Kabanata 39: Something's wrong

1 0 0
                                    

Athena's POV

Naggising ako sa matinding ingay na nagmumula sa kung saan man kaya naman kaagad ko na lamang binuksan ang aking dalawang mata.

Subalit, halos malaglag ako sa kinahihigaan ko nang makitang wala ako sa kwarto ko.

Dahil , hindi orange na kisame ang nakikita ko. Kundi puti. As in all white.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil akala ko'y panaginip lamang ito subalit nang muli ko itong buksan ay totoo nga.

At hindi lang ito basta panaginip lang.
Nasapo ko ang ulo ko na hindi ko ba alam kung bakit sumakit na lang na ewan.

Nakuu. Nasaan ba ako at anong ginagawa ko sa lugar na ito?

"Waaaa mabuti naman at naggising ka na!"

Napatigil ako sa nagsalita .
Kaya naman nang ibaling ko ang aking mukha ay halos magulantang ako sa mukhang tumambad sa akin.

Si Aphrodite.

Ikaw ba naman ang hindi magulantang na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. To the point na kung umusog pa ako'y mahahalikan ko na siya.

"Aphro?"

Wika ko.

Agad naman akong napatingin sa ibang tao sa loob ng room at napatigil nang makitang hindi lamang si Kuya at Aphrodite ang naririto, kundi maging si Ella, Mica, Tin at Vane?

Omo. Shet akala ko talaga panaginip lang ang lahat ng ito. Dahil hindi!

Napangiti na lamang ako habang tinitignan silang kapwa natutuwa nang makitang naggising na ako.

Teka. Ano ba kasi talagang nangyari at bakit narito ako sa o-ospital?

Sinubukan kong halughugin ang kaliit-liitang himaymay ng aking utak upang maalala kung ano nga ba ang nangyari kahapon - at halos mapatakip ako ng bibig nang maalala kong nasa party nga ako ni Zashumi kagabi.

At tuluyan na kaming nagkabati. Kinantahan niya pa nga ako habang hawak niya ang aking kamay..

at. at. at



I got it. Pinainom niya ako ng isang baso ng hindi ko ba alam kung ano iyon, siguro alak.

at bigla na lamang akong natumba?

pero.. pero may sumalo sa akin.



Nasapak ko na lamang ang sarili ko habang pilit na kino-convince ang sarili na hindi si Bohr ang nakita kong sumalo sa akin ng gabing iyon.

Imposible naman kasi tsaka nasa matino pa ba akong pag-iisip?

P-pero.. kasi parang si Bohr iyon..

Naka-wig lang..

Takte. Ang hirap isipin. Mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko.



"How are you? Masakit ba ang ulo mo? Nagugutom ka ba? It's nice na naggising ka na. Actually kagabi pa sila nandito- I mean ang mga napag-alaman kong boardmates mo dati bago mo makilala si Clyde.. "

Nakangiting wika ni Aphrodite na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nakamot ko na lamang ang ulo ko at muling tumitig sa apat na hindi pa rin makapaniwala.
Naku. At talagang nag-abala pa talaga sila na pumunta dito.

Hays. Sabagay, kasalanan ko naman yata kung bakit nangyari ito sa akin.

Pero, ang tanong ko lang, bakit naman kaya bigla na lamang akong nawalan ng malay at natumba matapos kong inumin ang baso -- at.. nakita ko pa ang mukha ni Bohr na naka-wig?

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon