-Krystal-
Nakaupo ako habang tinitignan ang mga patients na ichecheck namin mamaya.Habang tinitignan ko ang mga ito ay biglang nagbulungan ang mga ibang nurse at yung iba ay nagtitilian.Napatingin ako sa mga nasa paligid ko at napansin kong nakatingin sila sa iisang direksyon lang. Tumingin ako kung saan sila nakatingin at bumungad sakin ang junior doctor na kasama namin ni Dr.Sanchez.
Bigla itong lumapit sakin at tinignan ako ng diretso.
"Hinihintay na tayo ni Dr.Sanchez" sabi nito.Tumayo ako at dinala ang mga charts at sabay na kaming umalis.
Pumasok na kami sa unang kwarto.Isang matandang babae ang pasyente dito.Titignan na sana ni Dr. Sanchez ang kalagayan niya ng bigla itong gumalaw
"Doc pwede bang si Dr.Calvin nalang ang mag check sakin" sabi ng pasyente habang nakatingin kay Dr.Calvin.Napatingin ako sakanya sabay ng pagtingin niya sakin.Napaiwas agad ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin
Linapitan niya na ang pasyente para tignan ang kalagayan nito
"Thermometer" sabi niya sabay lahad ng kamay at tumingin sakin.Inabot ko sakanya ang thermometer at tumingin nalang sa ibang direksyon.
Pagkatapos naming mag rounds pumunta ako sa food court sa harap ng hospital.Bumili nako ng pagkain ko at umupo sa isang natitirang vacant seat.Umupo nako at magsimula ng kumain
"Can I join?" Tanong ni Calvin sakin.Tumingin ako sa paligid at nakitang walang bakanteng upuan kaya pinayagan ko
"Sure" nakangiting sabi ko
Medyo awkward to ah.Nag isip ako ng mapaguusapan namin para hindi masyadong matahimik
"What's your full name?" Tanong ko kahit alam kona yung full name niya
"Dean Calvin Davis" tugon nito at pinagpatuloy na ang pagkain niya
"So ano pwede kong itawag sayo?" Tanong ko ulit
"Hubby"
"W-what??" Naguguluhang tanong ko.Ngumisi lang ito at inayos ang upo
"Dean" sabi nito na labis kong ikinagulat
Akala ko bang ayaw niyang patawag na Dean kase Dean yung tawag sakanya nung girl
Binilisan ko nalang ang pag kain ko para makabalik na sa hospital.
"Punta na'ko sa hospital" pagpapaalam ko saka na tumayo
"Sabay na tayo" seryosong sabi nito at tumayo na din.Sabay kaming pumunta sa hospital pero iba ang pupuntahan namin.
Umupo na'ko sa upuan ko at naghintay ng iuutos nila sakin.
"Bakit kayo magkasabay ni Calvin?" Tanong ni Lucy saken na parang may something kami ni Calvin
"Share naman" singit naman ni Ella
Hays
Kwinento ko sakanila ang nangyari
"Bakit ang bait sayo girl?" Tanong ni lucy.
"Hindi ko din alam"
Agad akong umuwi pagkatapos ng duty ko.Nagulat ako nang makitang madaming maleta ang nasa sala.Agad kong hinanap sila daddy upang itanong kung anong meron
"Binili ka naming condo malapit sa hospital kung saan ka nagtratrabaho" pagpapaliwanag ni mommy
Wala na'kong nagawa kundi sumunod sa condo na tinutukoy nila.
In fairness malaki
Feeling ko tuloy spoiled ako sakanila dahil ako ang bunso.Si kuya kasi nasa U.S. pa para asikasuhin ang business namin.We're close naman at buti nalang may kuya ako dahil wala akong balak makielam sa business nila mommy.
Inikot ko ang buong condo para tignan ang mga kailangan kong bilhin para dito.May dalawang kwarto ito.Napagisipan kong mag stay sa kwarto na may CR at may balcony.
Inayos kona ang mga gamit ko at napansing madilim na. Naligo na 'ko at nagpajamas saka pabagsak na humiga sa kama. Nagtext si mommy sa 'kin na bukas ng hapon niya palang daw ipapadala ang sasakyan ko kaya mag commute na muna daw ako bukas dahil maaga akong pupunta sa Hospital
Agad akong bumangon pagkagising ko at nag ayos na.Mamaya nalang ako kakain ng breakfast baka malate ako.Lumabas nako ng condo
"Hi" bati ni Dean dahil sabay kaming lumabas
"Nakatira ka dyan?" Tanong ko, tumango lang ito.Nginitian ko lang siya at tumalikod na dahil mas malapit sa condo ko ang elevator
"Sabay na tayo"