Kabanata 31: The Date

2 0 0
                                    

Athena's POV

"I can't believe this, s-so magkakilala pala kayo--?"

Gulat na tanong ko kay Aphrodite habang naglalakad papalabas ng condominium unit. Oo nga pala, nalaman ko na rin ang reason kung bakit hindi siya naka-uniform ngayong araw. Wala raw kasing pasok at ni hindi man lang ako na-inform. Sobrang bait ko kasing estudyante at naggawa ko pang mag-escape ng klase dahil sa boredness. Pero syempre, hindi iyon ang dahilan. Ayoko kasi ng pinag-uusapan ako dahil sa issue kaya siguro naging mabuti rin ang desisyon kong hindi na mag-attend ng last subject class kahapon.
One more thing, kung pumasok pa pala ako'y hindi ko malalaman na may gusto rin pala sa akin ang mokong na iyon.

"Yep. Actually long story. But don't worry, I'll give you a hint. Kaibigan kasi niya noon ang pinsan ko.."

Pagkukwento niya habang kasalukuyan nang binubuksan ang kotse.

Muli ko namang nilingon si Kuya na kasalukuyan pang kausap ang security guard ng condominium unit kaya naman itinuring ko itong isang magandang pagkakataon para kausapin si Aphrodite. Tungkol sa kaniya, at malaman kung ano ang ugnayan nilang dalawa. Nakakapagtaka lang kasi dahil the way na tignan nila ang isa't isa, parang may something.

Hindi kaya.. m-may something talaga sa kanila?

Naku. Mukhang nakakatuwa yata iyon! Tsaka di hamak na bagay naman sila ng kapatid ko. Gwapo naman kasi si Kuya kahit medyo may pagka-baliw lang. Sabagay, ganoon din naman si Bohr.

"T-tapos?"

"Kaya ko siya nakilala. Actually, At first I find him cute.."

Halos manlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya na kasalukuyang nakangiti sa akin. Parang kinikilig pa nga siya eh.

Omo. Pwede na ba akong manghuhula? O mind-reader? Mukhang totoo na nga ang iniisip ko.

"A-ano?? G-gusto mo si Kuya??"

Natutuwa kong sambit sa kaniya.
Ang galing kasi e. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon siya ng girlfriend na kagaya ni Aphrodite-- pero ngayon, mukhang magkakatotoo na nga lahat.

At ngayon, ay mas naging malinaw na rin sa akin na ilusyon at kabaliktaran lang talaga ang panaginip ko. Hindi bakla si kuya. At never siyang magiging bakla.

Ang mga ngiting iyon ay napalitan ng pagtawa nang marinig ang sinabi ko.

M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?











"HAHAHAHAHA you're funny talaga Athena. That's why I like you e."

Halos malaglag ang panga ko habang tinitignan siyang walang tigil na tumatawa.

Mukhang nagkamali yata ako ng iniisip.

Muli ko siyang tinitigan - ayoko kasing ipahalata na napahiya ako sa isiping iyon kaya naman pinili ko na lamang i-admit na joke lang ang tanong na iyon.

"Hahaha joke lang. Pero , ano nga ba talaga ang meron sa inyo ng kapatid ko?"

Let's make it straight to the point. Jsq. Nakakahiya at muntik na talaga akong mahulog sa bitag.

"HAHAHA. Okay. Actually diba nga sinabi ko na kaibigan niya ang pinsan ko. His name was Rupert. Di ko alam kung aware ka since ngayon lang kayo nagkakilala personally, but he once had a relationship with my cousin, Rupert which is also a guy. So he's a gay, Athena. I bet you knew it or else you'll die."




HUWAAAAAAAATTT?!


Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang marinig ang sinabi niya.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon