"Pa-load po~" pag tawag pansin ni Chella sa kapit bahay nila na naglo-load.
"Drean, paloadan mo nga si Chella!" sigaw ng ate ni Drean na nasa kusina..
(Drean pronounced as "dri-yan" and Chella pronounced as "she-la")
"Magkano?" masungit na tanong ni Drean kay Chella.
"Sungit natin ah~" mapang asar na sabi ni Chella kay Drean.
"Matagal na! Magkano nga?" at syempre bilang siya si Drean, hindi mawawala ang pagka masungit niya kay Chella.
"Sampo lang, hehe xD"
"Kuripot natin ah~" pang aasar ni Drean kay Chella na ginaya pa ang pagsasalita nito.
"Matagal na! HAHA"
"k." tinuon na lang nito ang pansin sa cellphone na hawak."oh? Anong inaantay mo pa??" sabi ni Drean maka lipas ang ilang minuto at mapansing di pa umaalis si Chella.
"Hindi ko ba ita-type yung number ko?" tanong ni Chella nang may pagtataka.
"Hindi pa ba pumapasok yung load mo??" tanong naman pabalik ni Drean kay Chella.
"Ay! Pumasok na pala! HAHAHAHAHA" natawa na lang siya nang makita niyang pumasok na yung load niya.
"tss."
"Aba teka nga muna!! Kabisado mo pala number ko??!" pang bubuska ni Chella kay Drean.
"Matagal na!" pagkasabi noon ni Drean ay agad siyang nag iwas ng tingin.
"Hahaha may gusto ka siguro sakin?! HAHAHAHA" pangbubuska ni Chella at hindi matigil sa pagtawa.
"Matagal na!" mahina pero sapat na para marinig ni Chella ang sinabi ni Drean na ikinatigil sa pagtawa nito.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Chella.
"Bingi ka ba??! Sabi ko matagal na kitang gusto! Mahal na nga yata kita eh." Napakamot na lang si Drean sa batok niya.
"E-eh? S-sige n-na! M-ma-mauuna na ko! Byee~"
Paalis na sana si Chella nang bigla siyang tawagin ni Drean.
"Hoy sexy!!"
"Matagal na 'kong sexy! Haha~ Bakit??"
"Bayad mo po kaya?" sabi ni Drean sabay lahad ng kaniyang palad.
"Libre mo na 'ko! Mahal mo naman ako eh xD"
"Psh! May utang ka pa nga sa'kin eh! -_-"
"Hala!! Ako?? May utang sa'yo??"
"Oo!"
"Kelan pa??"
"Matagal na!"
"Eh? Magkano naman??"
"'Yung 500 para sa thesis natin!"
"Eh? Wala akong pera ngayon ih! Hihi~ xD"
"Kelan ka ba nagka pera diba??! Tss. Ganito na lang, wala na yung utang mo na yun kung. . ."
"Kung ano??"
"Kung magiging tayo na!" biglang ngumisi nang nakakaloko si Drean.
"Asa ka men! Manligaw ka muna oy! Haha" tumalikod na si Chella at nag lakad paalis."Nga pala Mr. Drean Mac Martinez. . ." tumalikod si Chella para maka harap si Drean..
"Ano 'yon Ms. Chella Nick Carreon??"
"Matagal na din kitang mahal!" pagksabi niya noon ay tumalikod na siya at lumakad paalis nang may ngiti sa labi.-×-The End -×-
started: 19 Dec 2014
finished: 20 Dec 2014
All rights reserved.© akochikolate 2014