KABANATA 21

172 16 0
                                    

( Kabanata 21 )




"Miracle, tara dito!" tawag ni Simon kay Miracle.

Hindi na matigil sa pagbuntong-hininga si Miracle. Hindi na lamang sya sumagit, nakangiti nyang nilingon si Simon saka sya tumango. Binasa ni Miracle ang buong katawan, pagkatapos ay agad na umahon. Pansin nya pa ang tingin nila Elinor at Simon sa kanya habang naglalakad sya pabalik sa kinauupoan nila kanina. Pinunasan ni Miracle ang katawan saka naupo sa malapad na bato doon.

Pinanood nya paring magsaya ang mga kasama nya. Kitang-kita nya ang saya sa mga nata ni Helen habang nakayapos na ang mga braso nito sa leeg ni Isaac. Imbis na ituon sa mga kasama ang atensyon ay pinili na lamang ni Miracle na magisip ng ibang mga bagay. Ngunit hindi nya parin magawang alisin ang lungkot sa tuwing maiisip ang ngiti ni Isaac kasama ang babaeng iyon. Muli syang huminga ng malalim.

Nakakainis, bakit ako nagkakaganito?

Nasapo nya ang ulo nang kumirot iyon. Saka nya hinilot ang sentido, maya-maya pa ay nagsimula na syang siponin. Nangunot ang noo nya nang makapa ang sarili, mainit ang kanyang katawan. Napailing nalang sya, sigurado syang dahil lang iyon sa lamig ng tubig. Pilit nyang inayos ang sarili, huli syang nagkalagnat noong naroon pa sya sa totoo nyang panahon. Sa oras na lagnatin sya rito ay wala ang Mommy at Daddy nya upang alagaan sya. Isinandal na lamang ni Miracle ang sarili sa puno.

Nakita nya na ang mga kasama na paahon sa lawa. Nagtatawanan ang mga ito, si Isaac naman ay inaalalayan si Helen na maglakad paahon sa lawa. Pinilit na lamang umakto ni Miracle na maayos, kahit pa mabigat na ang kanyang katawan. Nakangiti nyang sinalubong ang tingin nila Elinor at Simon.

"Bakit hindi ka nagpunta sa malalim na parte ng lawa?" tanong ni Simon.

"Hindi ako marunong lumangoy." natatawa kong tugon, pinilit ayusin ang sarili.

"Oo nga pala." natawa rin si Elinor.

"Sana ay sinabi mo para naalalayan ka namin." sambit ni Simon saka rin pinunasan ang katawan.

"Oo nga eh." nakapikit na sagot ni Miracle.

Mas sumama pa ang pakiramdam nya ngunit pinilit paring umayos.

"Ayos ka lang?" narinig nyang tanong ni Isaac.

Nang imulat nya ang mga mata ay nasa kanya na ang paningin nito. Tumango lang si Miracle saka muling pumikit. Iniisip nya kung paano mawawala ang sama ng pakiramdam, naisipan nyang muling lumusong sa lawa, baka sakaing mabawasan ang init ng kanyang katawan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Elinor.

"Sa lawa, nabitin ako sa pagligo ko kanina eh."

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Elinor.

"Oo naman." mayabang na tumango si Miracle saka nagpunta sa lawa.

Naupo sya doon saka ibinabad ang sarili. Tanghaling tapat ngunit hindi mainit, mahamog ang paligid, wala syang alam kung paano maiibsan ang sama ng kanyang pakiramdam, ang inaasahan nya ay ang lamig ng tubig, baka sakaling lumamig rin ang kanyang katawan. Paulit-ulit nyang kinabo ang tubig gamit ang kanyang dalawang palad. Paulit-ulit rin ang paghinga ng malalim ni Miracle. Ang nais nya ay umayos ang pakiramdam, hindi nya alam kung ano ang maaaring mangyari sa mga susunod na oras o kinabukasan, hindi sya maaaring magkalagnat.

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon