Continuation...............
AUSTIN POV
Pagkatapos kong magbalik ala ala ay nag decide na akong bumaba ng kwarto para magpaalam na kila mommy... Isa pa baka umakyat na naman ang kapatid ko at katukin ako sa kwarto tapos masira ang napakapoging mukha ko dahil sa kakulitan nya... Pssssshhh.. Dala dala ko ang backpack na naglalaman ng mga gamit ko para sa camping... Magkakamping ang buong seniors at soon to be seniors gaya ng sabi ko para daw mas mabuild ang samahan sa pagitan ng bawat isa samen... "Tsssk kelangan pa talagang palaguin ganun?" Wika ko sa utak ko habang pababa papunta sa dining area kung saan nandon si mom at nay yoly...
"Morning mom! Morning nay!"-masiglang bati ko sa kanila...
"Morning baby!"- sagot ni mommy habang binababa ang niluto nyang adobong baboy na minatamis... Nagutom ako bigla...
"Magandang umaga nak, kompleto na ba iyang gamit mo?"- tanong ni nay yoly...
"Yes po nay. Thank you po sa pag ayos ng gamit ko"- nakangiti kong wika...
"Naku basta ingatan ang sarili ha"- si nay yoly...
"Baby nadala mo ba ang medicine kit na iniwan ko sa may box mo? "- maya maya ay tanong ni mommy...
"Yes mam!"- masiglang sagot ko sabay nanguha ng isang pirasong baboy gamit ang kamay ko... Hmmmm sarap!!!
"Austin!! Wag mong kamayin anak baka mapanis yan di na makain ni Icey"- maya maya ay sigaw ni mom saken pagkatapos na makitang ngumunguya ako...
Nagulat ako ng bahagya sa sinabi nya.. So para to kay Ice???
"Ano mom? Kay ice to?"- ako... Sabay turo sa bowl na puno ng masarap na luto ni mommy...
"Hehe oo anak para sa kanya yan"- si mom na nakangiti sakin...
"Unfair! Bat sa kanya lang"- reklamo ko...
"Baby naman syempre pag thank you ko yan sa kanya sa ginawa nyang pagliligtas sa kapatid at kay tatay ben nyo."- paliwanag ni mommy..
"Tapos ako wala?"- turo ko sa sarili ko...
"Napakaseloso mo naman anak, sige you can have this too pero kunti lang ha"- sabay sabi ni mom habang isinasalin sa box yung niluto nya...
"Unfair mo mom. Ako anak mo oh"- nakasimangot kong tugon...
"Hahaha abay napakaseloso pala nitong binata naten, naku pag nagka nobya ito tingin ko babakuran nya"- biro ni nay yoly habang nakangiti saken..
"For sure yan nay yoly"- si mom na sumang ayon...
"Psssshhhh babakuran ko talaga si Angela"- sagot ko..
"Abay si angela nga ba anak?"- makahulugang tanong ni nay yoly..
Hindi na ako sumagot at kumuha na ako ng plato at sinimulang kumain..
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kila mommy at nay yoly na aalis na ako... Mas maagang umalis si lindsay at tay ben dahil may dadaanan pa daw si lindsay.. Habang nagmamaneho ako paulit ulit sa utak ko ang tinanong ni nay yoly sakin kanina "si angela nga ba?" Ulit ng utak ko... Anak ng!!!!! Pssssssh inis kong pinagpatuloy ang pagda drive hanggang makarating sa school...
Pinark ko agad ang kotse at patakbong pumasok sa school... Nakita ko agad ang mga nakapilang students na nakasuot ng jogging pants at long sleeve na may tatak na ADM students... Lumapit ako at agad hinanap ng mga mata ko si shiro at zano..
"PRE!"- kaway ni shiro saken...
Naglakad ako papalapit sa kanila at tumabi kay zano na busy sa paghahanap ng kung ano sa bag nya....
YOU ARE READING
HER STORY
AçãoWhen we first met i thought she's nothing..... Mailap ang mga mata , matalim kung tumingin .. laging seryoso ang mukha at hindi palangiti... Kabaligtaran ng lahat ng description ko sa isang magandang babae.... Pero there is something about her na pu...