Kabanata 24: Tears in his Eyes

2 0 0
                                    

Athena's POV

Muli kong kinusot ang aking mga mata subalit kahit na gawin ko pa iyon ng ilang beses ay hindi ako maaaring magkamali sa nakikita ko.

Naku. Ano bang magandang gawin.

"What's wrong?"

Narinig kong tanong ni kuya na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Napakamot naman ako ng ulo at agad na nag-isip ng maaaring maging palusot upang hindi niya ako makita.

"K-kuya.. kasi feeling ko sumama ang tiyan ko--"

Napansin kong ikinagulat ni kuya ang sinabi ko.

"Okay . You can use the CR--"

"Athena--"

Subalit bago pa man ako makatayo sa aking kinatatayuan ay bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.
Waaa. Ito na nga. Sinasabi na nga bang dapat ay kanina pa ako tumakbo.
Yan tuloy, nakita niya ako. At huli na ang lahat.

Napapikit ako at dahan-dahang humarap kay Bohr.

Suot niya ang isang seryosong mukha na hindi ko ba alam kung napano.
Pero hindi iyon ang mahalagang isipin ngayon, kundi ang sagot sa tanong na "paano niya nalaman na narito ako"?

Bigla tuloy akong na-confuse kong anong gamit niyang technological advances chu chu para ma-trace ang kinaroroonan ko.
Hays. Pero wala na nga akong magagawa pa.
Dahil nagtagumpay na naman siya. At korner niya na ako ngayon.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Kailangan nating mag-usap-"

Walang ngiti-ngiti niyang sambit sabay hawak at hila sa braso ko. Agad naman akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya.

Don't tell me kakaladkadin niya na naman ako at dadalhin sa kung saan?
Wow lang ah. Bakit parang sa dating niya ngayon ay ako pa itong may atraso sa kaniya.
Eh siya nga itong napakaraming atraso at isa na roon ang tungkol kay Aphrodite na hindi ko alam kung paano ko maaayos.

"Ano ba bitawan mo ako. Please umalis ka na, may kasama ako ngayon at urgent ang pinag-uusapan namin kaya--"

Sahalip na pakinggan ako'y mas humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa kamay ko at halos magulat nang bigla siyang humarap sa kapatid ko na kasalukuyang gulat nang makita siya.

"Can you please excuse us for a while? We have something to talk to."

"S-sure."

Ang tanging naisagot ni kuya saka na niya ako hinila palabas ng resto.

Gosh. B-bakit parang mas kinampihan pa yata ni kuya ang lalaking ito kaysa sa akin?!

Isa sa mga katanungang gumugulo sa isip ko.

Saka niya lamang ako binitawan nang tuluyan na kaming makalabas sa resto.

Siguro, ito na nga ang oras para sumbatan siya ng kung ano-ano. Nakakainis kasi siya eh at never talaga siyang umepal sa buhay ko.

Moment nga namin ni Aphrodite noon sa coffeeshop sinira niya tas ngayon, moment naman namin ni kuya? Aba'y hindi naman yata tama iyon. Hindi niya pa ba alam na napakalaki na ng galit ko sa kaniya. Sa tingin nya siguro'y kinalimutan ko na ang lahat ng iyon mula nang iligtas niya ako at tinulungang makalabas sa abandonadong bodega. Pwes hindi dahil nagkakamali siya.

I will never forget those foolness maging ang kasinungalingan niya.

"Anong kailangan nating pag-usapan tsaka anong ginagawa mo dito? Pwede ba umalis ka na mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko eh!"

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon