"Sab!" tawag sa akin ni Adam, best friend ko.
"Oh?" napaangat naman ulo ko sa paggawa ng assignment.
"Matagal ka pa ba dyan?" tanong niya habang nag-ml.
"Bakit ba ang kulit mo naman eh? Major namin 'to kaya dapat pa-impress ako manahimik ka na lang dyan."
"Tagal mo, nagugutom na ako, kain tayo sa labas bilis." Napatingin naman ako sa kanya.
"Libre mo?" tanong ko.
"Tss, paglibre sasama agad yan." Napailing na lang siya, at tumango.
"Oh tara na! Pwede naman mamaya 'to eh." Sabi ko sabay hila sa kamay niya. Lumabas kami at nakakita naman agad kami ng street foods na naglalako kaya dun na lang kami bumili.
"Ano gusto mo?" tanong niya.
"Ikaw, charot! As usual!" sabi ko naman at binatukan niya ko, tawa naman ako ng tawa.
Kumain na kami at nung kinagabihan ay agad ko na siyang pinauwi.
"Umuwi ka na nga!" sabi ko.
"Ayoko nga." Sabi niya at umupo pa rin sya sa sofa. Tinulak ko siya pero wala lalaki eh, malakas katawan.
"Ano ba? Balak mo bang dito na tumira?! Araw-araw ka ng nandito, Adam! Jusko nagsasawa na ako sa mukha mo." Sabi ko pero joke lang talaga yun hehe gusto kong kasama siya kasi wala na akong ibang maasahan kundi siya.
"Sus! Sa gwapo kong 'to? Sige na nga! Basta mag-ingat ka dito ha? Tumawag ka kapag may kailangan ka." Sabi niya at tumango na lang ako, para ko na siyang kuya sa mga bilin niya sa akin.
"Opo, kuya. Alis na." paalis na dapat sya ng nilingon nya ako.
"At isa pa, huwag na huwag mo ng papapasukin ex mo dito ha? Papabugbog ko yun, ako na nagsasabi sayo." Banta niya sakin at hinampas ko braso niya.
"Hindi na noh! Sige na uwi na!" at tumatawa siyang lumabas ng unit ko. Sinarado ko na yung pinto pagkaalis ni Adam. At napabuntong-hininga.
Magkaibigan kami ni Adam, best friends since Grade 10 hanggang ngayong 4th year college na kami. Civil Engineering kinukuha niya at ako naman computer science. Sa loob ng anim na taon naming pagkakaibigan, kilalang-kilala na niya ako, nahahandle nya mga mood swings ko na di nagawa ng mga ex ko. Siya yung nalalapitan ko sa bawat problema ko sa sarili ko, sa love life, sa paligid, rant buddy ba? Pero ayun nga, di ko na rin maiwasan yung magkagusto.
Nung nagbreak kami ng pangatlo kong ex, sobra akong nasaktan sa panloloko niya, sinabi ko kay Adam lahat-lahat, pinapatahan nya ako lagi, at ramdam kong inis na rin siya sa ex ko na yun. Sa tuwing iiyak ako dahil sa ex ko, nagagalit siya dapat raw ay hindi ko iyakan.
Sobrang bait ni Adam, sa lahat ng aspekto. Di nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya, kabilang na ko dun. Paano ba naman kasi? Matalino, gwapo, may pangarap sa buhay, mabait, lahat na halos nasa kanya.
Kaya eto ako nagkagusto sa kanya ng hindi niya alam. Ayokong mawala siya sa buhay ko, kaya mas pinili ko na lang na huwag sabihin. I don't want to risk our friendship, so I kept my feelings to myself. Hindi ko kaya kung mawawala si Adam sa akin dahil lang sa pagkagusto ko sa kanya.
Alam ko namang wala na akong pag-asa kay Adam eh, dahil may gusto siyang iba, si Penelope. Maganda, mabait, matalino, bagay sila kaya hindi na ako aasa pa. Kaso may times pa rin talagang nasasaktan ako pero sino ba naman ako para umangal? Sino ba naman ako para magselos? Wala naman akong Karapatan sa kanya una pa lang. Masaya na akong masaya siya, kaya hahayaan ko siyang maging masaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227979086-288-k248738.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love from a Distance
Short Story"I don't want to risk our friendship so I keep my feelings to myself."