Chapter 35

32.1K 506 130
                                    

Chapter 35: Banta

Nakatitig lamang ako sa aking katawan habang naghihintay sa pagdating ng mga kaklase. Inaya ako ni Hannah at Maica kahapon para sa outing na ito at nagulat na lang ako nang pagdating ko, nandito ang iba ko pang kaklase noon.

Gulat at hindi makapaniwala sila nang nakita ako. They all have the same speculations that I died or moved abroad. Naging balita noon ang aking pagkawala dahil sa media kaya nalaman nila iyon pero walang balita tungkol sa totoong nangyari.

Lumabas ako ng suite para lapitan ang tawag ni Hannah galing sa labas. Nagkaroon ako ng kabuwayan kaya nagsuot ng isang top tank at beach shorts upang matabunan ang peklat. Napakapangit noon at ayaw kong punain nila. At naco–conscious lamang ako sa katawan.

"Nandito rin si Kendra."

Bahagyang umangat ang aking tingin sa narinig sa kanya. Wala akong imik dahil hindi ako sigurado kung bakit niya iyon binalita sa akin.

Dinaluhan namin ang aming kaklase sa isang resort nila Sam. Nagkatuwaan na ang iba sa dagat at kumakaway sa amin.

Ngumiti ako ngunit agad naman natabunan ang aking tingin sa isang babaeng naka bikini na sobrang nipis. Kendra smiled at me so I smiled back. Biglang nahagilap ng aking tingin ang kasunod niyang lalaki.

"So the lost heiress isn't lost afterall." nakangiting sinabi ni Kendra.

Mas gumanda siya ngayon at naging petite ang katawan. Muling dumapo ang aking tingin sa lalaking lumalapit rin. Naalala ko ang dating postura ni Henley noon na napaka boy-next-door, hindi katulad ngayon na medyo may bangas at mataas ang buhok.

"Hello to you too, Kendra, Henley." pinantayan ko ang kanyang ngiti.

Bahagyang nakitaan ko ng lungkot ang mukha ni Henley at sinubukang lumapit pa lalo sa akin.

"Masaya akong ayos ka lang sa mga taong nakalipas, Stella." aniya na medyo namamaos ang boses.

He took another step forward and reached for my arms but I stepped back and smiled coldly.

"Thank you for being happy that I'm alive." mataman kong sabi bago sila nilagpasan.

Pansin ko ang panitig ni Henley sa akin habang nagkatuwaan kami nila sa dagat. Minsa'y sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit hinaharang naman ni Hannah o ni Maica.

"Bakit ka pa bumalik?"

Nilingon ko si Kendra. I almost scoffed because I heard that note yesterday too.

Unti unti akong ngumiti. "Kasi nararapat ako dito,"

Ngumiti rin siya. "May masisira ka lang, Stella. Now that you're back, you'll only cause great damage to everyone."

"Alam mo, Kendra. Ang dami kung natutunan sa buhay, kasali na roon ang mga taong magagalit kahit wala kang ginawa sa kanila. Galit lang talaga sila sa'yo dahil siguro naiingit? Ewan ko, ikaw, may natutunan ka ba?"

Napawi ang ngiti niya. "Hanggang ngayon hindi ka nawala sa isipan niya. Mas lalo lang tatagal ang aming kasal dahil bumalik ka pa!"

I scoffed. "Labas na ako sa relasyon ninyo ni Henley. Wala akong aagawin sa'yo dahil inagaw mo na "

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Noon pa man, alam mo at alam niya na wala akong gusto sa kanya. Kung sinabi mong layuan ko siya, bakit 'di mo siya pinigilan lumapit sa akin?"

Nagtagis bagang siya.

"Stella, kanina pa to nagring ang phone mo."

Pinasadahan ko ng tingin si Kendra bago nilapitan si Maica. Bahagyang kumunot ang noo niya ng tiningnan ang aking caller.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon