Clyde’s POVAs Athena’s brother, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman nang malaman ang tungkol sa pag-alis ni Bohr sa susunod na linggo. In fact gusto ko siyang sumbatan, saktan at suntukin dahil sa mga pangakong paulit-ulit niyang binabanggit sa harap ko at ni Athena but realizing na maging si Bohr ay naguguluhan sa desisyong iyon, alam kong mahal niya nga ang kapatid ko at hindi ako nagkamali ng pinaniwalaan.
Pero iba ngayon, ang iba ang sitwasyon ng araw na ito. Akala ko kasi magiging okay at babalik na ulit ang normal naming buhay. Balak ko kasi na kapag sumapit ang bakasyon, uuwi kami ni Athena sa probinsiya dahil alam kong miss na miss na niya si Mama. Iyon din mismo ang oras para bumisita ako sa tunay kong ama.
Masyadong komplikado ang kwento ng aming pamilya. It’s weird pero lately ko na lang din nalaman na hindi ko pala tunay na ina si Mommy, kundi ang kinagisnang ina ni Athena. Inaamin kong nagalit ako sa kanila dahil hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang isikreto sa akin ang tungkol doon pero in the end, agad ko na lang din iyong natanggap. I’ve this sudden realization na bakit naman ako magagalit sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang alagaan ako- kaya in return, talagang nagsikap akong mag-aral. Hindi naman kami hikahos sa buhay dahil parehong may business ang aking ama at ang kaniyang asawa. Kaya naman nang maka-graduate ako ay iyon din ang pagkakataong kinuha ko para makipagkita sa tunay kong ina. And then, she told me that I have a sister. Naawa ako sa sitwasyon nila dahil kinuwento niya kung paano nagsikap si Athena na suportahan ang kaniyang pag-aaral sa Maynila. Working student daw ito at anim na taon nang naninirahan sa Maynila para mag-aral. Kaya naman nang makahanap agad ako ng trabaho, agad akong nag-decide na lumipat at lumuwas na sa Maynila dahil bukod sa malaki-laki ang sahod ay willing akong tulungan ang aking kapatid. My mom never asked me a favor, but I’m the one who insisted to help my sister.Kaya eto. Kaagad ko siyang hinanap. Nakakatawa nga ang una naming pagkikita at ang sumunod pa. Hindi kasi ako agad nagpakilala sa kaniya dahil masyado akong curious sa mga bagay and until nalaman din niya na ako ang kapatid niyang tinutukoy ng aming ina sa province. At first, hindi talaga siya makapaniwala. Pero may magagawa ba siya? Kahit nga ako’y hindi rin makapaniwala. But ofcourse I’m happy dahil kahit papaano’y may kapatid ako at makakatulong na ako sa kaniya. Actually, bukod sa pagtatrabaho sa isang company dito sa Maynila, I also plan to build a business, such as cosmetics and skin care. Nang mabanggit ko iyon kay Mama ay agad siyang nagtaka kung bakit sa dami ng business ay iyon pa daw ang naisip ko, then I told her my true gender orientation. Yes, I’m a gay pero hindi halata. Most of my officemates never had an idea na hindi ako ganoon ka-straight, actually I only found out when I was in highschool. I admit that I was physically and emotionally attracted to guys but I never had a relationship with them until I met Jake – funny to know pero pinsan pala ito ng napakapagandang kaibigan ng kapatid ko na si Aphrodite. Kaso, wala talagang nagwo-work sa mga ganoong uri ng relationship.
Kaya eto, siguro mas makabubuti kung i-focus ko na muna ang sarili ko sa mga major priorities lalo na ang kapatid ko. Kaya nga nang marinig ko ang sinabi ni Bohr, hindi ako mapakali. I know, he really loves my sister that much. At ilang beses na niyang pinatunayan iyon sa akin. In fact, nang una ko siyang makita ay talagang na-amaze at na-attract na ako sa kaniya- pero hindi naman umabot sa puntong gusto ko na siyang agawin sa kapatid ko. I just really like him for being my sister’s friend kahit na may nasi-sense akong hindi lang sila basta magkaibigan. Kaya nga hindi na rin ako nagtaka nang malaman kong sila na. Bakit naman ako magtataka, expected ko na iyon matagal na.
But thinking na kapag nalaman ni Athena ang tungkol sa desisyon ng parents ni Bohr, masyado akong nalulungkot para sa kaniya.
Pero may magagawa ba kami? May magagawa baa ko bilang kapatid niya? Bilang kuya niya? Just to protect her heart and keep it away from any pain?
Alam kong hindi sapat ang pagmamahal ko but I can do my best para tulungan siyang maka-move on kay Bohr if ever.
Gulat man at nag-aalala sa nangyari ay nagpasya na muna akong bumalik sa condo. Nakipagkita kasi ako kay Bohr dahil gusto daw niya akong makausap. Mabuti nga at tulog si Athena kaya hindi niya ako nakulit at napigilan sa pag-alis. Pero syempre bago umalis ay pinag-bake ko na muna siya ng paborito niyang cookies para naman kahit papaano’y hindi siya magutom.
Anyway, nag-decide na nga sana akong dumiretso na sa work but since naiwan ko ang phone sa condo, wala akong choice kundi ang bumalik.
Nagtaka pa nga ako dahil nang pumasok ako sa condo ay bigla akong may narinig na boses na kausap ni Athena sa loob. But when I told her, sabi niya nagpa-practice lang daw siya ng monologue.
But I just nodded as sign that I believed her as reply kahit na ang totoo’y may kasama talaga siya roon. Pero hindi ko na iyon sinubukan pang alamin dahil bukod sa nagmamadali ako’y hindi naman ako tsismoso na tao, dahil tsismosa ako. Charot.
Tsaka may tiwala ako sa kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?