Kabanata 38: Disguise to save you

1 0 0
                                    

Justin's POV

Hindi man komportable sa suot, wala naman akong ibang choice. Since Girl's Party ang pupuntahan at hindi ako maaaring tumungo roon with tuxedo, I wear dress, enough para makapasok ako sa loob. I know it's kinda funny pero ganito talaga siguro kapag buhay na ng pinakamamahal mo ang nakataya.
Gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Kahit na magmukha ka pang tanga.

Syempre, hindi naman sapat ang dress lang to be a woman. Nagsuot din ako ng hindi naman kataasang heels at wig. Halos matawa na nga ako sa sarili ko pero basta para kay Athena, titiisin ko ang lahat ng ito.
Mabuti na lang talaga at masquerade ang party ni Zashumi at walang makakakilala sa akin if ever..

Pero malaking problema iyon sa paghahanap kay Athena.

Paano ko naman kaya siya mahahanap sa ganitong klaseng lugar kung saan halos nakasuot ng mask?

Pero hindi. Dahil may tiwala ako sa sarili ko.

May tiwala akong mahahanap ko siya.

Nang makapasok na ako sa venue ay pansamantala na muna akong umupo sa isang bakanteng upuan. I bet , mag-istart ito around 9 or 10. Ganoon talaga di ba. Filipino Time.

Muli akong lumingon-lingon sa paligid upang hanapin si Athena. Sa mga pagkakataong ito ay instinct at kutob na lamang ang pinapairal ko. Ang hirap kasing gamitin ang mata lalo na't hindi ko naman masyadong naaaninag ang mga pagmumukha nang dahil sa tindi ng light effects.

Kaya naman, napagdesisyunan ko nang simulan ang paghahanap kahit gaano pa man kahirap. Subalit nang makatayo ako'y na-realize kong hindi pala ako makakapaglakad ng maayos kung may suot na heels kaya agad ko itong inalis-

"Are you hurt?"

Napatigil ako sa boses na aking narinig.

At nang ibaling ko ang tingin sa nagsalita, nakita ko itong kasalukuyan nang nakaharap sa akin with a smile.

Hindi ko siya kilala. At kahit na hindi pa man siya nakasuot ng mask, she's not even familiar to me.

Hindi ko na siya pinansin pa dahil ayoko nang sayangin pa ang oras subalit napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang aking braso.

"Wait, I'm still talking to you. You don't have any manners don't you?"

Tinitigan ko siya. I really want to say a word para tumigil na siya. Pero kapag ginawa ko iyon, mabubuking niya ako.

Kaya, I don't have to do it.

Instead of saying a word, kaagad ko na lamang inalis ang pagkakahawak niya sa aking braso at nagmadali nang umalis upang hanapin si Athena.

"Nasan ka na.. Athena.. nasaan ka na.. please... magpakita ka sa akin..."

Bulong ko habang nagpapatuloy pa rin sa paglalakad at pag-aaninag sa mga itsura ng mga madadaanan ko. Muntik pa nga akong matapunan ng drinks. Mabuti na lamang at nakailag ako kaagad.

Ilang oras din ang pinamalagi ko sa paghahanap. Pero , mukhang hindi ko yata kayang hanapin siya sa ganitong pagkakataon.

Hays. Ang hirap.

But I have the word. Kaya kahit gaano pa man kahirap ay kakayanin at gagawin ko.

Alang-alang sa kaniya.

Sa gitna ng aking paghahanap ay muling nanunumbalik sa aking ala-ala ang lahat ng kakulitan niya. Mas mabuti na sigurong siya ang isipin ko sa mga oras na ito. Para kahit papaano'y mas ma-motivate ako sa paghahanap.

She's not a typical girl na maaaring pinapangarap ng iba. She's just simple. In fact, siya nga ang tipo ng babaeng madalas na kutyain dahil sa kaniyang eyebag. Pero ewan ko ba dahil para sa akin, hindi naman nakakadistract ang pagkakaroon ng eyebag. Mas naaattract pa nga ako dahil based on my opinion and my own view, makikita kung gaano ka-hardworking ang isang tao through her eyebag. Kagaya ni Athena, she's a part timer and a working student sa isang coffeeshop and it happened na tuwing gabi ang duty niya. It is one of the factors kung bakit sadyang malaki ang kaniyang eyebag. Madalas kasi siyang puyat like 3 hours lang ang tulog.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon