Kabanata 41: The Trouble is Over

5 0 0
                                    

Athena's POV

"Cookies? Nag-bake si kuya?"

Tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ang cookies na nakahain sa mesa. Actually kagigising ko lang. Mabuti nga't hindi na masyadong masakit ang ulo unlike kanina. Mukhang nawala yata nang mag-usap kami ni Bohr.
Mabuti nga rin at sa wakas ay nagkabati na kami. Akala ko kasi forever na siyang magagalit sa akin nang dahil sa nangyari.

Nagtataka man ay nag-decide na lamang ako na lantakan iyon. Tutal mukhang masarap naman ang cookies na hindi ko alam kung binake niya o binili somewhere.  Ayoko nang isipin pa kung saan ito galing basta ang mahalaga'y para sa akin ito.

Ang bait talaga ni kuya kahit kailan at kahit na ganoon ako ka-pasaway na kapatid, talagang lab pa rin niya ako kagaya neto, nag-abala pa siya maghain ng cookies para sa akin.

Habang nilalantakan ang cookies ay muli akong tumungo sa refrigerator upang kumuha ng fresh milk nang halos magulantang ako nang makita ko ang laman nito.

Hindi naman sana ako magugulat sa napakaraming chocolates at softdrinks p-pero hindi eh. Dahil sahalip na iyon ang makita ko ay gabundok na pipino ang naroon at halos magsilaglagan na nga ang mga iyon. Takte. Anong trip ni kuya para pagsiksikin ang napakaraming pipino na ito in one ref?

Pakiramdam ko'y muling sumakit ang ulo ko kaya naman agad akong kumuha ng tray upang doon ilagay ang pipino.

Now I know kung para saan ang napakaraming pipino na ito. Para ito sa akin.
Bigla ko naman kasing naalala ang sinabi ni Bohr na isa raw sa causes ng eyebags ko ay allergies. Posible pala iyon. For all of my life ay inakala kong pagpupuyat at pag-kain lang ng salty foods ang dahilan nito. Tsaka akala ko, genetics na rin.

Anyway, inaamin kong na-confuse talaga ako sa mga ganitong usapan - Kaya naman agad kong tinanong si kuya tungkol doon and he explains it all to me.
Allergy nga ito at kailangan ko ng vitamins para kahit papaano'y ma-lessen ang pamamaga ng mata ko. At para sa may mga eyebags din jan like me, here's some sort of tips na maaari kong ma-share sa inyo.

Hindi talaga ako aware noon pero ang pagkakaroon daw talaga ng eyebags ay sanhi ng pagkakaipon ng tubig sa ibabang parte ng mata. Nangyayari iyon dahil sa mahinang sirkulasyon ng dugo na maaaring dulot ng matinding pagpupuyat , pagkain ng salty foods , at marami pang ibang factors - such as allergies. Maaari ring daw itong mapasa genetically.

And one important thing na kailangang gawin to cope with eyebags ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog. At least 8-9 hours or sleep every night. Kaya nga isa iyon sa mga dahilan kung bakit sadyang hindi talaga normal ang laki ng eyebag ko. Nang i-calculate ko kasi'y mga about 3-4 hours lang ang tulog ko lalo na kung may exam ako or may kailangang ipasang project kinabukasan. Mahirap talaga maging working student - bukod sa pagod ka, sure talaga na magkaka-eyebag ka.

Isa pang factor ay ang pagkain ng salty foods. Mahilig talaga akong kumain ng mga salty since elementary. Kagaya ng chichirya tsaka na-try ko na ring kumain araw-araw ng canned goods.

Pero narealize ko na hindi pala makakabuti ang araw-araw na pagkain nito. Kaya iyon, nasa huli talaga ang pagsisisi. Another tips na nalaman ko para maiwasan ang pagkakaroon ng eyebags or ma-lessen ang pamamaga nito ay cold compress.

Ngayon ko nalaman kung bakit napakahalaga ng pipino. Pwede rin pala ang teabags, milk at sliced potato.

At ito pa ang mas shocking na part, pati pala ang kutsara ay malaki rin ang naitutulong upang maiwasan ang eyebags!

So as you see, hindi ko pa talaga malalaman ito kung hindi ako na-ospital.

Pero thankful na rin ako syempre dahil kahit papaano'y okay na ang kalagayan ko :)

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon