Athena's POV
"Let's go. We really have to go, Athena."
Natataranta niyang sambit habang hila ang kamay papalayo sa lugar na iyon.
Nagtataka man subalit hinayaan ko na lamang siyang hilahin ako hanggang sa makarating kami sa kotse.Nang makasakay na kami'y nakita ko pa rin siyang hindi mapakali sa kalilingon sa kung saan kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataong tanungin siya.
Iba kasi ang kutob ko. Hindi naman siya ganito kanina nang kausap ko siya tsaka mukhang natuwa pa nga siya nang kumanta ako kahit na sobrang nakakahiya sa part ko.
Nagdadalawang-isip pa nga sana akong gawin iyon at magkwento na lamang sa kaniya ng kung ano-ano pero biglang pumasok sa isip ko na gawing kanta nalang ang istorya ng eyebag ko , este buhay ko.But speaking of today, maging ako'y hindi na rin mapakali habang tinitignan siyang natataranta.
Ano kayang meron? Di kaya may nakita siyang multo or what?
Di bale na. At tatanungin ko na lang siya. Siguro nama'y sasagutin din niya agad ang tanong ko.
"B-bohr? A-anong nangyari? Bakit agad tayong umalis? Hindi pa naman 8 ah."
Sambit ko saka tumingin sa relo. Quarter to seven pa lang naman at may isang oras pa sana kaming i-enjoy ang oras ng magkasama.
Pero iba ngayon eh. Mukhang may problema siya. At sana naman, iShare niya sa akin kahit hindi ako masyadong mapagkakatiwalaan. Actually parehas lang naman kami.Akala ko hindi niya papansinin ang tanong ko dahil diretso pa rin siyang nakatingin habang nagda-drive..
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko , p-pero hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko , Athena."
Napatigil ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit parang may sariling utak ang aking kamay upang hawakan siya sa kaniyang braso na siyang nagpalingon sa kaniya patungo sa kinaroroonan ko.
Nagsisimula na akong kabahan.
Dahil mukhang alam ko na ang tinutukoy niya...
"H-ha??"
"Si Zashumi. Nakita ko siya sa park kanina at hindi ako maaaring magkamali."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Si Zashumi? Nasa park din kanina?
Naku, mukhang imposible naman yata iyon.P-pero .. maaaring posible rin.
Hindi kaya, may kinalaman ito sa nangyari? Sa nangyaring suspension at worst, baka expellation na rin?
Ayokong isipin iyon, ngunit may chance na balikan niya pa rin ako."A-ano?"
"Athena,let's make things straight to the point. May kutob kasi ako. Na baka mas nanaig ang galit sa puso niya nang dahil sa insidente. I'm sorry, mukhang kasalanan ko yata iyon kasi hindi ko inisip Ang maaaring maging consequences ng ginawa kong pag-announce online ng ginawa niya sayo. That's why I'm here in front of you, eagerly saying that no matter what happened, I'll going to protect you as what I've promised to myself and to your brother. At ayokong baliin iyon, Athena. "
Napayuko ako.
Ayoko namang sisihin siya nang dahil sa nangyari. Dahil in the first place, walang dapat na sisihin kundi si Zashumi. Pero sa puntong ito'y mukhang may panibagong pagsubok na naman nga kaming haharapin.
Si Zashumi. Mukhang wala talaga siyang balak na tigilan ako.
"S-so, are you trying to say n-na may possibility na maaaring gawin niya pa rin ang ginawa niya sa akin, at mas malala pa roon?"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Fiksi RemajaMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?