Ikaapat na Yugto: Meet Sam

100 2 0
                                    

        "Hindi nga Celest? Fiance mo ba talaga si Seth Aidan Lee?" namamanghang tanong ni Stacy. Si Stacy kasi ay may pagnanasa sa MS. Pinipigilan niya lang sarili niya dahil sa amin at dahil na rin ayaw niyang maging isa sa mga babaeng napaluha nila. Ang pagkakaalam kasi ng lahat ay si Stacy ang nagpapaiyak sa mga lalaki. "Yup, Stace. Well, technically hindi naman talaga fiance. Magiging fiance ko siya if I turn 25 and I still don't have any boyfriend. Close family friend lang talaga sila ng pamilya namin." sagot ko habang kumakain ng Maki. "Ang swerte mo naman! Isang MS ang future hubby mo. Siya na ata ang pinakamatino sa kanila eh. Magaling pang magluto. So lucky. Kainggit!" si Stacy. "Anong nakakainggit don? Papayag ka na isang low life creature ang mapapangasawa ni Celest?" inis na sinabi ni Alex. "Alex kalma lang parang ikaw ang ikakasal kay Seth ah." asar ni Paul. Tumahimik na lang si Alex. Madali talagang maasar itong si Alex. Haha.

        Natapos rin ang first day. Nakakapagod! Nauna nang umalis ang mga kabarkada ko.  Habang inaantay ko ang sundo ko napansin ko may bago na namang inaalaska na naman ang MS. Kawawa naman ang freshie, matulungan nga. Papunta na ako sa direksyon nila pero umalis na sila at iniwan ang kawawang freshie. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa freshman sabay abot ng kamay ko para maitayo siya. "Ayos lang, sabi kasi nila kailangan kong gawin yon para makasali sa grupo nila." sabi ng freshman habang tumatayo. "Sigurado ka bang gusto mong makagrupo ang mga iyon? Hindi naman kagandahan ang mga pag-uugali nila. Just a piece of advice, you should choose your friends wisely. Not all cool guys are guys worth being friends with." sabi ko habang tinutulungan siyang ayusin ang pinagagawa sa kanya ng MS. "Salamat ah. Ikaw si Ana Celeste David diba?" sabi niya. "Yeah. How did you know?" takang tanong ko. "Wala naman kasing di nakakakilala sa iyo eh. Sa grupo niyo. Ikaw kasi ang pinakamabait sabi nila. Pero ngayon naniniwala na ako, ikaw nga ang pinakamabait." nakangising sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Tandaan mo ang sinabi ko ah. A lot of guys wanted to be part of them but not once did I hear they let anyone join their group. Ang alam ko lang marami na silang napadrop out. I hope you think about wanting to be part of them. Sayang naman ang good quality education dito sa SU kung magdrop ka lang dahil sa kanila." isang paalala na iniwan ko sa kanya. Naglakad na ulit ako pabalik sa waiting shed.

        Ang tagal ng sundo ko. Sa aking paghihintay, nilapitan ako ni Samuel Christian Atienza, ang dakilang cassanova, playboy, masama ang ugali (ako na ang mabait), pervert, heartbreaker (a/n: bakit binereak na ba niya heart mo?) and smoker ng Mythical Six. "Hi Ana!" bati niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang. Hindi naman kasi ako tulad ni Alex. "I saw you talking to Clyde. I hope you don't meddle with MS affairs." babala niya. Wow! Direct to the point. "Yun ba? Tinulungan ko lang siya. Hindi naman ako nakikiealam. Kawawa kasi siya eh." sabi ko na lang. "Look Miss...Ginusto niya yun, kaya kailangan niya pagdaanan." iritang sagot niya. "Naiinis ka ba? You know what I don't care with what you do, I just care about the welfare of the other students that are being bullied. Kung ayaw niyo makarating sa board of directors ang mga kalokohan niyo tigilan niyo ang pambibilog at pag take advantage sa mga freshmen na nag-aasam na makasama sa grupo niyo." sabi ko habang kalmadong kalmado pa rin ang mukha ko. Ito na ata ang pinakamahabang nasabi ko sa isang taong hindi ko naman ka-close. Inis na inis na ang mukha niya. Hindi ito umimik bagkus lumapit siya sa akin, as in sobrang lapit na niya. Sa paglapit niya, lumalayo naman ako. Sa aking pag-atras malalaglag na sana ako sa sidewalk ng ako ay saluhin niya. Nasapo niya ang aking likod. Never pa naging physically close sa isang lalaki. Pakiramdam ko tuloy namumula ang mukha ko. "Look at you. You are so red. Your blushing. Who would have thought that the fiance of Seth likes me. Sorry to break it to you angel, I don't do good girls." pang-aasar niyang sabi sabay kindat habang itinayo niya ako nang maayos. Hindi na ako nakapagsalita at umalis siyang nakatawa. Buti na lang dumating na ang sundo ko.

        Kaasar talaga yang Sam na yan. Pareho sila ng kakambal ni Talya. Buti na lang hindi masyadong naiimpluwensyahan si Seth. Hindi ako makatulog. Bakit ba kasi nasa isip ko pa rin ang ginawa ng cassanova pervert na yon. Ang malalakas na bisig lang niya ang naalala ko at ang pang-alaska na ngiti nya ang nakikita ko pag pumipikit ako. Hmpf! Hindi ko naman siguro siya nagugustuhan diba? Naku baka nahahawa na ako kay Alex. Oh no!

        "Good morning!" bati ko sa mga kaklase ko. Hulaan niyo kung sino ang nasa classroom. Edi sina Sam at Seth. Kung sinuswerte nga naman oh. "Celest, I will pick you up at 6. May dinner sa hotel invited kayo nina Tito Ellis at Tita Kim." sabi ni Seth ng hindi man lang tumitingin sa akin. Busy kasing nagtetext. "Alright." sagot ko. Ang awkward naman ng katahimikan well hindi naman talaga tahimik paano naman may kasamang babae na naman itong si Sam at nakikipaglandian talaga siya. Hindi na nahiya at itong si Seth di man lang pagsabihan ang kaibigan. Napakakunsintidor. Nagbasa na lang ako dahil ayoko ng mabadtrip. Natapos na lang sila sa kanilang paglalampungan ng dumami na ang tao sa room. Buti naman at dumating na si Paul at Iris. "Oh ikaw pa lang? Asan si Alex?" takang tanong ni Paul. Alam kasi nila maaga palagi si Alex. "Alam niyo naman iniiwasan niya lang siguro makasama ng matagal sa iisang room ang MS." bulong ko. "Tsk. Mukhang tatanda na talagang dalaga si Alex." singit ni Stacy na kararating lang. Kasama niya si Talya. "Hindi siya tatandang dalaga kung maiinlove siya." nakangiting sabi ni Talya. "Bakit na-inlove ka na ba?" singit na tanong ni Nicco, ang kambal niya. "Sino yan ah? Pakilala mo naman ng makilatis ko Pig." dagdag pa ni Nicco. "OMG! You eavesdropping Monkey. Napag-usapan ang love in-love agad pwedeng naniniwala lang naman." sagot ni Talya. Nako! Ingay na ito. "Anong eavesdropping Monkey ka diyan, nosy Pig!" ganting sagot ni Nicco. "Sinong nosy? Hoy unggoy, I'm not minding your business so stay away from mine." sagot naman ni Talya. "Talaga eh diba nosy naman talaga kayo mga nakikiealam naman talaga diba?" sabi ni Nicco habang may makahulugang tingin sa akin. Sasagot pa sana si Talya ng dumating na si Alex kasama si ma'am. Hay salamat! Akala ko mababato na ni Talya ng libro si Nicco. At baka malaman pa nila na ako ung nakiealam sa MS. Pero di naman maituturing na pakikiealam un diba?

Comments?

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon