Tssss... My bagong virus para sa mga babae at binabae na kumakalat sa school namin.
K- Rex Virus.
Tandem ng dalawang hottie sa school. Sina King at Asungot. Sa sobrang tinde ng pagatake ng virus, mahihimatay ka pag nandyan sila. Ang OA lang at mga O.A ata ang mga tao ngayon.
Nandito ako ngayon sa classroom ko at nagsusulat ng assignment ni Asungot.
Halos wala na akong tulog sa kakasulat ng reaction paper na pinapagawa niya.
Nanuyot na nga braincells ko sa kakaisip ng isusulat ko.
Dagdagan pa na naubusan na ako ng vocabularyo sa english. Dapat nga siya gumawa nito! Mas magaling pa nga yun magsalita ng English.
(-____-
Pahamak talaga palagi ang lalaking yun kahit kailan.
"Oh my geeeee!!!!" Tili ng classmate ko.
"Ang gwapo talaga at hot talaga ng mag bestfriends na King at Rex!!"
"Naku alam mo ilang stolen shots na nakuha ko at talaga namang gwapo sila sa kahit anong angle! Yung bang makakasabi ka na...Kahit anong view... I love you..hihihijihihi" dagdag ng isa.
Aba.. Pumipickup line.(-___-) Pero tingin ko para kay Asungot standout joke yan.
Ang baba pa naman ng humor ng isang yun.
"Kanina nabangga ako ni Rex. Sabi niya Out of my way! Ayiiiiii!"
Aba kinilig pa talaga.
Ano bang nakakakilig sa Out of my way?
(-____-) Hai... Ang we weird naman ng mga classmates ko.
Tsss.. Naku, pag ako ginanun ng asungot na yun! Sasapakin ko yun sa panga. Sa isip ko nga lang... alam nyo naman na medyo nasa kanyang mayabang na kapangyarihan ang aking kinabukasan.
" Alam mo nakita ko si King! Bagong kulay ng buhok! Kulay orange! My gosh ang gwapo niya." sabi ni Khara.
Tingin ko ang dalawang yun ay mga dye hair lords. Araw araw iniiba yung kulay ng buhok.(-___-) hindi kaya mapanot sila sa kakapalit ng kulay ng buhok?
Bigla akongnatawa mag isa! Iniimagine ko palang si Kamahalan na panot ay natatawa ako, parang itlog siya ng manok! Hahahahhahah!
Tss.. Hindi ako makaconcentrate! Tsk! Makasulat na nga lang.
" Hala! Papunta si Rex sa classroom natin!" anunsiyo ng P.I.O officer namin sa classroom.
Kanya kanya sila kuha ng salamin make up at checklist.
"hair...Check! Lipstick.. Check.... Blush on check....eyeliner, mascara...Check.... Clevage.. Check na check!"
Wow ha.. Pati ba naman clevage kasama sa checklist? Para namang dapat merong e check doon?
Nagpatuloy nalang ako sa pagsulat.
Panigurado, papunta siya dito dahil kukunin niya tong reaction paper.
"You! Out of my way." intrada ni Asungot kay Ashi at tinitigan ito sa mata.
At ang over talaga kasi nahimatay si Ashi matapos siyang titigan ni Asungot ng matalim na tingin..
(-_____-) Ano naman kaya problema ni Asungot at matalim tingin niya sa lahat.
Naglakad ito papunta sa akin.Sinasabi ko na nga ba.
" Secretary. Come with me to the mall. " sabi nito at tsaka hinila ako sa pagkakaupo.
Nagulat ako. Akala ko kasi kukunin niya yung assignment niya.
BINABASA MO ANG
Say I Love You and You are Dead
Teen FictionMy life was fine before I met him and his bad friends.I never knew that loving him was my biggest mistake and a dead end. He was killed first and now he is haunting me to have his silent but deadly revenge.