Sa isang liblib na lugar ng Bicol matatagpuan ang Ibalon, kaharian ng mga enkantado na pinamumunuan ni Baltog at ang kanyang reyna si Saskia. Tahimik ang kanilang pamumuhay kasama ang kanilang mga anak at mga alagang hayop. Ang kanilang mga anak ay sina Pinesa, at Oriol. Mahal na mahal nila ang mga ito at di sila papayag na mawalay at may mangyaring masama sa kanila.
Si Pinesa ang panganay na anak ay isang lumulipad na pating at bumubuga ng apoy. Bilang panganay tungkulin niyang pangalagaan ang kanilang tirahan at hindi pahihintulutan na may makapasok na dayuhan dito. At ang bunso si Oriol na napakagandang babae na may nakakaakit na tinig. Sa umaga siya ay isang babae at sa pagsapit ng takip silim ay bumabalik siya sa pagiging kalahating ahas.
Sa kabilang nayon nakatira ang mga tao na sa ngayon ay may kinahaharap na malaking pagsubok. Wala na silang makain at marami na rin sa kanila ang namatay dahil sa epidemya at sa pagkain ng mga peste sa kanilang pananim. Bilang pinuno inutusan ni Bantong si Hadiong na humanap ng lugar na kanilang malilipatan. Si Hadiong ang pinakamakisig at pinakamatapang na mandidirigma ng tribong Bayamon. Naglakbay si Hadiong sa karagadan, tinawid ang napakaraming bundok at nang siya ay mapagod huminto sa isang lugar------ ang Ibalon.
Isang araw habang namamasyal si Oriol na nasa kanyang anyong tao ay nakita niya si Hadiong na natutulog sa dalampasigan agad niya itong nilapitan at nabighani sa angking nitong kakisigan. Nagdadalawang isip si Oriol kung ito ba ay ipapakain sa kanilang alagang mga hayop o pababayaan na lamang. Nahabag si Oriol sa kalagayan ni Hadiong at sa sakuna na kinahaharap ng tribo nito.
"Maaari kang magpahinga dito ngunit binabalaan kita na maraming mababangis na hayop ang gumagala at naninirahan dito."
"Salamat binibini ---
" Oriol yan ang pangalan ko"
"Ako pala si Hadiong"
Iniwan ni Oriol si Hadiong sa dalampasigan.Sa kanyang pagbalik ay nasalubong niya ang kanyang kapatid na si Pinesa.
"San ka galing at bakit pawang ang saya saya mo" nanguusisa na usal ni Pinesa
" Galing akong dalampasigan at naglakad lakad gusto ko lamang maramdaman ang aking mga paa bago ako bumalik sa pagiging ahas"
Kinabukasan, masiglang bumalik si Oriol sa dalampasigan upang masilayang muli si Hadiong. Nadatnan niya ito na naghahanda na sa muling paglalayag.
"Sandali, saan ka pupunta Hadiong?"
" Oriol ako ay babalik na sa aming nayon at ipababatid ang masamang balita sa aming pinuno.Ako ay bigo sa paghahanap ng bagong malilipatan"
"Patawad kung wala akong magawa ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang mga dayuhan dito sa aming tirahan, kung may magagawa lamang ako.Sige mag-iingat ka sa iyong paglalakbay"
"Salamat Oriol, bago ako umalis maaari ba akong dumalaw dito paminsan minsan?"
"Oo naman Hadiong!"
"Hadiong kailangan mo ng umalis hindi ka dapat makita ni Pinesa, Paalam hanggang sa muli nating pagkikita"
Sa pagbabalik ni Hadiong sa kanilang tribo agad niyang ikinuwento ang mga nangyari sa kanyang paglalakbay at ang tirahan nila Oriol.
" Ano ang tawag sa lugar na iyong pinahingahan?"
"Pinuno hindi ko din alam ngunit sa aking palagay ito ay mahiwagang lugar."
"Hindi kaya iyon ang sinasabi ng ating mga ninuno na kaharian ng mga engkantado na tinatawag nilang Ibalon"
"Ibalon -- ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyon pinunong Bantong."
"Hindi ko kinukwento ang lugar na iyon dahil akala ko ito ay kathang isip lamang ngunit base sa sinabi mo mukhang totoo ang lugar na iyon.Hadiong bumalik ka Ibalon at paibigin si Oriol upang mapasa atin na ang lugar na iyon.
"Huwag ka ng tumutol bilang pinuno dapat mo akong sundin."
Muling naglakbay si Hadiong pabalik ng Ibalon. Dala ang bagong misyon at iyon ay paibigin si Oriol. Sumang ayon rin si Hadiong dahil siya ay may lihim na pagtingin kay Oriol.
"Hadiong ikaw ay nagbalik!!" masiglang turan ni Oriol
"Oriol nagbalik ako dahil di ka maalis sa isip at puso ko"
"Anong ibig mong sabihin"
"Mahal kita Oriol"
"Mahal mo ako? hindi mo pa nga ko kilalang lubusan?"
" Hindi mahalaga iyon basta mahal kita"
Agad na ipinagtapat ni Oriol ang lahat lahat kay Hadiong dahil mahal niya rin ang binata. Magkahawak kamay nilang hinarap ang mga magulang at kapatid ni Oriol.Sumailalim sa maraming pagsubok si Hadiong upang sang ayunan ng mga kapatid at magulang ni Oriol ang kanilang relasyon. Lahat ng iyon ay napagtagumpayan ni Hadiong. Naging masaya si Hadiong at Oriol sa kanilang relasyon.Ngunit nakonsensya si Hadiong kaya nagpaalam siya kay Oriol na babalik muna sa kanilang tribo at magpapaalam sa kanilang pinuno.
Pagdating sa tribo agad na ipinaalam ni Hadiong na hindi siya papayag na lusubin at angkinin ng kanilang pinuno ang Ibalon dahil iyon ay importante kay Oriol. Mabait ang pamilya ni Oriol di tulad ng sinasabi ng kanilang pinuno. Hindi natuwa si Bantong kung kaya siya ay humingi ng tulong sa kanilang babaylan upang mahipnotismo si Hadiong at patayin ang mga nakatira sa Ibalon.
Sa pagbabalik ni Hadiong sa Ibalon siya ay nasa ilalim ng mahika na gawa ng babaylan. Inisa isa niyang patayin ang mga magulang at kapatid ni Oriol kung kaya nagalit si Oriol at di sinasadyang napatay niya si Hadiong.Bago malagutan ng huling hininga si Hadiong ay nawala ang mahika at humingi ng tawad kay Oriol. Labis na nangulila si Oriol sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Dahil sa labis na poot siya ay naghiganti at nilusob ang tribo ng Bayamon at pinatay lahat ng kasapi nito. Simula noon kinatakutan si Oriol at tinawag na halimaw. Iniiwasan na rin ang Ibalon dahil kay Oriol at sa masamang aura na nakapaligid dito.
YOU ARE READING
ORIOL
Historical FictionOriol is an enchantress deity . She' s a huge phyton that has a strength of three snakes and usually disguises as a beautiful lady with a beautiful voice.