CHAPTER 31

69 4 0
                                    

Hindi ko na nabilang kung ilang oras na kami dito sa ospital ang alam ko lang ay maliwanag na sa labas at nasa loob pa ng operating room ang mag ina ko. Buong akala namin ay normal delivery sya pero sabi ni Dra. Valdez ay maliit pa ang sipit sipitan ni Elle kaya nag decide kami na i-cesarean sya. Hindi na namin ito nasabi kay Ell dahil tulog sya kanina.

Nakailang balik na ako sa chapel para ipagdasal ang mag ina ko. Andito parin sina James, Jerald, Jess, Lors at Mama sa tabi ko at pinapakalma kami ni Mama, dalawa kaming ninenerbyos ngayon dahil first time ito ni Elle. Alam kong malakas sya, kaya nya yon.

"Kuya kumain ka muna para may lakas ka paglabas ni Baby." Sabi sa akin ni James pero hindi ko maikalma ang sarili ko. Kinakabahan ako para sa mag ina ko at na e-excite na akong makita ang baby namin.

"Mamaya na ako James. Kumain na muna kayo anong oras na rin. Ma ikaw ba? Baka po nagugutom kayo?" Tanong ko kay Mama pero umiling lang sya.

"Hindi ako makakain, baka biglang lumabas na ang Doctor at matapos na ang operation." Sabi ni Lors, siya ang kaibigan ni Elle kaya kinakabahan din siya sa kaibigan nya.

Walang may gustong kumain sa amin hanggat wala pa kaming balita kay Elle, huling balita namin sa loob ay nung sinabi ng isang nurse na okay naman ang operation.

Maya maya pa ay lumabas na ang Doctor, tatlto sila. Agad kaming lumapit sa pinto na pinaglabasan nila.

"Congratulations, Daddy kana Dylan." Sabi ni Dra. Valdez.

"Si Elle po kamusta?" Yan ang unang nasa isip ko.

"Elle is okay, malakas sya and I'm so proud of her. Medyo natagalan lang dahil naka ikot kay baby yung umbilical chord, buti nalang ay hindi naipit ang leeg nya, malikot siguro si baby habang nasa loob ng tiyan ng Mommy nya. Okay na si Elle, ililipat nalang natin sya sa kwarto nya." Nagpasalamat kaming lahat sa naging Doctor ni Elle. Naghintay pa kami ng ilang saglit hanggang sa sinabi nung isang nurse na nasa private room na si Elle, minake sure ko g comfortable ang mag ina ko at ayokong masikip ang kwarto nila.

Kulang nalang tumakbo ako para makapunta agad kay Elle, hindi ko alam pero parang miss na miss ko sya. Pagpasok namin ay gising na sya at agad na ngumiti sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya, nilapitan ko sya para mayakap at halikan sa noo.

"Love ang galing mo, salamat sa pagiging malakas para sa baby natin."

"Nasaan na si baby?" Tanong nya sa akin. May biglang pumasok sa kwarto namin hawak hawak ang baby namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hi Mommy and Daddy, ito na po ang baby nyo. Ang lusog lusog at ang ganda nya po." Ihiniga nya sa bisig ni Elle ang baby namin. Kung may pinaka masayang magulang ngayon ay kami yon ni Elle.  Naiyak na ako habang tinititigan namin ni Elle ang baby namin. Nakuha nya yung puti ko, yung labi nya ay kuhang kuha sa mommy nya ang haba rin nag pilikmata nya, makapal ang kilay at ang buhok nya. Para akong na inlove ulit sa isang babae. Agad kong niyakap ng mahigpit ang mag ina ko. Grabe yung kasiyahan ko ngayon, ganito pala ang pakiramdam maging Tatay.

"Isabelle Jasmin" banggit ni Elle habang tumulo luha nya at nakangiti. Ayan yung napili naming pangalan ng little Princess namin.

"Love ang saya saya ko, andito na talaga amg anak natin. Hindi ako makapaniwala" Ngumiti naman ko at hinalikan ulit sya sa noo.

Sinilip nila Mama, James, Jess, Jerald and Lors ang baby, ramdam ko yung saya nila. Habang si Mama ay umiiyak na rin.

"Anak ang galing mo, kinaya mo. Magpalakas naman kayo ni Baby Isabelle Jasmin okay?" Hinalikan din ni Mama si Elle.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon