That guy
"Ano ba Ronald?! Napapagod na 'ko sayo!" Agad akong napatakbo papasok ng bahay. Nahirapan pa 'ko dahil ang mga tsinelas ko ay dumidikit sa putik. Nakita ko pagkapasok sa loob ang mga kasambahay na nagtitipon at nanonood sa nangyayari.
"Mommy! Daddy!" Tumakbo na 'ko papunta sakanila. Nasa pangalawang palapag sila at nasa tapat ng hagdanan. Hindi ko na napalitan ang suot kong tsinelas kaya naman nagmarka sa sahig ang putik.
"Talaga ba Rita?! Ikaw pa pagod?! Putangina!" Hindi ako tuluyang nakalapit sakanila nang hinawakan ako ni Thea sa aking mga braso. Nagpupumiglas ako ngunit hindi ako makawala.
"Thea, ano ba?! Pupuntahan ko sila!"
"Huwag mo na silang lapitan Brix. Pumunta nalang tayo sa kwarto mo." Mahinahong sabi ni Thea sakin. Lumipat siya sa harap ko at bahagyang umupo para mapantayan niya ang mga mata ko. Hawak niya parin ang magkabilang braso ko.
"Thea ano ka ba?! Pupuntahan ko sila!" Nagpumiglas ulit ako ngunit hindi niya parin ako hinayaang makawala. Nakatingin lang siya sakin. Tumigil din ako sa pagpupumiglas. Alam kong hindi niya ko hahayaan.
"Thea.. Sabi mo ayos na sila.. Sabi mo hindi na ulit.." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Napatingin ako kay mommy at daddy. Pababa si mommy sa hagdan at may dalang bag na hindi kalakihan ngunit alam kong mga damit ang laman nito.
Hindi na ito bago sakin. Ang mga away nila at sakitan. Hindi na ito bago. Ang paglayas ni mommy sa tuwing may problema sila ni daddy. Hindi na ito bago sakin.
"Brix, tumingin ka sakin." Hawak parin ang pisngi ko ay pinilit niya kong mapatingin sakaniya. Nagtagumpay naman siya doon.
"Oo! Nakakapagod 'yang ugali mo! Tangi--" Agad na tinakpan ni Thea ng kanyang mga kamay ang aking magkabilang tainga. Nakatingin parin ako sakanya at bahagya siyang ngumiti.
Alam ko ang ngiti na iyan. Umiling ako sakaniya. Hindi naman okay 'to Thea, eh! Sabi niya sakin ay natural lang daw ang away mag-asawa. Na ayos lang daw ang nangyayari sa magulang ko, dahil natural lang daw na paminsan-minsan ay hindi sila magkaintindihan.
Humihikbi ako at pumikit nalang. Akala ko ay hindi na ito mauulit dahil matagal na ang huli nilang away. Kinausap din nila ako at nangako silang hindi na mauulit ang sakitan nila.
Nagsinungaling ba sila? Nagsinungaling nanaman sila? Hindi nanaman nila tinupad ang kanilang pangako.
Paunti-unting tinanggal ni Thea ang mga kamay niya sa tainga ko. Dumilat na din ako. Tumayo na siya sa harap ko at gumilid. Agad akong napatingin kayla mommy at daddy.
"Rita! Andito ang anak mo! Tapos aalis ka?!" Bumaling si daddy sakin habang hawak niya si mommy sa isang braso. Hinawi ito ni mommy.
Pati ito. Alam ko na ito, eh.
"Isasama ko siya!" Hinawi ni mommy ang kamay ni daddy at agad naman siyang nakawala. Naglakad siya papunta sakin. Nakatingin sa mga mata ko si mommy. Parang sigurado ito na sasama na nga ako sakanya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad ko. Umiling ako at tumakbo palabas.
Hindi mommy. Tulad noon ay hindi parin.
"Brix!" Sigaw ni mommy at daddy. Hindi ko na sila nilingon. Tumakbo ako hanggang makalabas sa gate ng mansion namin.
Hindi ko alam kung bakit sila madalas nag-aaway. Ang mga magulang naman ng kaibigan ko ay hindi ganon. Wala din akong naririnig sa mga kaibigan ko na problema nila ang away ng mga magulang nila. Bakit ako? Bakit ang magulang ko ay ganon? Hindi ba nila mahal ang isa't isa? Kung ganon, bakit pa sila nagpakasal? Sabi sa mga nababasa kong libro, nagmamahalan ang dalawa kaya humaharap sa altar. Bakit laging iniiwan ni mommy si daddy kung ganon? Hindi niya ba mahal si daddy? Hindi ko na talaga maintindihan. Aantayin ko ang pagtanda ko nang sa gayon ay maintindihan ko ito.
YOU ARE READING
Hope On The Breeze
Teen FictionYsobelle Brix Ruiz and Andrik Zarone Rivien's story. "Everything changed, after that one blow."