Kabanata 28: My brother's approval

1 0 0
                                    

Athena's POV

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng koste. Kung paano ko pinigilan ang sarili kong magsalita, ay mukhang gayon din siya. Ang awkward lang kasi talaga at hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko ang mga katagang iyon sa kaniya.

But it's kinda ironic right?
Paanong ang isang spoiled bratt at rick kid na kagaya niya ay magkakagusto sa isang babaeng malaki ang eyebag at hindi naman ganoon kagandahan?
Is he crazy? Tapos may gana pa siyang tanggihan ang mala-dyosang si Aphrodite.

Naisip ko tuloy na .. baka nga hindi siya nagsisinungaling nang minsang sabihin niya sa aking, type niya ang malalaki ang eyebag.

Hays. Ewan. Mababaliw na yata ako.

"Wala ka bang balak na magsalita?"

Napalunok ako nang finally, nagsalita na siya.
Hindi ko kasi alam kung hanggang saan aabot ang katahimikang bumabalot sa amin. Ngunit ngayong nagsalita na siya at tuluyan na niyang pinutol ang katahimikang iyon, mukhang oras na rin upang magsalita. Napanis na kasi ang laway ko tsaka hindi ako sanay ng ganito.

Hindi ako sanay ng hindi dumadaldal.

"P-pasensya na. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari."

Pinili kong hindi tumingin sa kaniya. Ayoko kasing makita niya ang pamumula ng mukha ko.

"Hahaha akala mo ba ikaw rin? Kahit ako'y di rin talaga makapaniwala. Seriously? We have the same feelings?"

This time, hindi ko alam kung bakit automatic na lamang na bumaling ang mukha ko sa kaniya at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin.
We are here inside the car at kasalukuyan itong umaandar- pero , pakiramdam ko'y tumigil ang lahat.

Tumigil ang mundo.

"I -- I don't know. K-kung trip lang lahat ng ito please hindi magandang biro ito tsaka ikaw? Ang popular at spoiled na kagaya mo magkakagusto lang sa akin? Ang gulo. Hindi naman kasi ako kagaya ng ibang girls jan. Tsaka , this isn't romantic. Hindi kaya nag-jojoke ka lang? Ano naman ang nagustuhan mo sa akin aber? Eh mas deserve pa nga ni Aphrodite na magustuhan mo kaysa sa akin--"

"Pssh!"

Muli naman akong napatigil nang bigla na lamang niyang inilagay ang kaniyang daliri sa bibig ko na siyang nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

"Let me explain okay and all you want to do right now is to listen. Actually, tinanong ko nga rin ang sarili ko. At first, hindi ko naman alam na aabot sa ganito . Oo, crush kita noon pa--- hindi mo ba halata? The way you makes me happy , it is amazing and mean so much to me. May mga araw pa ngang hindi mapatid-patid ang ngiti ko sa tuwing maaalala kita. It's kinda weird pero hinayaan ko na lang iyon kasi simpleng paghanga lang naman sa good vibes na dala mo sa buhay ko. Ikaw kasi yung taong madaling maka-close pero sobrang sensitive naman. You'll never believe pero yung mga pang-aasar at pambubully ko sayo lalo na sa eyebag mo? It's my own way of showing my care. Call me weird pero ganito lang talaga ako. Kaso, narealize ko na hindi pala iyon effective kasi sahalip na kiligin ka o kaya'y mapasaya ka sa mga hirit ko, mas lalo ka lang naiinis sa akin. S-so I really feel sorry about it. I feel sorry for everything. Pero at least ngayon alam mo na ang buong reason. Sana , mawala na ang galit mo sa akin."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya sa mga oras na ito.

Para akong isang bida sa teleserye - na kasalukuyang nakikipagpalitan ng linya.

Subalit sa pagkakataong ito'y, mukhang nakalimutan ko ang linya na aking sasabihin.

Akalain mo iyon, may ibig sabihin pala ang lahat ng pambubully niya sa akin?
Gosh. This drives me crazy.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon