Kabanata 27: Awkward Feelings

1 0 0
                                    

Athena's POV

"New uniform? Shoes and everything??"

Gulat na gulat na tugon ni Shane. One of my classmates na madalas ko ring nakakausap sa classroom. Oo nga pala, she's talking about all of my things I have right now. Akala ko kasi, hindi nila mapapansin ang mga bago sa akin but the moment I stood and walked inside the classroom , parang ewan silang lahat na nakatitig sa akin.

Kaya , no wonder na ganito talaga ang magiging reaksyon ni Shane.

"Ah. Actually regalo lang ito sa akin. Let's say a family member."

Nakakahiya kasing sabihin na galing ito sa mismong kapatid ko. Kaya naisip ko na lamang na "family member". Tsaka diba nga may right time naman upang malaman nila ang buong katotohanan.

"Wow naman. Pati yung shoes mo, one of the prestigious brand sa mga Malls!"

Napangiti naman ako habang tinitignan ang sobrang shiny kong shoes na walang puknat pa rin niyang tinititigan.
Gusto ko sanang matawa sa kaniyang reaksyon at kainosentehan subalit naisip ko na ganito rin pala ako at kung ako pala ang nasa posisyon niya, iyon din  ang sasabihin ko.

"Akalain mo yun, Athena. Napakaswerte mo dahil bukod sa best friend mo na si Bohr na isa sa mga popular and most handsome guy dito sa campus.. may big time ka rin na kapamilya. Wow. Mag-share ka naman oh."

Marahil ngang tama siya na sinuwerte ako.

Pero para sa akin. Hindi suwerte Ang tawag dito.. This is called fate at destiny. Pero ayoko na ring makipag-argue sa kaniya sa mga oras na ito. Masyado na rin kasing magulo ang lahat para sa akin. Lalo na't hindi lamang si Bohr ang iniisip ko sa mga oras na ito.. kundi maging si Aphrodite at si Zashumi.

Hindi mo kasi talaga sila napapansin lately.

"Don't worry, Shane. Darating din sayo ang swerte. Magtiwala ka lang.."

"Talaga ba? Sana mag-dilang anghel ka!"

Tinapik ko na lamang ang kaniyang balikat habang tinititigan siyang wala yatang balak na tumitig sa sapatos ko.

Since, wala naman yatang balak na pumasok ang aming last subject ngayong hapon, nag-decide na muna akong tumungo sa labas upang makapag-isip isip.

At kagaya nga ng sinabi ko kanina. I'm still thinking about everything to the point na feeling ko, mababaliw na ako.

Si Zashumi. Yes. I'm still thinking about her and it bothers me. Naisin ko man siyang makausap upang tuluyan na naming maayos ang gusot at makapagbati subalit paano ko gagawin iyon kung bukod sa hindi ko siya makita sa mga pagkakataong ito ay there's a part of me na nagsasabing kailangan niyang magbayad at hindi nga ang tama ang ginagawa niya?

Actually, gusto ko talaga siyang pagbayarin. And I really want to do it and go to principal office right away. Yet, there's still doubt. Paano ko kaya mahihikayat ang buong campus na maniwala sa akin regarding sa nangyari if wala man lang akong concrete evidence to prove it?

Subalit, sa tuwing maaalala ko si Bohr ay mas tumitibay ang aking pag-asa. Siya lang kasi ang tanging may alam sa nangyari at siyang makakatulong sa aking patunayan ang batikos laban kay Zashumi.
Pero paano ko naman gagawin iyon kung galit siya sa akin? Sigurado akong hindi na niya ako gugustuhin pang makita pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sa kaniya.
To be honest, hindi lamang sana iyon ang nais kong linawin sa kaniya, nais ko rin sanang sabihin sa kaniya na ipagpatuloy na lamang ang aming deal, dahil wala namang masama kung totohanin na lamang namin iyon diba? Tutal, we are that close naman at yung malasakit niya sa akin, pati yung care, it's like building friendship.

Pero , mukhang malabo na yatang mangyari iyon. At mukhang hindi siya papayag.

Ang dila ko kasi eh. Kung maaari lamang sanang putulin ang bastos kong dila ay ginawa ko na.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon