Justin's POV
Hindi ko alam kung matatawa ako o matatae sa nangyari lately.
Hindi ko kasi inaasahang ganoon siya ka-hyper at magugulatin sa sinabi ko to the point na kailangan niya akong paliguan ng milkshake na mula sa bibig niya.Matagal akong hindi nakaimik doon until nagmadali siyang tumakbo at naiwan akong basa pa din sa kinauupuan ko.
I don't have time but to clean up. Teka, ang tagal namang dumating ng babaeng iyon. Haha siguro natatakot siya sa maaaring mangyari sa kaniya once na magpakita ulit siya sa akin.
To be honest, hindi naman ako ganoon ka-harsh pagdating sa tao. Yes, I grew up being an only child of my parents na politically involve. Dating mayor si Dad at business woman naman si Mom na dati namang tumakbo bilang Board Member kumakailan. It's hard for me to be part of their family dahil any wrong move , alam kong pag-uusapan ako ng mga tao.
This is not about being famous or popular, remember dating Mayor si Dad at kahit ngayong wala na siya sa pwesto, still marami pa rin ang batikos na ibinabato sa kaniya. And I should defend him as his son.Siguro noon, naranasan ko ring mag-rebelde. There comes a time na hindi na ako pumapasok sa klase then clubbings. And to be honest, isa pa lang ang ex ko sa buong buhay ko. But it was just an accident.
Ewan ko ba kung bakit nang makilala ko ang babaeng ito, I'm talking about Athena, there's a feeling that I can't understand. I don't know but there's a joy everytime na pagti-tripan ko siya. The way na mapikon siya, I find it cute.Pero di ako aware na sensitive pala siya kaya nga I tried to make a way para at least, makabawi sa kaniya. That's the reason kung bakit binigyan ko siya ng tip nang magkita kami sa coffeeshop nang gabing iyon. But sadly, binalik niya lang sa akin dahil napikon na naman siya.
And that made her more than attractive than her eyebag.
Actually, kung ako ang tatanungin, maganda naman siya. And her eyebag made her more stunning. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napapansin kong palagi na lang siyang binubully , at isa na doon si Zashumi na dati kong ex.
°°
"S-sir? Okay lang po kayo? Ano pong nangyari??!"
Nabalik lamang ako sa reyalidad nang may magsalita sa harap ko. Then napatayo ako nang bumungad sa akin ang waitress na nag-serve sa amin kanina.
"Yes. I'm okay. Take it and keep the change.."
Sambit ko saka na nagmadaling umalis. Sa labas ko na lang siguro siya hihintayin but I need to clean up her saliva all over my body.
Pagkagaling ko sa restroom ay nagmadali na akong lumabas at muling binaling ang tingin sa table kung saan kami nakapwesto kanina.
Wala siya doon at kasalukuyan na naman itong bakante.
Teka, nasaan na kaya siya?
I tried to contact her pero narealize kong hindi niya pala sa akin binigay ang number niya. So what to do? May klase pa kami at isasabay ko na din siya sa lunch together with Dad.
Nagtataka man ay pinili ko na lamang lumabas upang doon siya hintayin dahil baka nasa loob pa siya nang biglang tumunog ang cp ko.
And when I looked at it.
Umuwi na ako. No need to wait for me. Pakisabi na lang din sa Dad mo na next time na kami magkita. I'm so sorry sa nangyari. Bigla kasing sumakit ang ulo ko. Hope you understand.
Ang babaeng malaki ang eyebag
--
Muli akong napangiti nang mabasa ang nickname niya na nakasulat sa ibaba ng kaniyang text.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?