Chapter 12-War

447 21 2
                                    

Lira's P.O.V.

Nasa byahe na kami pauwi sa bahay,si Ken ang nagdadrive,nasa passenger seat ako at backseat naman si Anrisse.

Ngayon na agad sya titira sa bahay,buti nga okay lang sa parents nya eh,knowing them...napaka strict

"Oo nga pala Ken,bakit ka sumunod kanina sa canteen?"pambabasag ko sa katahimikan,busy kasi sa cellphone si Anrisse,at si Ken,busy sa pagmamaneho,siguro may iniisip o di kaya nahihiya sya kay Anrisse kaya di sya nangungulit ngayon hahaha!

"Nakita ko sa cctv na may nakabangga ka kaya bumaba agad ako,baka kasi napaso ka eh"tumango nalang ako
____________________________________

"Good evening guy's!-oh?ba't kasama nyo yang babae na yan?!"inis na sigaw ni Marcus na may paduro duro pa kay Anrisse

Kakarating lang namin pero sinalubong kami ng maingay na bunganga ni Marcus,parang babae

"Eh anong pake mo?!"inis na sigaw naman ni Anrisse

"Yung kotse mo nandon sa pagawaan!ikaw magbayad non!ano ka?!chicks?"

"Malamang,angala namang nasa beach diba?!tsaka hindi naman talaga ako chicks,tao ako!"napairap ako sa kaabnormalan ng dalawa

"Hindi ka mukhang tao!mas mukha kapang tandang hahaha-"napahinto sya sa pagtawa ng tangka syang batuhin ni Anrisse ng unan

"Hey!dont you dare!"

"Marcus,sya si Anrisse,bestfriend din DAW ni ML titira rin sya dito"saad ni Ken habang nakangiti sa akin,psh,ML?

"What?!"oa na sigaw ni Marcus,hehe,mukhang araw araw may War na magaganap ah?

____________________________________

Anrisse P.O.V.

"6:37 am"basa ko sa wall clock habang pinupunasan ko ng towel ang basa kong buhok

"Gising na kaya sila?"tanong ko pa sa sarili ko tumingin ako sa salamin at napangiwi ng makita ko ang eyebags ko,bwiset talaga,nagmadali na akong magsuklay at lumabas ng pinto,napatingin ako sa kaharap kong kwarto which is kwarto ni Marcus,ang hayop na yan!dahil sa kanya napuyat ako!

Pano ba naman kasi!nagpatugtog ba naman ng mga kung ano anong rock music ilang beses ko na syang sinabihan na patayin nya yung tugtog pero hindi nya talaga ginawa!

Nakakainis!dahil sa kanya anong oras na akong nakatulog kagabi,pero maaga din naman akong nagising,sa tingin ko mga nasa ala una na ng madaling araw nya pinatay ang pinapatugtog nya.

Nasa second floor kasi ang kwarto nila Ken at Lira,at dahil malaki ang mansion na ito,imposibleng marinig nila ang kalokohan ng hayop na Marcus na yan

Napairap nalang ako at pumunta na sa sala sa pag aakalang gising na sila pero wala pa,tulog pa yata

Dumeretso nalang ako sa kusina para sana magluto pero naabutan ko doon ang isang may katabaang Chef na parang may lahi,amerikano ata ito,at sa tingin ko nasa edad kwarenta na sya o higit pa?

"Goodmorning po"pagbati ko,napalingon sya sa akin habang hinahalo ang niluluto nya

"Good morning din po Miss Anrisse"nakangiting bati rin nito pabalik,so kilala na pala niya ako,tinignan ko ang niluluto nya

"Hmmmm,ang bango po nyan Chef ah?may maitutulong po ba ako?"nakangiting tanong ko

"Ah,hindi na po Maam"slang pero magalang na aniya

"Ano po palang name nyo Chef?"tanong ko

"Edgar...Edgar Fill po"ngumiti ako at tumango,umupo ako sa upuan at pinanood syang magluto

I AM LIRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon