Forbidden

13 3 2
                                    


"Kain na Zeya, 'wag kang papagutom." isang malaking ngiti ang sumilay sa aking mga labi sa sinabi ni Xeus. Hindi niya nakakalimutang paalalahanan akong kumain.

"Aalis na ako, mag-iingat ka dito sa bahay." hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang lumabas ng bahay upang magtungo sa kanyang trabaho.

Buong araw ay natulog lamang ako at hinintay ang kanyang pag-uwi.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nandyan na siya!

Agad akong tumakbo at sinalubong siya sa pintuan. Agad sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ako. Agad niya akong binuhat at pinaulanan ng mga halik.

"How's my Zeya? Hindi ka ba nabagot?" umiling ako. Bahagya siyang natawa.

Habang buhat ako ay nagtungo kami sa kwarto niya. Nilapag niya ako sa malambot niyang kama.

"Maliligo muna ako." tumango ako.

Hindi katagalan ay lumabas din siya. Nakasuot siya ng bathrobe na hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali.

Nakakaakit siyang tignan sa basa at magulo niyang buhok na pinupunasan niya ng towel habang naglalakad patungo sa kama niya kung saan nakalagay ang mga pantulog na susuotin niya ngayong gabi.

Tinignan niya muna ako bago walang alinlangang hinubad ang bathrobe dahilan upang malaya kong makita ang napakagandang hubad niyang katawan. Napalunok ako at hindi maalis ang titig sa kabuuan niya.

Napansin niya ang pagtitig ko dahilan para matawa siya at pabirong takpan ang bagay sa ibaba gamit ang kanyang mga kamay.

"Mind closing your eyes?" natatawang sabi ni Xeus. Pumikit ako ngunit para saan pa? Nakita ko na rin naman lahat-lahat bakit pa ako pipikit. Dinilat ko ang mga mata ko, ngayon ay nagbibihis na siya.

Nang makapagbihis na siya ay agad siyang humiga sa kama at niyakap ako hanggang sa makatulog kaming dalawa.

Maagang nagising si Xeus. Narinig ko ang lagaslas ng tubig ibig sabihin ay naliligo na siya.

Nakabukas ng bahagya ang pintuan at sinilip ko siyang naliligo, hubad. Muli akong napalunok.

Pumasok ako sa banyo para samahan siyang maligo. Nagulat siya nang makita ako.

"Zeya, mababasa ka. Labas." Wala akong nagawa nang ipagtulakan niya ako palabas ng banyo. Kainis. Sasabay lang naman. Naliligo naman kami ng sabay noon.

Muli niya akong pinaulanan ng halik bago siya umalis at paalalahanan akong kumain at mag-ingat dahil mag-isa ko lang sa bahay.

Hiwalay ng naninirahan si Xeus sa pamilya niya. Mag-isa siya sa bahay na ito kaya sinama na niya ako dito para may makasama siya.

Swerte ko diba? Nasosolo ko si Xeus.

Muli kong inabangan ang pag-uwi niya. Ngayon ay nakatayo ako malapit sa pinto.

Nang makarinig ako ng yabag mula sa labas ay agad akong umayos.

Nang makita ko si Xeus na pumasok ay akmang tatakbo na ako sa kanya nang matigilan ako dahil may kasama siyang babae. Sino 'yan?

Si Xeus na ang lumapit sa akin.

"Zeya, girlfriend ko, si Twyla. Mula ngayon dito na rin siya titira. Sounds fun, right? Hindi ka na maiiwang mag-isa dito tuwing umaga." nakangiti nitong sabi sa akin.

Siraulo ba siya? Anong fun don?! Hindi pa ba ako sapat?

Agad akong tumakbo palayo.

"Baby, nagtampo yata si Zeya." arggh nakakainis ang boses niya!

Nasa kusina ako habang silang dalawa masayang nanonood sa sala. Ang lakas pa ng tawanan habang kayakap ang isa't isa. Wow, ang lalandi.

"Ano Zeya? Selos ka?" nagulat ako nang makita ko si Lucas sa tabi ko. Paano nakapasok ang isang ito dito? Kapitbahay namin.

"Tsk! Sabi kasi sa'yo ako nalang. 'Wag kang tanga Zeya. Tao si Xeus at pusa ka. Hindi kayo pwede."

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon