Chapter 34: Won
Narito kami ngayon sa opisina ni Leyox. Pinapakilala ni Tito Frederick si Mason kanina roon sa kanyang mga board members pagkatapos nakinig kami sa meeting roon ngunit agad namang natapos. Tito will be hosting a press conference but we blew up his plan. Hindi rin gusto ni Mason na magkaroon ng ganoon kaya nakakatulong ang pag meeting crash namin kanina.
Bumaling ako sa aking cellphone na biglang tumunog.
Cassius:
You're out? Where are you?
Ngumuso ako at nagtipa ng reply.
Me:
Yup! Sa RACI kasama ang mga pinsan. Nasa meeting ka pa rin?
Biglang dumating agad ang reply niya pagkatapos ko iyong nasend.
Cassius:
Yes. It's so boring.
Umirap ako sa kawalan.
Me:
Old man. We're going to SGI next.
Cassius:
Hmm... old man, huh? Can you visit me, this old man, then?
Tila may biglang elektrisidad na dumaloy sa aking spinal. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi bago nagtipa ng reply.
Me:
I'll try. Focus ka muna sa meeting d'yan.
Sumunod ako sa pagtayo ni Mason palabas ng opisina pagkatapos nag uusap ang tatlo. Sunud sunod ako sa dalawa hanggang nakapasok sa sasakyan. Hindi na nagreply si Cassius kaya binalik ko ang cellphone sa aking maliit na bag.
"May malapit ba ng pastry house dito?" tanong ko kay Leyox.
Wala sa sarili siyang tumango.
I smiled. "Dadaan tayo,"
Huminto kami sa isang pastry shop na mukhang hindi typical na pastry house. Kasunod ko ang dalawa na pinag uusapan pa rin ang kanina. Tito Frederick want to have Mason as the Vice President in the company but Mason declined. Kaya ngayon, ito pa rin ang pinag uusapan nila.
"Good morning, Miss. May I take your order, please?" nakangiting sinabi noong kahera.
Ngumiti ako pabalik bago pinasadahan ng tingin ang mga cake na naroon. Daddy loves Moroccan desserts so I chose the one that is nearly a Moroccan taste. Pinagtutop ko ang aking bibig habang pumili ng isa pa para kay Cassius. Hindi ko alam ang paborito niya o mahilig ba siya sa sweets pero nakita ko namang kumain siya ng ganoon.
"One strawberry cake too." pormal kong tugon sa kahera.
"Siguradong ngayong linggo, iaanunsyo na ang engagement nila." hagikhik ng isang babae sa aking tabi.
"Ang tagal ng naantala iyan, kawawa naman si Louise. One cheesecake." ani ng isa.
Bahagyang kumunot ang aking noo nang narinig ang pamilyar na pangalan.
"Excuse me, Miss." ani noong isa sa akin.
Humakbang ako ng pagilid. "Sige, dumaan ka."
Pinagtaasan niya ako ng kilay bago pinasadahan ng tingin ang akin buong postura. Tinatapatan ko iyon ng mataman na tingin.
"Tatanungin lang kita, may kamukha ka kasi..."
Biglang tumili ang kanyang katabi. "Vi, tingnan mo."
Pinakita noong isa ang kanyang cell phone. Halos umirap ako bago ngumiti sa kahera at inabot ang aking card.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...