Justin's POV
"A-ano? Naku.. ano kayang nakain ng kapatid ko at naniwala siya agad?"
Natatarantang sambit ni Clyde mula sa kabilang linya. Maging ako'y hindi na rin alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito. Am I that fool? Am I that fool para hayaan na lamang ang girlfriend Kong umalis at magpauto sa Zashumi na iyon?
Tss. Pity Athena. Dahil hindi dapat ito nangyayari. Promise is a promise. At pinangako kong poprotektahan at mananatili ako sa kaniyang tabi thinking na may posibilidad na may nangyaring masama sa kaniya.
Pero wala. I'm here inside a car, alone while trying my best to find her again and not let her do what she wants. Ito na naman kasi siya eh. Nagsisimula na naman ang kaniyang kakulitan. And I can't just sit here and do nothing.
Kaya naman, naisipan kong tawagan si Clyde. Dalawa lang kasi ang options kung saan maaaring tumungo si Athena--
Either sa condominium unit o Kaya nama'y sa company na pinagtatrabahuan ng kaniyang kapatid, sa EDSA.
"I don't know. But Clyde, wala na tayong oras. Maaaring mapahamak siya dahil sa kakulitan niya. Sorry kung hindi ko siya napigilan. I tried pero masyado siyang makulit at nabigla din ako sa mga pangyayari."
And I just don't know if I still consider myself as her boyfriend.
Ang tanga ko. Dahil ang bagay na ipinangako ko, ay hindi ko man lang nagawa.
And it's worst to think na mukhang mas madali na lang para sa kaniyang magtiwala sa Zashumi na iyon, kaysa sa akin. Kaysa sa amin.
"Okay. I'll wait for you here. Inform nalang Kita kung sakaling papunta siya rito or sa condo. Bye."
Sambit niya saka na ibinababa ang telepono.
Muli ko namang sinuntok ang speaker sa kotse na mukhang kanina pa napupuruhan subalit patuloy pa rin sa pagtugtog.
Muli ko namang sinubukan kontakin si Athena subalit sadyang makulit talaga siya at ni wala man lang balak na sagutin ang tawag ko. Nasapo ko na lamang ang ulo ko at mas binilisan na ang pagmamaneho patungo sa isang company sa EDSA kung saan nagtatrabaho si Clyde.
Ewan ko ba kung anong nangyari kanina at instead na sundan siya'y para akong timang na sinundan na lamang siya ng tingin. Wala tuloy akong lead kung san siya nagpunta. Hirap kasi talaga sa kaniya, madali siyang maniwala.Mabuti na Lang kahit papaano'y nakakasundo ko ang kuya niya. At ang mas magandang part doon ay lubusan siyang nagtitiwala sa kakayahan ko. Na bukod sa pangakong poprotektahan ko ang kaniyang kapatid , alam niya sa sarili niyang hinding hindi ko sasaktan si Athena.
But I was disappointed right now.
Alam kong gayon din si Clyde.
Yet whatever it takes , and no matter what happened, I'll still try my best para protektahan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang panghawakan ang kaniyang sariling desisyon.
She's turning independent at this moment. Ito yata ang negative part ng independence. At dahil sa desisyon niya'y malaki ang posibilidad na mapahamak siya at worst,
Mahulog sa patibong ni Zashumi.
But one more thing,
Hanggang ngayo'y patuloy ko pa ring naririnig ang mga katagang sinabi niya kanina~ na hindi ko lubos-maisip na lalabas sa kaniyang bibig...
OO!! Nagkita kami. At hindi totoo ang lahat ng sinabi mo. Dahil possibility lang iyon. Iba ang fact sa possibility, Bohr. The moment she stood in front of me - alam kong nagsasabi siya ng totoo at nakikita ko sa mga mata niya ang willingness, ang willingness na pagsisihan ang lahat ng ginawa niya sa akin. Kaya pasensya na, kung mas paniniwalaan ko ang taong kausap ko kanina. Dahil hindi ka man maniniwala , pero iba ang naging pakiramdam ko nang kausap ko siya. Siya ang Zashumi na nakilala ko ten years ago. At hindi maaaring magsinungaling ang mga mata. Bohr, sorry. Sorry kung hindi mo na ako mapipigilan pa sa gusto kong mangyari. Gusto ko siyang makausap kaya naging buo na ang desisyon ko.."

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?