Isang linggo rin bago ako nakalabas ng hospital, Dylan made sure that I'm totally okay before I got discharged. Si Mama ay naihatid na ni Mang Fernand sa Nueva Ecija, ammadami siyang habilin sa amin bago siya umalis at nangako kami na dadalaw kami doon kapag fully recovered na ako.
"Careful Love, hawak ka sakin." Sabi sakin ni Dylan, naka blind fold kasi ako dahil may surprise sya sa akin. Inaalalayan nya ako dahil sariwa pa yung tahi ko at kailangan maingat ang bawat galaw.
"Sinong may hawak kay Isabelle? Baka mapano ha." Nag aalalang tanong ko dahil hindi ko alam kung sinong humahawak sa kanya since hawak ako ni Dylan.
"Don't worry she's in the good hand. Hindi ko hahayaang mapano ang baby natin, makikipagpatayan ako. Tandaan mo yan." Simula nung nanganak ako ay super triple ingat sya sa amin ni Isabelle, lulang nalang ay hiwag kami padapuin ng lamok ganon sya.
"Makukulong ka nyan, gusto mo bang tawaging kang kriminal?" Biro ko sa kanya.
"Bakit ba kasi yan ang topic natin Love. Haha! Hindi naman mangyayari yun." Natawa rin siguro sya sa nasabi nya. Bigla siyang napatigil. Tumigil din ako.
"Ready?" Tanong nya sa akin habang yakap yakap ako mula sa likod ko.
"More like kinakabahan." Biro ko naman sa kanya.
Dahan dahan nyang tinanggal yung blind fold sa mata ko at unit onting luminaw yung paningin ko. Hindi ako makapaniwala, nanlaki ang mata ko.
"Love? OMG!!!!" Hinarap ko sya at niyakap, niyakap nya rin ako at hinalikan. Yung dream house namin buo na. Yung matagal na naming pangarap na bahay tapos na!
"Paano? Eh nagkaaway tayo? Paano mo natapos to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, ang alam ko kasi ay postponed ito.
"Bago kapa manganak ay tapos na iyan. Nung naghiwalay tayo ay hindi ko pinatigil ang pagpapagawa ng bahay dahil diyan ko kayo ititira ng magiging baby at gusto kong sa totoong bahay na tayo nakatira." Paliwanag nya sakin. Grabe Papa God, what have I done to deserved this man? Sobrang perpekto, sobrang maalga at sobrang magmahal. Wala akong maihusga sa kanya.
Pumasok kami sa loob para tignan ito. Ang handa ng interior, malaki na ang sala namin ngayon malaki na rin yung TV na papanooran namin. Ang ganda ng sofa set and table hanggang sa carpet. Naka lagay sa wall namin yung pictures namin ni Dylan nung nag t-travel kami. Meron din nung first picture naming tatlo kasama si baby, ang bilis nya halatang prepared. Malaki narin yung kitchen namin, pang 10 persons yung lamesa namin, may kitchen bar din kami at may pang bake ako. Inayos talaga ni Dylan, halatang pulido.
Pag akyat namin sa second floor ay may sala rin doon at limang kwarto, isa para sa baby namin paglaki nya yung dalawa ay para sa guest, tapos yung kwarto namin ni Dyla at yung isa ay vacant pa kase gusto ni Dylan ng isang pang baby pero tsaka na namin ito paplanuhin.
Lahat ng gamit sa bahay ay halatang mamahalin kapag si Dylan ang nag asikaso ay for sure kailangan ay ayos na ayos ito. Isang kilalang architect kasi ang kinuha nya, ultimo chandeliers ay halatang sa ibang bansa pa kinuha. Bawat rooms ay may TV and aircons, yung room ni Isabelle ay yellow ang design ang cute halatang pang baby. The rest ay minimalist na ang design. May garden din kami sa likod at may swimming pool doon at jacuzzi. May naka set talagang table and chairs para kapag may bonding kami. May veranda rin na nakakarelax ang pagkaka design. Over all ay napakaganda talaga nya. Dylan really did a great job on this.
"Thank you Love! Napaka swerte ko sayo." Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at hinalikan sya.
"Anything for you and for our baby." Niyakap nya naman ako. Grabe sobra sobra talaga yung pinaparamdam nya saking saya.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...