Mahigit isang buwan na simula ng mag-umpisa ang klase. Masaya ako at hindi na nagpumilit sumali si Clyde sa MS. Naging masaya at kuntento na ito na may mga kasamang ibang freshie. I saved a life! Pero mukhang hindi natuwa sina Nicco at Sam dahil araw-araw nilang inaasar si Talya. Mukhang this is their way of getting even sa akin. Nakokosensya na tuloy ako. "Ang aga-aga ang ingay niyo." saway ni Iris. Napatahimik naman niya. Si Iris o kaya naman si Seth o Jet lang naman ang nakakapagpatigil sa away nila. Bumulong sa akin si Sam, "Ano nakokosensya ka na, nosy Angel? Ang tanong may angel bang nosy?". Di ko na lang siya pinansin.
Nagmadali na lang akong umuwi ayoko munang makipag-usap sa SS. Panigurado itatanong lang nila sa akin kung ano ang sinabi ni Sam. "You look sick." komento ni Seth na nakasandal sa pinto. Ang gwapo talaga niya. "I'm just tired. Tired of Nicco and Sam." sagot ko habang sinubukang magbigay ng isang pilit na ngiti. "Hayaan mo na sila. Besides, hobby lang talaga nila ang asarin si Talya. You shouldn't mind what Sam said to you earlier. Gusto ka lang niya asarin." sabi Seth. Napangiti na lang ako. Paano niya kaya nalaman? "How did I know? I have my ways. Besides, kilala ko pasikot-sikot ng pag-uutak ng barkada ko. I am not a mind reader." nakangiting sabi niya. Matutunaw na ako. Aba! Nahulaan niya ung mga nasa isip ko. Sadyang may kakaibang pag-uugali talaga siya. Sana di na lang niya barkada ang MS para mas maigi ang maging relasyon namin sa hinaharap. "Wala pa sundo mo. Is it okay if I invite you for coffee?" magalang na pag-alok niya. "Sure. Tawagan ko lang si Mang Caloy." pumayag na ako tutal hindi naman niya kasama ang barkada niya. Ayos ito para mas makilala ko pa siya.
Tahimik kami pareho pero di naman awkward mukhang magkakasundo kami kasi we bought like a quiet environment. "So-" "Pa-" magkasabay naming bigkas. "You go ahead first." sabi niya. "Sorry ah wala kasi akong masabi." sabi ko habang nakayuko. "Ako rin. Medyo matagal tagal na rin since may ayain akong lumabas eh. Sanay na ako sa pagmumukha ng mga team mates ko. But this, this is something that is not so new but it feels like forever ko siyang hindi nagawa." sabi niya. Yun na ata ang pinakamahabang nasabi niya sa akin. "Mukha nga. Halata. Yun na pinakamahabang ansabi mo sa akin. Tahimik ka lang kasi eversince. Pero mas palangiti ka dati eh." sabi ko habang kinakain ang chocolate overload cake. "Napansin mo pa yon?" nakakalokong tanong niya. "Hindi naman. Wag mong isipin gusto na kita ah. It is just that I am very observant." pagtatanggol ko sa sarili ko. Natawa na lang siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Bihira ko siyang marinig tumawa kahit pa naglolokohan na ang klase. "Alam mo contradicting ang sinasabi nila about you. Actually, you are very likeable girl. Mukhang napapangibabawan lang ng ego ang ibang guys kaya hindi sila makaporma sa iyo. Anyway, Celest, I will try my best to be the best husband for you. Alam ko naman kasi sa akin I will never have another chance to meet my true love unless you meet yours." sabi niya. Nabigla naman ako sa sinabi ni Seth. Mukhang may pinaghuhugutan siya ah. "Alam mo kung may pinagdadaanan ka kaya mo yan MS ka eh. Pasugod mo sa mga barkada mo. Haha Joke lang. Pero seriously, kung ikaw man ang makatuluyan ko ayos lang sa akin, I'll do my best to be the best wife for you. Mabait ka naman kasi." nahihiyang sabi ko sa kanya.
Maayos ang naging relasyon namin ni Seth. Parang kami na hindi haha. Sa madaling salita MU.... isang MALABONG USAPAN. Hindi naman kasi namin ni-label ang kung anong meron kami pero lumalabas kami na kaming dalawa lang. Sinusundo at minsan hinahatid pauwi pero lihim namin itong ginagawa. Ayoko kasing ipaalam sa MS na may namamagitan na kung ano sa amin. Syempre ang Sweet Six, alam nila kaso ayun si Alex hindi na ako masyadong pinapansin. Mabuti na rin siguro yun kaso mukhang napapagod na si Iris sa kanya. Kay Iris niya kasi binubuntong ngayon ang galit niya sa mga kalalakihan.
Magkasama kami ngayon ni Seth. "Celest, I think we should stop." sabi ni Seth habang nagmamaneho. Ihahatid niya ako ngayon pauwi. "Stop what?" tanong ko. Nakikipaghiwalay na ba siya? Eh hindi pa nga kami eh. "This." simpleng sagot niya. "Okay." simpleng sagot ko. Ayoko ng complicated relationship. Ayoko na rin ng masyadong maraming usapan. Kung ayaw niya di wag. Ayoko ipilit ang sarili ko. Talagang pare-pareho silang barkada.
Talaga ngang MU kami. Malabong Usapan. Magulong Usapan. Mabilis na Usapan.
Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomansAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...