CHAPTER 5

12 3 2
                                    

Bumalik na sa kanyang condo si Jonas, may binanggit pa sya kanina na hindi ko naintindihan at anong linggwahe iyon. Ano nga yon?.. "Tae mo? Huh nagsasalita pala sya nang ganun ah. May nauna din syang sinabi ih.. Hay ano bayan.. Mas lalong diko matandaan yung una. Ang hina kasi ng pagkakasabi" Bigla akong namula nang maalala ang huli niyang sinabi, yung huli lang ewan ko ba pero parang tinutunaw ang puso ko nang Banggitin niya iyon. "Binibini.." Ilang minuto pa akong nakatunganga habang iniisip ang mga pinagsasabi ni Jonas kanina.

Naglinis nalang ako ng Condo tutal ay linggo naman ngayon. Tapos mamayang gabi ay mag m-movie marathon uli ako. Habang abala ako sa paglilinis ay dumating si Bryan. May dala rin syang pagkain. "Ako nagluto niyan" Nakangiti niyang sabi yon at ipinagmamalaki pa ito. Nagkunwari nalang akong Nagulat. "Huwaw!" Sabi ko sabay takip sa bibig. "Ang OA mo tapos late kapa nagreact,tuleg" Natawa ako ng malakas pero natigil dahil tinakpan niya ang bibig ko. Kumain na muna kami at saka pinagpatuloy ang pag lilinis, tinulungan nya akong mag linis.

Nasa kwarto ako naglilinis, si Bryan naman sa may sala. Tapos na kasi sa kusina at Banyo. Iyon palagi ang inuuna ko. Napatigil ako sa paglilinis dahil may kung anong tumunog akong narinig. Cellphone ni Bryan. Naiwan niya dito. May nagtext siguro. Ibibigay konalang sana kay Bryan ngunit muling umilaw ang cellphone niya at nabasa ko ang texts. Mga texts ni Clare. Nabasa ko ang dalawang text ni Clare. Wala ba silang tawagan? Bat Clare lang ang nilagay niya.

Clare: Where are you?
Clare: Are you with that fuck*ng ass girl?"

Ako ba ang tinutukoy niya? Aba maka fuck*ing fuck*ng pa sya sa aken e mas bitch sya. Magkaibigan ngalang kami ni Bryan eh hanggang doon nangalang kami. Ikaw nanga piniling haliparot ka. Pinatay konalang uli ang cellphone niya at binalik kong san nakalagay iyon. Bahala sya sa buhay niya.

Natapos kona ang paglilinis sa kwarto kaya Lumabas na ako. Naabutan kong umiinom ng tubig si Bry. Pinanood ko pa sya habang Umiinom, ang adams apple niya. Napaiwas ako ng tingin ng maubos na niya ang iniinom. Baka mahalata niyang tinitingnan ko sya. Lumabas nalang ako para magtapon ng Basura.

Pabalik na ako sa aking Condo nang makita ko si Clare. Hindi ko alam kung bakit nagtago ako. Nang sumilip ako ay nakita kong kumatok sya sa pinto ko.Agad naman bumukas yon at lumabas si Bryan. Nagulat pa siya sa presensya ni Clare.

"Ay! Anak ng kalabaw!" Nagulat ako nang may humawak sa likod ko. "Hahaha sorry, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Jonas. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay ibinalik ko sa kanya ang tanong para hindi ako ang sasagot. Huh taemo pala ah. "You know why i'm here, I came especially to see you" Sagot niya. "Hindi ko alam" Yon naman ang isinagot ko. Napamaang sya sa sinabi ko at saka umiling na tumawa.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa harap ng aking pintuan ay nawala na si Clare. San nagpunta yon? Umalis na? Suminghal muna ako bago lumabas sa aking tinataguan. Sumunod din si Jonas. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong makita eh kakakita ngalang namin kanina.

Papasok na sana ako sa loob ng may narinig akong sumigaw doon. "Bakit ba tayo naglolokohan!" Babae ang boses at si Clare iyon. Aba! Bakit sya nasa loob ng condo ko. Pinihit kona ang doorknob at bumungad sakin ang magkayakap na si Bryan at Clare. Umiiyak si Clare. Anong problema nito? At bakit dito sila sa condo ko nagdradrama. Hindi ko alam pero magaan lang ang pakiramdam ko parang unti nalang ang kirot sa puso ko.

Napatingin silang dalawa sa akin at kumalas sa pagyayakapan. "Sige ituloy niyo nalang iyan. Sa labas nalang muna kami ni Jonas" Sabi ko isasara kona sana ang pintuan ng magsalita si Clare "No! There is something wrong with you!" Sigaw niya pero kay Bryan nakatingin. Nalilito ako at hindi makuha ang gustong sabihin ni Clare. "Palaging ikaw ang binabanggit niya pagmagkasama kami hindi ko alam kung ako paba ang girlfriend niya, madalas sayo sya pumupunta. Ang akala ko sa tropa nyang mga lalake sya pupunta pero nung tinext ko ang tropa niya sabi ay hindi naman daw nila nakakasama si Bryan kasi ang akala nila ako ang kasama niya." Napahillamos sa mukha si Bryan. Ano? Ang gulo?

CAN'T YOU SEE MEWhere stories live. Discover now