Justin's POV
Matapos makapagbihis ay kaagad na akong tumungo sa kwarto upang kamustahin ang lagay ni Athena. Siguro gising na ang babaeng iyon and I gave a word to one of our maids na sabihin sa kaniyang hintayin ako dahil ako na ang bahalang maghatid sa kaniya patungo sa boarding house. Hindi ko alam pero mukhang kagabi pa sobrang weird ng nararamdaman ko. Hindi nga ako nakatulog ng mabuti sa kakaisip sa babaeng iyon. Hmm, do I really falling in love with her - deeply more?
I just shooked my head and continue walking upstairs.
Subalit bago pa man ako makaakyat ng hagdan ay sumalubong na sa akin si Yaya Kris na may dalang damit. T-teka, kung hindi ako nagkakamali, it's for her.
"Bohr... pasensya na pero hindi ko talaga siya napigilan eh. Nagmamadali daw kasi siya kaya hindi ka na niya mahihintay pa.."
"W-what??"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at kaagad ko na lamang nilipad ang daan patungo sa kotse upang hanapin at sundan siya.
Kahit kailan talaga ay napakakulit ng babaeng iyon. Sabagay, siguro gumaganti lang siya dahil ganito pala ako kakulit noon.
But that is not the case anymore. Lalo na't nasa panganib ang buhay niya at hindi ko na mapapatawad ang aking sarili oras na may mangyaring masama sa kaniya - sa ikalawang pagkakataon.Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo , at kung nag-commute man siya'y, masusundan ko pa rin siya. At hindi nga ako nabigo dahil kitang-kita ko siya habang nakasakay sa isang trycicle.
I've decided na sundan siya hanggang sa tinutuluyang bhouse and even hanggang sa makapasok siya ng campus. In order to ensure her safety. Hindi ko kasi makakayanang muli siyang makitang nasasaktan. Lalo na nang mga oras na nakatali siya sa upuang iyon, na walang kalaban-laban. Subalit, sa tuwing naiisip ko iyon ay napapangiti ako. Naaalala ko kasi ang ginawa niyang pagyakap sa akin.
It's kinda sweet and overwhelming. Pakiramdam ko'y nawala ang sakit ng katawan ko sa pakikipagbuno sa mga tauhan ni Zashumi.Yet, there's no regret. All I want to ensure was her safety for I promised myself to take care of her. Kahit pa hindi niya ako papayagang gawin iyon.
I'm okay dealing with this one-sided love. But slightly hoping na someday, she could return my love for her-
and love me back.
- Hindi na lang din ako nagpakita sa kaniya dahil alam kong hindi niya lang magugustuhan na makita ako.
And when we arrived in campus, saka lamang ako tumigil na sundan siya.
Siguro naman, ligtas na siya sa lugar na ito."Bro.. how was it? I mean yung nangyari kay Athena? K-kamusta siya?"
Muli akong nabalik sa reyalidad nang may biglang umakbay sa akin. Kasalukuyan kasi akong naglalakad along the hallway.
At sa tuwing mapapadaan ako dito'y nag-iiba ang pakiramdam ko, siguro dahil sa dito ko narinig ang maitim na plano ni Zashumi laban kay Athena.Napatitig ako sa kaniya at muling ibinaling ang tingin sa paligid. Mahirap na, baka may makarinig ng aming pag-uusap.
Hindi kasi ito basta-basta."Okay naman. Naiuwi ko siyang ligtas sa lugar na iyon."
Tugon ko sa kaniya.
Maaaring sensitive nga ang usapang iyon subalit, there's no way para itago iyon sa publiko.
Kailangang malaman iyon ng lahat lalo na ang mismong principal at parents ni Zashumi.
Hindi kasi ang biro ang lahat ng iyon. At kailangan niya talagang magbayad."It's weird kasi wala man lang nagtangkang isiwalat iyon. Even yung kampon ni Zashumi. Hindi ba't araw-araw namang malakas ang headline dito sa campus? Pero bakit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?