Hanz Yuri's POV
"Kyahh!" minulat ko ang mga mata ko then I saw my brother laughing at me.
Sino pa nga ba ang gagawa nun? Edi ang pinaka sweet kong kuya sa balat ng space.Buhusan ba naman ako ng tubig.
"Yan ang napapala mo.Bababangon kana o gusto mong buhusan kita ng mainit na tubig naman?" Ang unfair talaga ni Kuya,eh.
Wala namang pagpipiliang maganda dun,eh.No choice ako.
"Babangon na po!" padabog akong bumangon at dumiretso ng Cr.
"Tulog mantika ka talaga.Good Morning nga pala panget!" dinig kong sabi ni Kuya.
Anong good sa morning kung binuhusan niya ako ng tubig.
Humanda ka sa'ken sweet kong Kuya.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko.
Bumaba ng hagdan at dumiretso sa aming kusina.Kuminang naman ang aking mga mata sa'king nakita.
"Dalian mong kumain.Kundi iiwanan kita." Bungad sa'kin ni Kuya pagkaupo ko.
Parang kaya naman niya,eh.Edi iwanan niya ako.Keri ko namang maglakad kahit papaano.
Kukuha na sana ako ng paborito kong hotdog nang magsalita si Kuya.
"Panget kana nga.Mataba ka pa.Oh diba?San ka pa." Nakakainis ka talaga Kuya.Alam na alam niya kung pano ako asarin.
Hindi naman totoo na pangit ako dahil maganda ako at alam kong Dyosa rin ako.Pero yung sinabi niyang mataba ako,isa yung kasinungalingan.
"Nakakainis ka Kuya!" sigaw ko sa kanya.
"Yaya mataba na po ba ako?" Tanong ko kay Yaya ng lagyan nya ng juice yung baso ko.Natawa pa si Yaya ng kaunti.
"Hindi naman po Ms.Hanz." yan si Yaya,eh.Hindi nagsisinungaling yan.Loyal yan sa'ken,eh.
"Sinungaling ka talaga Kuya.Ang sexy ko kaya." at sinubo ko na ang Paborito kong hotdog.May cheese pa yan.Ang sarap talaga.
"Hay nako Ya! Ini-spoiled niyo po kasi yang panget na yan kaya hanggang ngayon kung mag-isip ay isip bata pa rin."
Ouch!Sakit mo namang magsalita Kuya.Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya.May balak ata talaga siyang iwan ako.
"Yaya huwag mo na pansinin yun.
Mukhang may problema ata sa'ken si Kuya." Sabi ko kay Yaya at uminom na ako ng Juice at sumunod na sa labas.
Pumasok ako sa kotse ni Kuya.
I really need my own car.Si Kuya lang naman ang may ayaw,eh.Okay lang naman daw kay Dad.Ewan ko lang talaga kay Kuya.Big girl na naman ako,eh.At hindi na ako isip-bata.Kaya nga nasaktan ako sa sinabi ni Kuya kay Yaya kanina.
"Kumusta ang first day mo dun kahapon Panget?" Tanong ni Kuya.
"It's fine naman po Kuya and I have a new friend." I answered him smiling.
"Yuck! Huwag ka ngang ngumiti diyan.Ang panget mo na nga mas pumanget ka pa!"
Wow Kuya,huh?Yung totoo? Napaka Bipolar mo nga talaga.
Ang bilis mag chaged ng mood,eh.
"Nahiya naman ako Kuya.Kaya pala ako nagmana sayo? Magkapatid tayo,diba?" Tsaka ko siya binelatan ng bonggang bongga.Akala niya siya lang marunong mambara? Like Duh with capital letter D.
"Don't trust too much,okay?" biglang sumeryoso si Kuya.
Ilang beses na ba niyang sinabi yan sa'ken?
BINABASA MO ANG
He's my Unordinary Man
FantasyIto ay isang istoryang hindi pangkaraniwan.Ito ay puro kathang isip lamang.But the love story here is based on what is happening in the reality. Mahirap at masakit itago ang nararamdaman sa isang tao,pero mas mahirap at mas masakit kapag inamin mo '...