CHAPTER 32 (The Prophecy)

614 39 0
                                    

*Third Person POV*

Pagkadating ni Vladamir sa Vampire Academy ay nagsisiyukuan ang mga estudyante na kanyang nalalampasan at ang iba naman ay nagbubulong bulongan kung bakit ngayon lamang ulit nagpakita sa kanila ang inaakala nilang si ginoong Valmer.

Habang siya ay naglalakad sa hallway hindi alam ng mga estudyante na may ginagawang spell ang inaakala nilang Valmer, at ang spell na ito ay ang gawing hades vampires ang mga haven vampires na mga estudyante sa pamamagitan lamang ng pagtitig ng lalaki sa mga estudyante, walang kaalam alam si madam Otelia na halos sa kanyang estudyante ay naging hades vampires na.

Pagkatapos na maisagawa ni Vladamir ang kaniyang plano ay bumalik na ito sa Tenebris City, pagkadating niya sa kaniyang kaharian ay nakasuot ulit ito ng kapang may sombrero na natatakpan ang kaniyang mukha, nadatnan naman niya ang hades vampires na takot na takot ng malaman nilang nakabalik na ang kanilang hari.

"Anong problema dito?" seryosong tanong nito sa lahat. Naglakad naman ito sa kaniyang trono na kung saan sa gilid nito ay nakatayo ang crook vampires. Sinalubong naman siya ni Raul at binigyan ng isang basong may lamang dugo at umupo sa kanyang trono.

"Bakit walang sumasagot sa aking katanungan?" inis na tanong nito.

Mabilis namang nagtungo ang crook vampires sa harapan ni Vladamir.

"H-haring V-vladamir, a-ang a-ating b-bihag..." utal na sambit ni Raul dito.

"Anong nangyari sa ating bihag?" seryosong tanong nito.

"N-nakatakas p-po a-ang a-ating b-..." hindi na natapos ni Lucinda ang kaniyang sasabihin ng tumilapon silang apat dahil sa kapangyarihan ni Vladamir.

"HINDI MAAARI!!!" sigaw nito sa kanyang nasasakupan.

"Hindi pa natin nakukuha sa kanya ang puting libro, mga INUTIL, WALANG SILBI" sigaw ulit nito sabay hagis ng dark ball magic sa mga kawal ng Tenebris City.

"Sinong may gawa nito?" tanong ng hari.

"H-hindi p-po n-namin n-nakilala a-ang l-limang b-bampirang t-tumulong d-dito" utal na sambit ng isang kawal, at mapapansin ang panginginig ng kaniyang tuhod dahil sa takot.

"Ahhhhh! Magsipag handa kayong lahat lulusob tayo ngayon sa Vampire Academy hanggat mahina pa si Valmer" sigaw nito sa mga bampira.

_______________________________________________________

*Crescenta Bloody Moon*

Nandito ako ngayon sa isang silid sa bahay ni pinunong Dwart at hinihintay na magising si ginoong Valmer. Pinainom din siya ni pinunong Dwart ng potion para bumalik ang lakas nito at hintayin na lamang na magising ito.

"Hmmm" ungol ni ginoong Valmer at lumapit ako dito.

"Ginoong Valmer si Crescenta ito" sambit ko dito.

"Nasaan tayo mahal na prinsesa?" tanong nito sa akin ng iminuklat nito ang kaniyang mata at napansing sa ibang bahay kami ngayon.

"Nandito tayo ngayon sa bahay ni pinunong Dwart" sagot ko dito.

"Sino si pinunong Dwart? Anong ginagawa natin dito?" tanong ulit nito at napansin kong wala na itong sakit na nararamdaman hindi tulad noong iniligtas ko ito sa kuta ng mga hades vampires.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon