Anim na estudyante ng baiting 7 – San Lorenzo, na sila Dale Chavez, Bruce Ocampo, Zeus Villanueva, Luke Santos, Cazz Villafuente, Alexandra Go, Thea Belizario, at si Sophie Herbosa. Sila ang mga taong hindi inaakala na gumawa ng mabubuting bagay.
Sophie’s POV
Anong oras na ba? Ayy! 35 minutes late na ako sa Math! Tinakbo ko ang mga corridor dahil halos wala na rin ang mga tao at nagsipasukan na sa kani-kanilang mga klase. Nang lumiko ako,napabangga ako sa isang malaking poste, este tao. As always, dahil clumsy ako, nalaglag mga libro ko tsaka nadapa pa ako. Aba matindi.
“Aray! Sorry po!” Sabi ko habang nakaupo pa ako sa floor, at pinupulot ko yung mga libro ko. Nakatayo lang siya dun, hangga’t sa may dumating na ibang tao tsaka naipulot ko na lahat ng libro ko at nakatayo na din. Nagulat ako sa kanya hindi dahil kilalala ko siya, pero dahil siya yung sikat ni “Campus Prince.”
“Bakit mo ako binangga? Kilala mo ba kung sino ako?” Tanong ni Luke sa akin. Nag-ring na yung bell. Kung ako hindi maka-solve ng maayos sa Polynomials ito sisisihin ko.
“Luke, sorry na dahil nabangga kita. ‘Wag ka naman makasalita na parang napakataas ng posisyon mo sa school na ito. Know your limits.” Sinabi ko sa kanya. Umalis na ako para hindi na maging worse yung situation.
“Aba bastos ka!” Sinigaw ni Luke, nang lumapit siya, balak niya na sampalin ako pero dumating si Tristan ang bestfriend ko since birth.
“Luke, yung totoo? Nakakatuwa ba na manampal ng babae?” Sumingit siya sa gitna naming dalawa.
“I’ll get back at you one day, just wait Herbosa!” Sabi ni Luke at umalis na.
“Tris!” Humarap siya sa akin at niyakap ko siya. Hindi ko lang alam kung anong gagawin ko kapag wala siya dito.
“Bakit mo nakausap si Luke? Iwasan mo na lang siya. Alam mo naman na mayabang at mataas ang pride niya.”Sabi sa akin ni Tristan. Bakit kaya sobrang seryoso siya kapag si Luke ang topic?
“Sige na. P.E. next subject natin diba?” Tanong ko. Hindi ko kasi nakita si Tristan kanina kaya hindi kami sabay pumunta ng classroom.
Napapansin ko lang, na tingin ng tingin si Luke sa akin. Kanina pa simula nung start ng English class. Pero after all day, same pa rin ang lahat. Kasama ko sila Thea,Alex, Cazz, at Tristan. Nandito na ako sa corridor ng first floor, palabas na ng entrance. Nang may humila sa akin.
“Ikaw, kailangan kita kausapin.” Sabi sa akin ni Luke.
Me: Ano? Sabihin mo na para makauwi na ako. Mag-aaral pa ako at pagabi na rin.
Luke: Ito. Basahin mo ito at gawin mo ang nakasulat. Update mo na lang ako kung nagawa mo na.
Sinabi niya at umalis na. Bimuksan ko young papel na binigay niya. Ang title nito ay “Help Save the Earth: Mission Green.” Binasa ko yung papel habang pauwi na ako. Nahanap ko ang mga ito dahil may link na kasama dun sa papel. Hindi ko alam kung bakit, pero ginawa ko. Nagtayo ako ng campaign sa school at tinulungan ako nila Cazz,Tristan,Alex, at Thea. Lumaki yung community naming kasi madaming sumasali. Lumalapit lang sa akin si Luke time to time para mai-update ko siya tungkol sa mga ito. Ang hindi ko lang alam na mayroon pala kaming “Secret photographer/stalker.”
Natapos na ang deal namin ni Luke, na magawa yung Mission Green na yun and hindi nakami maguusap pa. Back to normal ang mga buhay namin. Pero habang lumilipas ang mga araw na hindi ko siya nakakausap o nakikita, parang hindi kumpleto ang araw ko? Ewan ko. Baka nasanay lang ako masyado sa kanya at dapat mag-focus lang ako sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko. Lalo na si Tristan, dahil aalis ang kanyang ate para mag-OJT sa ibang bansa for 6 months. Napaka-close pa naman sila ng Ate niya.
Ng pagdating ko sa school bukas, ang daming taong bumabati sa akin.
“Hi Sophie!”
“Good morning Sophie!”
Lumapit sa akin si Tristan ng mukhang nagaalala.
“Sophie, tignan mo yung nakalagay sa school bulletin.” SInabi niya sa akin. Sumama ako sa kanya, at nakita ko ang nakapost dun;
Kami ni Luke.
“Luke Santos and Sophie Herbosa: Dating?!
At may mga pics kami ni Luke kung saan binibigay ko yung mga papeles about dun sa pinapagawa niya sa akin. May mga nakalagay na false news na sabi ay ‘Nakita rin naming na magkasama sila sa isang café.’
Hinablot ko si Luke at pumunta sa school stage at binuksan ang microphone dun. Sabi ko:
“Attention, students. Gusto lang po naming patunayan na hindi po kami ni Luke Santos. May inaabot lang ako sa kanya dahil mayroon kaing schoolwork na kaming dalawa ay gumagawa yun lang salamat po.” Nakit ko sila Thea na tinatanggal na yung mga nakasulat doon sa bulletin. Pababa na ako sa stage, pero hinila ni Luke yung kamay ko. At nagtanong:
“Paano kung sinabi kong gusto kita?”
Nagulat lang ako at umalis na. Tumakbo ako palayo sa kanya, at pumunta kila Alex. Ang daming nakatingin na tao dahil naka-microphone siya nung sinabi niya yun. Anong sasabihin ko?! Wala na akong magagawa, dahil iba ang gusto ko. Lumipas na ang mga araw, at Saturday na. Pumunta ako sa bahay nila Tristan dahil tumawag siya at may sasabihin daw siyang importante. Sabihin ko na rin kaya sa kanya? Or wag nalang, kasi baka masakatan pa ako.
“Sophie! Buti dumating ka. May sasabihin ako.” Sabi sa akin ni Tristan at dumiretso kami sa sala nila. Here goes nothing, wala akong magagawa pero ok lang ang lahat kapag nasabi ko na.
“Uhm, Tris? Ako rin. May sasabihin ako.”Sabi ko sa kanya.
“Ok,sure! Ikaw muna.” Ito na. It’s now or never.
“Kasi Tris, gusto kita.” Sinabi ko at pinikit ang mga mata ko. Ayoko makita at marinig ang sagot niya dahil natatakot ako at baka mawala ang lahat ng pinagsamahan namin.
“Sophie? Kasi ito eh…” Awkward siya nagsalita. Ok, accept ko na.
“Crush rin kita.”
~END~
Ang moral lesson of the story is huwag ka dapat mahiya gumawa ng tamang bagay dahil ang lalabas na resulta ay masama lalo na kung gagawin natin ito sa ating kalikasan, kaya gawin na natin ang tama.
Narrator’s POV
And they went on with their own lives. Luke just accepted the fact that hindi sila pwede ni Sophie at nirespeto siya kung ayaw niya talaga. Pero nagtayo ng isang building ang Mission Green malapit sa kanilang school dahil marami na rin ang sumali sa kanilang awareness program at tinutuloy pa rin na magtanim ng mga puno at maglinis ng surroundings.
*bow*
BINABASA MO ANG
One Way Love
Short StoryProject ko ito sa MAPEH, plot niya ay about good values. So 'wag kang mag-expect masyado dito.