko kasi Kuya wala ka. Babalik sana ko kina Mommy, kaso po I forgot the way back."
"Sorry Danna. I was so worried. Patay ako kay Mom and Dad pag nawala kita."
"And you know what Kuya? I saw Ate Aya! Kumain pa nga po kami e! I'm so full na Kuya!"
"Aya?"
"Yes Kuya!"

I've decided. Tatakbo na ko. Eto na. One, two, thr-

"Ate! Ate Aya! Halika po! Kuya Dale is here!"

Okay. Nahigit ako ng batang maliit.

"Aya."
"Uhh, Dale."

*kroo kroo*
Okwod.

"Ah. Thank you nga pala sa pagsama kay Danna."
"Wala yon. Miss ko na din kasi siya e."

*kroo kroo*
Okwod part two.

"Ay sige Dale, Danna. Babalik na ko sa loob."
"Ha? Ah. Danna mag ba bye ka na kay Ate Aya."

"Bye Ate! Thank you po again for the food!"
"You are very much welcome baby."

Tumalikod na ko. Dahan dahan lang. One step. Two steps. Three steps.

"Aya wait!"

Uy sabi na. Hehe. Si Dale talaga.

"Yes?"
"Merry Christmas Aya."

Shoot. That smile. I so miss that smile. Ang gwapo. Hihihi
Ngumiti din ako. Si Dale kasi eh! Nakakahawa.

"Merry Christmas too, Dale."

End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Christmas HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon