...Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa ang klase. Dalawang buwan naman simula ng naging "cold" na si Seth. Hindi na rin inaasar ni Sam at Nicco si Talya. May nagdeklara ba ng ceasefire. Nakakapagtaka naman pero mabuti na siguro ito kaysa naman magulo.
Seth's POV
Pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili ko na tama ang ginawa ko. Hindi mabuting may mamagitan sa amin ni Celest. Hindi siya pwede maging panakip butas lamang. Mahal ko pa rin si Joan. Celest doesn't deserve to become a rebound girl. Maybe in time if she will give me a second chance when I am ready I court her. Hanggang nakaw-tingin na lang muna ako at pabantay-bantay sa paligid niya.Sam's POV
Shet! Ang tahimik! Di ako sanay. Bakit ba naman kasi ako pumayag sa dare ni Seth. Basta di ako papatalo kay Nicco.Nicco's POV
Nangangati na ang dila kong alaskahin ang kapatid ko. Kungdi lang sa letseng dare ni Seth kanina pa ako nakapang-asar. Di ako papatalo kay Sam.(A/N: Ah, kaya pala tahimik. Good job Seth! Para ba kay Celest yan? In-love ka na noh?)
Seth's POV
Tama ako nga ang dahilan kung bakit may katahimikan. Nagsasawa na kasi ako sa ingay nila eh. Nakipagpustahan lang naman ako. Sinabi ko kasi na hindi sila makakatagal sa pagiging tahimik eh ayun nachallenge sila. But I didn't do it for Celest, I did it for everyone's sanity. Mababaliw na sa ingay nila ang buong klase...."Talya, may problema ba yang kakambal mo?" tanong ko. "Ewan ko. Sa school lang naman siya mabait eh. Pagdating sa bahay naka-battle mode na yan." sabi ni Talya. "Bakit namimiss mo ang ingay nila?" tanong ni Paul. "Nope. It is just weird. Parang hindi normal." sagot ko.
Anyway, hindi na ako masyadong nag-dwell sa kakaibang kinikilos nila. Hindi ako susunduin ni Mang Caloy. I brought my car today. Gusto ko kasing masanay magmaneho kahit ba may driver. Papunta na ako sa parking ng makarinig ako ng nagtatalo. "You are such a jerk! Pagkatapos ko ibigay ang lahat sa iyo, iiwan mo na lang ako?!" sigaw ng babae habang pinapalo sa dibdib si---- Sam.... Sino pa nga ba? Sanay na halos ang mga tao sa ganitong eksena sa parking lot o sa mga bakanteng classroom. Sanay na kami na may babaeng napapaiyak ang M6/MS. "Grace, you should have known that I'm not into relationship and commitment." kalmadong sabi ni Sam. Napakafeeling talaga ng lalaking ito. "But you said you love me!" sabi niya habang hinahampas pa rin si Sam. "Ikaw mahal niya?" singit ng isa pang babae. Hay naku! Gyera na ito. Nagmadali na akong umalis. Mamaya sabihin na naman niya nakikiealam ako sa mga affairs niya at matawag na naman kaming NOSY.
"Girls, tapos na tayo. I have a different flavor you see. Nakakasawa na eh. Daniela napakaluwang, Grace you are all fake. So sorry to break ito to you." sabi nito habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. "Hi Ana!" sigaw niya sabay hawak at kumapit sa braso ko. May binulong pa, "Just play along please." Nagtaka ako sa kanya kinuha niya ang susi ng kotse ko na hawak hawak ko. Pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat at siya naman ang naupo sa driver seat. "Ano bang problema mo Sam?" tanong ko. "Pwede ba kakagaling ko lang sa mga nakakarinding babae. Wag mong sabihin nagger ka rin?" inis na tanong niya. "May karapatan akong malaman kasi nasa kotse kita. Basta basta mo akong kinaladkad tapos sasabihin mo nagger ako. Okay di na ako magtatanong." pagtataray ko. Tahimik kami sa biyahe. Ayoko ng magtanong pa dahil ayoko rin makausap ang isang tulad niyang walang kuwenta. Dinala niya ako sa isang restaurant. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman naman pala. Pagkababa ko dumercho na ako papunta sa driver seat ng hinatak niya ako. "Join me for dinner." malambing na sabi ni Sam. "No thanks. Ikaw na lang. Kanina pa ako hinihintay sa amin." sagot ko. "I insist. Think of it as a way of saving my neck out there." pilit niya. "I didn't save you. Ikaw lang mismo gumawa ng paraan para makatakas sa mga babaeng pinaiiyak mo. Besides you don't need saving kung magpapakatino ka." pambabara ko. Kahit nabara ako agad naman itong bumalik sa akin. "Tulad nino? ni Seth?" asar niya. Below the belt na ah. Ayoko siyang patulan. What was between me and Seth was private and it was never open for public consumption. "Ang sama talaga ng ugali mo. Nakakapagtaka kung paano ka nakakabilog ng mga babae eh. Anyway, I don't care. Bahala ka na diyan." sumakay na ako ng kotse. Ayoko ng mastress!
Sam's POV
Kabadtrip naman itong si Ana. Siya na nga ililibre ng dinner at nagpasalamat na nga ako siya pa itong galit. Ang weird talaga ng S6/SS na yan. Magaganda nga pero masyadong mga pakipot.Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...