Kabanata 30: Forgiveness

1 0 0
                                    

Athena's POV

Naggising ako sa mga kaluskos na aking naririnig. Akala ko, panaginip ko lamang iyon kaya hindi ko na lamang pinansin subalit habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang kaluskos kaya naman kaagad na lamang akong bumangon sa kalagitnaan ng aking pagtulog.

Agad akong kinabahan. Unang beses kong makarinig ng ganoong kaluskos. Sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko na lamang ang aking loob at kaagad nang lumabas sa kwarto dahil ang tanging pumapasok sa isip ko ay si kuya.

T-teka.. since tulog na rin si kuya, sino naman kaya ang posibleng may gawa ng kaluskos na iyon?

P-posible na ibang tao iyon at worst, baka magnanakaw!

Sa isiping magnanakaw nga iyon ay dali-dali kong kinuha ang tambo sa aking kwarto at buong tapang na hinarap ang kung sinumang nilalang na nakapasok sa aming condo-

Subalit nang maiangat ko ang aking mukha ay hindi magnanakaw ang tumambad sa akin--





Kundi si kuya at si ...





wait, Bohr?





Sa mga oras na ito'y akala ko'y imagination ko lamang ang lahat ng ito o kaya nama'y panaginip ko lamang .





Dahil halos mapatumba ako sa aking kinatatayuan nang makita ang dalawang,





magkayakap at sobrang sweet sa isa't isa.





Tatalikod na sana ako dahil sinusubukan kong pigilan ang aking sarili na saktan sila- dahil bakit?

Bakit kailangang gawin nila ito sa harap ko? At bakit ginagawa nila iyon?

Anong mayroon sa kanila?? Niloloko ba nila ako? Nakakapanghina ng tuhod!




Ngunit bago pa man ako makalayo sa kanila'y halos magpanting ang aking tenga sa sumunod kong narinig.





"Nanjan ka na pala, Athena. Naistorbo ka ba namin? Sorry ha. Matulog ka nalang ulit  at wag mo na kaming isipin pa. Labyu Bohr!"




Takte.

Totoo nga!!





"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH HINDEEEEEEEEEEEE!!!!!!"





*Booooooooooogssssshhhh*





Nasapo ko ang aking ulo nang namalayan kong kasalukuyan na pala akong nakahalik sa sahig kaya naman sa sobrang gulat ay agad akong tumayo at muling nilingon ang paligid.

At halos mapatumba nang tumambad sa akin si Kuya na kasalukuyang may dalang maliit na tray. Bagamat may pagkagulat nang makita ako'y mukhang kanina pa nag-eenjoy sa katatawa.

Waaaaa. Bakit ba siya tumatawa? Eh diba nga dapat ako ang matawa dahil sa letseng panaginip ko na akala ko ay totoo.

"Hahahaha. Mabuti naman at naggising ka na. Alam mo bang naalarma ako sa sigaw mo? Nasa kusina kasi ako at hinihintay kang maggising. Kaso nang marinig ko ang sigaw mo, dali-dali akong pumunta dito but worst, bago pa man ako makapasok ay nakita na kitang nakasubsob jan sa sahig."

"Ehhh???"

Agad ko namang tinanggal ang alikabok na kasalukuyan pa rin palang nasa mukha ko kaya naman instead na kausapin pa siya'y nagdali-dali na akong tumakbo patungo sa CR upang maghilamos.

Nakakahiya!! Akala ko kasi, since kuya ko siya at kapatid, hindi na ako maiilang o kaya nama'y mahihiya pa sa kaniya.

Pero bakit nakaramdam yata ako ng pagkahiya nang makita ko siyang tumatawa dahil sa nangyari?

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon